Gerald Anderson laughs off accusation that M.U. with Kim Chiu is just gimmick

IMAGE 0


"Ano pa ba ang gusto nila? Ano pa ba ang gusto nilangsabihin namin? Sinabi na naming M.U. kami, so, yun ang first step pa langnamin. Hindi po kami nagmamadali. Basta kami ni Kim, masaya kami," says GeraldAnderson.


Aminado si Gerald Anderson na matinding pressure atchallenge ang ginagawa niyang teleserye, Tayong Dalawa, kunsaan sila nina Jake Cuenca at Kim Chiu ang mgabida. Bukod kasi sa kanilang tatlo, suportado silang talaga ng magagaling atbeteranong artista tulad nina Helen Gamboa, Cherry Pie Picache at Gina Pareño.

"Nandoon talaga siyempre ang pressure!" simula ngangpag-amin ni Gerald. "Sa nanay ko pa lang at sa lola ko sina Ms. Gina at si Ms.Cherry Pie, doon pa lang. Pero alam mo yung ito ang pressure na gusto mo. Gustomong mangyari based on experience. It's a learning experience kasi."

Sa kabila ng iniisip ng iba na hindi siya masaya sa billing ng show, masaya rin siya na hindiniya solo this time si Kim. Lumalabas kasi ngayon na silang dalawa na ni Jakeang mga bidang lalaki sa teleseryeng ito.

"Ay, no! Hindi, hindi, hindi!" tanggi muna ni Jake sa billing issue. "Itong si Jake,talagang kapatid ko yun. Sobrang close naming dalawa. At lalong nagingclose kami dahil dito sa Tayong Dalawa. Two weeks din kaming nag-workshop bago kami nag-taping."

Ayon kay Gerald, goodbye pa-tweetums na talaga.

"Wala na...bawal kasi yun dito, e. Pinapagalitan ako sa setkapag minsan lumalabas. Pero wala na, wala na..." natatawa niyang sabi.

SOLDIER BOY. Tungkolnaman sa kanyang papel sa show, mahirap daw pala ang maging isang cadet.

"Sobrang hirap! Akala ko nga ang maging artista,mahirap na. Pero, sobrang hirap ang maging cadet din. Kasi, discipline.Kailangan gumising ka sa tamang oras. Kumain sa tamang oras. At respetotalaga."

Buong araw raw silang nag-training sa PMA (PhilippineMilitary Academy) sa Baguio City.

"Isang buong araw kaming nag-training. Pero, hindi pokami nagu-good take hangga't hindi po talaga okey kasi. Bawal pong talaga.Hindi pa namin ilalabas na mali ang ginawa namin kasi, siyempre, lagot kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, every taping day namin sa PMA, may kasamakaming kapitan."

After that, na-imagine niya ba ang sarili na puwedesiyang maging isang sundalo?

"Oo! Kahit before, gusto ko talagang maging sundalo. Batapa lang ako. Kasi, ang tatay ko, ang uncle ko, lolo ko, sundalo. Actually,sundalo rin naman po ako, sundalo sa PBB,"natatawang biro pa niya.

"Actually po, dream ko yun, e," pagpapatuloy ni Geraldtungkol sa pagiging sundalo nga.

THEY FINALLYADMITTED. Before the year ends, both Gerald and Kim admitted that they dohave a mutual understanding. Ito ay sa kabila ng pagkaka-linknaman kay Gerald sa Kapuso star na si Pauleen Luna.

But the irony of it, kung kelan sila umaamin ni Kim namay understanding na nga sila, saka naman may mga nagsasabing hindi na namandaw sila because at that time na itinatanggi nila na sila, that was the timeraw na sila talaga. Gimik lang daw talaga ang sinasabing M.U. nila ngayon. Ano ang masasabi niya sa ganoon?

"Ano pa ba ang gusto nila? Ano pa ba ang gusto nilangsabihin namin? Sinabi na naming M.U. kami, so, yun ang first step pa langnamin. Hindi po kami nagmamadali. Basta kami ni Kim, masaya kami."

Natatawang dugtong na lang niya, "Parang, puwede ba ‘yan?Sasabihin naming M.U. kami, pero, hindi kami. No, no, no! At saka, makikita parin nila yun, kung ano ang fake at saka kung ano ang totoo."

CHRISTMAS GIFT.Ano ang naging Christmas gift niya kay Kim?

"Ang Christmas gift kasi namin, delayed. So, hindi pakami nagbibigay sa isa't isa. Baka after New Year na. Pero, may naiisip namanna kong ibibigay sa kanya."

Di kaya ang pinag-uusapang pink helicopter na ito?

"Hindi naman, hindi naman!" natatawa niyang sabi dahilnoong debut ni Kim, niregaluhan niya ang ka-love team ng pink car.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This 2009, ano naman ang mga inaabangan niya at wini-wishniya?

"Tayong Dalawa...Sana, maging hit! Sana maging maganda ang outcome namin."

Less involvement ba sa ibang girls?

"Ha-ha-ha! Basta, ganoon pa rin! Kung ano ang ginawako sa 2008 kasi, naging napakaganda naman po ng 2008, so, sana, ganoon din posa 2009."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN