Piolo Pascual would attend Judy Ann-Ryan wedding if invited

IMAGE 0


"Yun ang isang bagay kaya I remain a bachelor, as intalagang loveless. Nakakasakit lang ako ng damdamin. Mabuti pang ako na langang masaktan kesa mayroong umaasa, hindi ko naman naibibigay ang time ko," says heartthrob Piolo Pascual.



Lilipad papuntang Amerika si Piolo Pascual sa Christmas eve,December 24. Nakatakdang mag-Pasko si Piolo sa California, sa piling ng ilangmga kamag-anak at kaibigan doon.

Magkikita rin sila ng anak niyang si Iñigo, na ipinakita pani Piolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang picture ng teener nalumalaking kawangis talaga ng ama. Nakiusap lang si Piolo na huwag nang i-publishang nasabing picture na nasa phone files niya.

Ayaw na rin ni Piolo na magdetalye pa tungkol sa ina ngbata.

"Friends naman kami ng mom ni Iñigo," ani Piolo."Pero hanggang ganoon na lang. May kanya-kanya na kaming buhay. Angimportante, napapalaki nang mahusay ang anak namin.

"Inilayo ko ang anak ko sa bansa nang sa gayon ay hindina siya madamay sa kung anu-anong intriga tungkol sa akin. Para maging normalang pagbibinata niya. Doon sa Amerika, nakakapag-aral siya nang matino. Mukhanghindi niya magagawa basta-basta ang ganoon kung naririto siya saPilipinas," paliwanag ng aktor.

Definitely, it will be a "White Christmas" for Piolo, justlike his favorite Christmas song. Sa California mag-i-spend ng holidays angaktor, his much-needed vacation, bago ang matinding promo ng Love me Again (Land Down Under), ang first team-up movie nila ni Angel Locsin para sa StarCinema.

"Medyo apprehensive lang ako kapag sinasabi ni Iñigo nagusto rin niyang mag-artista," sabi ni Piolo. "I'm very much againstit. Gusto ko talaga, mailayo siya sa showbiz, makapag-aral nang mabuti.

"Pero sinasabi niya sa akin, he wants to be an actor dindaw. Eventually, kung ganoon ang gusto niya, ang pakiusap ko lang ay angmakapagtapos siya ng pag-aaral. Kaya nga habang nasa Amerika siya, yun anggusto kong atupagin niya. Okey naman sa kanya.

"Wala akong hinanakit sa showbiz dahil ito rin angbumubuhay sa akin. Kaya lang, alam kong mas makabubuti para sa anak ko anglumayo muna rito nang hindi niya ma-experience ang mga masasakit na bagay nanararanasan ko rin naman dito, gaya ng mga intriga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL SINGLE. Hindi naman basta naniniwala sa New Year's resolutions siPiolo. Hindi naman daw niya nasusunod ang ganito.

"Mahirap magplano ng mga ganyan. Siguroang gagawin ko na lang, yung hindi ako masyadong nagtatakaw sa pagtulog. Masarapakong matulog. Mahabang tulog talaga, e, kadalasan, naaapektuhan ang schedule kodahil sa mahabang pagtulog. Kaya I might as well really plan my sleepinghours."

Nasa Grade 5 na si Iñigo at pupuwede namang mag-girlfriendna si Piolo, pero nakikita niyang mananatili siyang single sa 2009.

"Ang mahirap talaga sa akin, gusto kong manligaw. Perokapag nandoon na, pahirapan na. Mahirap kasing basta manligaw na lang, taposbiglang masisira yung momentum na hindi ka na naman magpapakita doon sanililigawan mo.

"Yun ang isang bagay kaya I remain a bachelor, as intalagang loveless. Nakakasakit lang ako ng damdamin. Mabuti pang ako na langang masaktan kesa mayroong umaasa, hindi ko naman naibibigay ang time ko.

"Kung may time din lang ako, bumabalik ako sa States tobe with my son. Kung hindi naman, pumupunta siya rito at siya ang dumadalaw saakin. Kay Iñigo ko na lang ibubuhos ang time ko kung mayroon pa, kaysa magingunfair din lang ako kung magge-girlfriend pa ako. Hindi rin lang talagadumarating ang tamang girl para sa akin," sabi ni Piolo.

May mga nahihiwagaan pa rin sa single status ni Piolo, perochoice naman din kasi niya yun.

"Sa nangyayari, I still function well without it, kayaokey lang. Eventually, magkakaroon din siguro ako ng lovelife, which I willcherish. Natutuwa nga ako, like in the case of Judy Ann [Santos], alam kongmagpapakasal na sila ni Ryan [Agoncillo].

"Naiisip ko lang na si Juday, nagingka-love team ko kasi 'yan, e. Beforeanything else, naisaayos yung gusot sa amin. Hindi na kami mga bata paramagkaroon pa ng ganoong kaguluhan. Besides, malaki ang utang na loob ko kayJuday. Hindi ko maaabot ito kung hindi niya rin ako sinuportahan at kung hindisiya pumayag na makipareha sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung maiimbitahan ako sa kasal nila, why not? A-attendako. I wish them all the luck. I am also hoping na one of these days, magkasamauli kami ni Juday sa isang pelikula," pagwawakas ni Piolo, na magse-celebrate ng kanyng 32nd birthday sa January 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN