KC Concepcion swears she has no suitors right now

IMAGE 0


"Wala naman po talaga akong manliligaw ngayon. Feelingko nga, parang kasalanan ko na walang nanliligaw, kasi hindi ko naman silainiisnab. Minsan gusto ko sanang sabihin, tapos pag kinausap mo naman, nali-link.Parang ano naman ang gagawin ko?" says KC Concepcion.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si KCConcepcion sa backstage ng Sofitel Harbor Tent matapos ang performance niya saKaty The Musical noong Sabado ng gabi, December 27. Very ecstatic pa rin angfeeling ni KC matapos ang kanyang pinakabagong experience performing on stage.

Kabilang sa mga nag-perform sa nasabing musical ang mgabatikang mang-aawit tulad nina Mitch Valdes, Dulce, Rachel Alejandro, AyenMunji-Laurel, gayundin din sina Bituin Escalante, Sitti, Frenchie Dy, Jonalyn Viray,Aicelle Santos, at Maricris Garcia. Leading man naman ni KC si Jericho Rosales.

"Nai-inspire naman ako," sambit ni KC. "Noong una, parangnai-intimidate ako kasi nakakasama ko na sila. Ngayon, parang kaya ko na.Siyempre, I learn from them. Pag katabi ko na sila, I know I have to do mybest."

NEW ENVIRONMENT. Ibinalita rin ni KC na nagsimula na sila ni RichardGutierrez na mag-shoot ng bago nilang pelikula under GMA Films, under thedirection of Joel Lamangan. Aminado ang dalaga na medyo naninibago siya dahilshe's in a new environment. Tapos puro lalake pa ang members ng crew.

"Ang bago talaga ay nasa GMA Films na ako," sabi niya. "Kayanaintindihan ko na kung bakit si Chard, parang naiilang noong nasa ABS-CBNkami. Sabi niya, ‘Bakit may mga babae at may mga bakla?' Iba ang energy ditokasi puro lalake ang crew. Talagang from production people namin, all boys. Unlike before, nandoon si Ate Shayne kaya may ate-figure ako. Dito, purostraight all-boys crew, so nag-a-adjust pa rin ako in the same manner nanag-adjust si Chard when we were doing our movie for Star Cinema."

Okay naman daw ang shooting nila, ayon kay KC. Pero secondsequence pa lang, pinaiyak na raw siya ni Direk Joel.

"May crying scene na agad ako. Tapos umagang-umaga,nagmumura na si Direk. E, di ba, he's known for being very strict? So, talagangkailangan na behaved na behaved ka. Very disciplined. Kailangan always on time.Kung puwede, mas maaga sa call time. Tapos sa iba't ibang lugar kasi anglocation namin," lahad ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto naman daw ni KC na may makatrabahong istrikto, tulad niDirek Joel, para mas lalo pa siyang ma-challenge. Iba't ibang klase naman angmga direktor, tulad ng kanyang na-experience nang gawin niya ang kanyangepisode sa Maalaala Mo Kaya at ang four-part series na I Am KC sa ABS-CBN.

DRAMA SERIES WITH PIOLO. Pasok na rin si KC sa paggawa ng teleserye, kung saanmakakasama naman niya si Piolo Pascual. Wala pang titulo at hindi pa masabi niKC kung sino ang magdidirek ng series na pagsasamahan nila ni Piolo.

"Sabay na gagawin ang movie and teleserye. Monday, Wednesday,Friday sa teleserye ako, tapos Tuesday, Thursday, and Saturday sa movie namanako. Nagwo-workshop na po ako in preparation for the teleserye. Workshop andstory conference muna kami. I've done MMK and I Am KC, so kahit paano kailanganiba rin ang ginagawa ko. Since pinasok ko na ang paggawa ng teleserye, dapatmagkaiba rin ang magawa kong character," wika ng dalaga.

Dagdag niya, "Mahal ko naman po ang trabaho ko. Parang kahitna ilang beses ko siyang layuan... Di ba, tumira na ako abroad at tina-try kong huwagmapunta rito, pero ibinabalik at ibinabalik ako ni God. Talagang pinag-pray kotalaga ang pagpasok ko sa showbiz. ‘Ganoon ba talaga? Lagi Mo akong ibinabalikdito?' Siguro talagang dito Niya ako gustong mapunta."

Wish din ni KC na magkaroon ng entry sa Metro Manila FilmFestival (MMFF) next year. Never pa raw siyang nakadalo sa isang awards show. Mabutina lang daw at ginagawa niya itong Katy The Musical kaya naging partsiya ng MMFF.

FOR CONSIDERATION. Since gumawa na siya ng pelikula—For the First Time withRichard Gutierrez—pasok na ang pangalan ni KC sa mga pagpipilian bilangBreakthrough Performance of the Year sa Golden Screen Awards ng EntertainmentPress Socity, gayundin sa Best New Movie Actress of the Year ng PMPC StarAwards. Ano ang reaction niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasali po ba ako roon? Akala ko kailangan mag-spend munaako ng five years sa business. Talaga? Talaga? Wow! Hindi ko ini-expect na maygano'n. Tanga ako! Hindi ko alam!" sabi ni KC na hindi nakapagsalita agad dahilninerbiyos daw siya.

Patuloy niya, "Akala ko, best actress lang. Ninerbiyos akoagad. Ewan ko po. Siyempre, nagulat naman po ako roon."

AFFAIRS OF THE HEART. Kumusta naman ang kanyang love life? Mukhang walang balitatungkol sa kanyang affairs of the heart.

"Wala naman po talaga akong manliligaw ngayon," sabi ni KC. "Feelingko nga, parang kasalanan ko na walang nanliligaw, kasi hindi ko naman silainiisnab. Minsan gusto ko sanang sabihin, tapos pag kinausap mo naman, nali-link.Parang ano naman ang gagawin ko?

"Siyempre, iniisip ko naman na if it doesn't work out, atleast I gained a friend. Tingin ko po, ready naman ako to go into arelationship. Basta right person. Ayoko na kausapin ang mga walang kuwenta,"nakangiting pahayag niya.

Ano-anong qualities ba sa isang manliligaw ang hinahanap niya?

"Siguro yung God-fearing, kasi lahat naman po aynanggagaling doon. Pero hindi naman po yung holy, ha? Yung normal pa rin. Sakayung honest, family man, yung understanding sa work ko. Wala naman akong ire-reveal.Wala naman talaga. Kung meron, bakit naman ako magla-lie?" pagwawakas ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN