Rufa Mae Quinto on Dra. Belo and Hayden: "Magkakabalikan din pala sila...‘tapos dinamay-damay pa nila ako!"

IMAGE 0


"Madadaan naman pala ang problema nila sa padrama-drama nung isa, e! Ang masakit lang dito is bakit napasama ako? Super-name-drop pa sila sa name ko! Ano ba ang kinalaman ko sa kanila, di ba? Ni hindi nga ako endorser ng Belo! Hindi kasi nila alam ang sakit na binigay nila sa akin at sa pamilya ko!" complains Rufa Mae Quinto about her name being dragged in the breakup of Vicki Belo and Hayden Kho.


Nagpatuloy ng pag-iyak si Rufa Mae Quinto, even after na matapos na ang Showbiz Central kahapon, December 27. Hindi napigilan na humagulgol pa ni Rufa Mae dahil masamang-masama ang loob niya noong araw na 'yon.

Matagal pang nag-stay si Rufa Mae sa dressing room ng GMA Network Studios dahil sinabihan nga siya na darating daw ang kanyang co-host na si Mo Twister, para magkausap at magkaayos silang dalawa.

Hindi naman nakarating si DJ Mo sa studio. Naipit ito sa airport dahil kararating lang niya from Hong Kong. Nataon na napasabay siya sa dami ng tao na pumila sa Immigration at sa pagkuha ng mga bagahe niya.

Habang naghihintay si Rufa Mae ay naglabas na ito ng sama ng loob niya, hindi lang kay DJ Mo kundi pati na kay Dra. Vicki Belo, na nandamay daw sa kanyang pangalan. Pinangalanan daw siya ng duktora bilang isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nito kay Dr. Hayden Kho.

Kinumpirma ni Rufa Mae na nagkabalikan na raw ang dalawa over the weekend. Mas lalo raw siyang nainis nang nakarating sa kanya ang balitang ito.

"Hindi ba, nakakainis sila?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Rufa Mae sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Magkakabalikan din pala sila, e, bakit pa sila nagpa-press release na hiwalay sila, tapos dinamay-damay pa nila ako?

"Madadaan naman pala ang problema nila sa padrama-drama nung isa, e. Ang masakit lang dito is bakit napasama ako? Super-name-drop pa sila sa name ko. Ano ba ang kinalaman ko sa kanila, di ba? Ni hindi nga ako endorser ng Belo! Hindi kasi nila alam ang sakit na binigay nila sa akin at sa pamilya ko!"

Noong una nga raw ay pa-joke-joke pa si Rufa Mae tungkol sa issue na sangkot siya sa hiwalayan nina Doc Hayden at Dra. Belo. Pero isang buong linggo raw na hindi siya tinantanan ng kung anu-anong balita sa TV, diyaryo, at radyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Imagine, Christmas Eve at mismong araw ng Pasko, umiiyak ako kasi nga pinagdidiinan na talagang sangkot ako! Naapektuhan ang mommy ko, pati na ang lola ko. Yung mga kapatid ko at mga kaibigan ko sa ibang bansa, naaawa sila sa akin kasi nga kilala nila ang pagkatao ko. Hindi ako gano'ng klaseng tao. May pinag-aralan akong tao. Ano ba sa akala nila, madali akong sasakay sa ginagawa nilang ‘yan? Kung gimik din lang ‘yan, hindi ako natutuwa na isinama nila ako!" himutok ni Rufa Mae.

WHERE ART THOU, DJ MO? Tungkol naman kay DJ Mo, may nakapagsabi kay Rufa Mae na si DJ Mo raw ang nagsulsol kay Dra. Belo na kasangkot siya sa pagiging salawahan ni Doc Hayden.

"Actually, may nagsabi lang sa akin na kasama nga si Mo dito sa anumang gimik na ito. Galit na galit ako kasi nga magkasama kami sa iisang show, pero bakit niya ako ilalagay sa alanganin?

"Kaya nga noong dumating ako sa studio kanina, wala akong ayos talaga. Ako na lang nag-makeup sa sarili ko. Kasi nga, ang sama-sama ng loob ko at gusto kong i-confront si Mo talaga. Gusto kong malaman kung ano ba ang totoo. Kung kasama ba siya diyan sa plano na idamay ako or what.

"Ayoko kasing maging plastik na tao. Diretsahan tayo. Hindi yung nakatalikod ako, doon mo ako gagawan ng hindi maganda. Kaya tuloy nakita ang pagiging transparent kong tao sa TV. Ayoko kasing ipakita na masaya ako. pero deep down, e, galit na galit. Naging professional lang ako talaga, ‘tsaka naisip ko na New Year pa naman. Ayokong simulan ang taon na miserable ako dahil sa isang bagay na hindi naman ako guilty," sunud-sunod na sabi ni Rufa Mae.

Hindi na nakarating si DJ Mo sa studio, at nagdesisyon na si Rufa Mae na ayusin na ang kanyang mga gamit at umuwi na. Pero bago siya umalis ay nagpasalamat siya sa staff ng Showbiz Central sa pag-intindi sa sitwasyon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro nga inilagay ako ng Diyos sa show na ito para kapag may issue ako, live na live kong masasabi, hindi ako nae-edit. Hindi gaya noong isang talk show na nag-interview sa akin tungkol nga diyan sa Belo issue na ‘yan. Hindi man lang nila inere nang buo. As in, pinutol nila ang pagtanggol ko sa sarili ko. Kaya iba ang interpretation ng marami."

Ang huling sinabi ni Rufa Mae sa PEP ay: "Salamat din sa buong staff kasi naintindihan nila ako. Alam naman nila na very emotional ako, lalo na kung sa issue na hindi totoo. 'Tsaka gusto nga nilang magkaayos na kami ni Mo. Pero hindi siya dumating, e, naghintay naman ako. Bahala na ang Diyos sa kanila, basta ako, wala akong ginagawang masama."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN