Angel Locsin clarifies report that Star Cinema wants to buy her contract from Becky Aguila

IMAGE 0


Angel Locsin on rumors that she is now being handled by Star Cinema's Malou Santos:"Iyon ang isa sa mga ikinagugulat ko kung saan nanggagalingyung mga ganyang isyu. Nahihiya rin naman ako kay Tita Malou, pati doon saibang artista na iniisip nila na manager ko si Tita Malou. Pero hindi. Si TitaMalou lang talaga pinaka-naging contact namin noong lumipat kami. Siyempre, sakanya kami nakikipag-coordinate. Pero si Tita Becky pa rin ang nagha-handle ngschedules ko



Excited at very happy si Angel Locsin dahil ipalalabas na sa Pilipinas—sa January 15, 2009—ang first movie niya withPiolo Pascual at una niya ring pelikula under Star Cinema, Love Me Again(Land Down Under), directed by Rory Quintos. Nauna na kasing ipalabas sa LosAngeles at San Francisco ang movie nila last December 6 and 7. First time ding mangyari sa isang Filipino movie na nag-premiere sa ibang bansabago sa Pilipinas.

Ang Love Me Again, na opening salvo ng Star Cinema sa 2009,ay kinunan sa magagandang lugar ng Bukidnon at Darwin, Australia. Ang cowboymovie na ito ay tungkol sa dalawang magkasintahang sina Arah (Angel) at Migo(Piolo) na hinamon ng tadhana, panahon, at distansiya ang tatag ng anilang pag-iibigan.

SIZZLING LOVE SCENE. Isa sa matinding napag-usapan during the presscon ng Love MeAgain, na ginanap sa Annabel's restaurant last December 20, ay ang mainit nalove scene nina Angel at Piolo. Kaya naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Angel kungwala ba silang naramdamang ilangan nang ginagawa nila ang love scene.

"Sa umpisa, pero habang tumatagal okay na," sabi ni Angel."At saka na-guide naman kaming mabuti ni Direk Rory, kaya kahit paano nakahugotna rin ako para magawa nang maayos yung eksena."

Gaano ka-sexy yung love scene?

"As in sexy. Meron pa kami ritong sayaw-sayaw na sexy. Funsiya."

Ayon kay Angel, two days ang shoot ang love scene. Bakitinabot ng ganun katagal?

"Sa dami din ng angles na kinunan," sagot niya. "At saka ibayung ginawa ni Direk, e. Actually, may kinunan kaming eksena noong umaga, taposyung sa love scene, inabot na ng kinabukasan."

May mga pinutol daw sa love scene nila ni Piolo batay na rinsa desisyon ng Star Cinema, kahit na nga ipinaglaban ito ni Direk Rory.

"May na-trim nga doon sa love scene, maybe because nahabaansila. Pero still, intact pa rin yung eksena, intact pa rin yung story," aniAngel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ba sa kanila kung gaano katagal yung natira sana-approved na love scene?

"Hindi na, e. Actually, curious din ako kasi doon sa twonights na ‘yon, gaano katagal yung natira doon sa love scene namin."

Ano ang naramdaman nila ni Piolo noong ginagawa nila yunglove scene?

"Hayun, nagpi-feeling pro [professional] kami, paramatanggal yung hiya. Nakakahiya rin naman sa partner mo na ginagawa niya kungano yung kailangan sa eksena, tapos ikaw mag-iinarte-inarte ka, di ba? So,naging pro lang kaming dalawa."

Sa tingin ba niya tinablan ba si Piolo sa love scene nila?

"Ewan ko dun. Siya na lang ang tanungin n'yo!" natatawangsagot ni Angel.

E, siya ba ay tinablan?

"Ang masasabi ko, yun ang pinakamahabang eksenang ginawanamin, paulit-ulit. Yun ang pinakamaraming takes kasi yung kamay ko, nanginginigdaw, sabi ni Direk Rory. Siguro sa tense. Tapos hahawak ka pa sa abs ni Piolo...ay!" tili niya.

Kaninong abs ang gusto niyang hawakan, ang kay Piolo o kayLuis Manzano?

"Oh my God, hindi ko masasagot ‘yan! Naka-Arah [role ni Angelsa movie] mode pa ako ngayon, e. Kapag naka-Angel mode na ako, tanungin n'youlit ako!" biro ni Angel.

PIOLO'S GOOD QUALITIES. Ano ang magagandang qualities ni Piolo?

"Si Piolo, walang masamang tinapay ‘yan, e. Napakabait.Kapag may bonding kunwari, o bagay na naiilang siya o hindi siya comfortable,yuyuko lang ‘yan. Hindi siya magko-complain. Hindi siya magrereklamo kung anoman. Pagbibigyan niya."

As a friend, ano ang sweetest na nagawa ni Piolo para sakanya?

"Noong nasa Darwin [Australia ] kami, kahit ang dami naniyang gamit, binibitbit pa rin niya yung mga gamit ko. E, akonakikipag-agawan ako, kasi amazona ako, e. Pero hindi niya ako hinahayaan nakunin. Pagkita ko pa lang doon sa maleta ko sa likod, kinukuha niya agad.Bitbit niya ‘yan lahat, kahit tatlo pa yung maleta ko. Pero hindi ko naman siyaginawang taga-bitbit. Siya naman yung nagkusang magdala ng gamit ko and Iappreciate it so much."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOVERNOR VI'S APPROVAL. Speaking of her rumored boyfriend LuisManzano, may lumabas na balita na inimbitahan daw siya ni Batangas GovernorVilma Santos, ina ni Luis, para mag-Christmas kasama sila. How true?

"May plano kami after Christmas, pero inaayos pa, e.In-invite niya ako talaga, even my dad in-invite din niya. So, sa Christmas sabahay lang ako kasama si Daddy," sabi ni Angel.

Grabe ang papuri sa kanya ni Gov. Vi. Ang bait-bait daw niya at hindi siya plastik. Ano ang masasabi niAngel dito?

"Wow! Napa-flatter ako. Siya rin naman ang bait-bait sa akin,e. Yung sa pagiging plastik, ako kasi hindi ko itinatago ang nararamdaman ko,e. Pag masaya, masaya. Pag malungkot, malungkot. Pag galit, galit. Siguro kasinapakagaling na niyang artista... Kasi kapag magaling kang artista, magalingkang mag-observe e. So, siguro yung ang nao-observe niya sa akin."

Botong-boto rin daw si Gov. Vi sa kanya para kay Luis.

"Nakakatuwang isipin na may taong katulad niya nanagugustuhan ako. Thank you."

Bakit parang itinatago nila ni Luis ang relationship nila?

"Hindi naman sa itinatago," sabi ni Angel. "Hindi langsiguro kami willing na pag-usapan talaga. Kasi kapag magkasama kami, we're veryhappy."

Ano ang reaksiyon ni Luis sa love scene nila ni Piolo?

"Hindi pa niya napapanood, e."

Pero alam niya ba?

"Oo naman, sinabi ko sa kanya. At saka pareho naman kaming artista. Siyempre, galing din siya sa pamilya ng mga artista kaya nauunawaanniya ‘yon. Siyempre pag trabaho, trabaho."

Ano ang reaksiyon ni Angel na kay Gov. Vi na mismo nanggalingyung confirmation about her relationship with Luis?

"Hindi naman confirmation. Wala namang confirmation talaga, e.Pero napapa-smile na lang kami," sabi ng aktres.

Ano ang gift ni Luis sa kanya this Christmas?

"Hindi ko pa alam."

E, siya ano ang gift niya kay Luis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako meron na ako. Nabili ko siya sa States. Kakadating kolang kasi galing New York. Kung ano yun, sa akin na lang. Hayaan n'yo na ako,ibibigay ko na lang. Basta something na maa-appreciate niya."

Gaano na sila katagal ni Luis?

"Hindi namin pinag-uusapan ‘yan. Hindi talaga ako sumasagotkapag tinatanong ako ng ganyan. Basta happy ako."

HAPPY WITH ABS-CBN. Kung happy ang lovelife ni Angel, happyrin daw siya sa kanyang career sa Kapamilya Network. Wala raw pagsisisi on herpart na lumipat siya sa ABS-CBN from GMA.

"Happy...very happy. Kasi lahat ng ibinibigay nila sa akinyung gusto ko talagang gawin. Hindi ako nape-pressure... hindi ako napapagod.Tama lang."

Sa paglipat din ni Angel sa ABS-CBN ay saka siya nanalo ngacting award. Ano ang feeling na aktres na siya ngayong nanalo ka sa StarAwards as Best Actress in a Single Performance sa isang episode ng Maalaala MoKaya?

"Siyempre, nakapakasarap ng feeling. Aktres na, di ba? Firstacting award ko ‘yon kaya talagang ipinagpapasalamat ko talaga."

Ang ganda ng treatment na ibinibigay sa kanya ng StarCinema. Ano ang feeling about this?

"Nagpapasalamat ako siyempre dahil isang malaking karangalanna mabigyan ka ng ganitong kalaking proyekto. Tapos si Direk Rory pa angdirektor, plus si Piolo pa ang kasama ko. Kaya nagpapasalamat talaga ako."

Totoo ba ang lumabas na balita na gusto raw bilhin ngABS-CBN at Star Cinema ang kontrata niya kay Becky Aguila.

"Meron bang ganun? Ako na lang ang bayaran nila!" may halongbiro na sabi ni Angel.

So, gaano katotoo na si Malou Santos na raw ng Star Cinemaang manager niya at parang lumalabas na booking agent na lang si Tita Becky?

"Iyon ang isa sa mga ikinagugulat ko kung saan nanggagalingyung mga ganyang isyu. Nahihiya rin naman ako kay Tita Malou, pati doon saibang artista na iniisip nila na manager ko si Tita Malou. Pero hindi. Si TitaMalou lang talaga pinaka-naging contact namin noong lumipat kami. Siyempre, sakanya kami nakikipag-coordinate. Pero si Tita Becky pa rin ang nagha-handle ngschedules ko," paliwanag ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RESOLVING ISSUES WITH MOTHER LILY & MS. WILMA. Kumustana ang naging problema niya sa Regal Films?

"Okay naman siya. Wala naman ng problema," sagot ni Angel.

Nagkausap na ba sila ni Mother Lily Monteverde?

"Well, sina Tita Becky [Aguila, Angel's manager] pati yungabugado namin ang nag-aayos. Wala naman ng problema. Okay na naman. And siMother Lily, okay naman siya, e, mabait naman siyang kausap."

Itutuloy pa ba niya yung plano niya na makipag-usap nangpersonal kay Mother Lily, pati na rin sa GMA-7 executive na si Ms. WilmaGalvante?

"Oo naman! Tuma-timing lang tayo, e. Medyo sensitibong bagaykasi, e."

Pero matagal na ang nakalipas, wala pa bang tamang timinghanggang ngayon?

"Nagpadala ako ng flowers kay Mother Lily. Si Mother naman,mabait naman si Mother, e."

May lumabas na balita na nagkita raw sa isang event sina Beckyat Ms. Wilma. Sabi raw ni Becky na, "Patawarin mo na ang alaga ko." Na sinagotnaman daw ni Ms. Wilma ng, "Huwag kang mag-sorry sa akin. Kay Angel kamag-sorry." Ano ang comment ni Angel dito?

"Hindi nasabi ni Tita Becky sa akin ‘yan," sabi ni Angel. "Perosa Belo masquerade party noon [last August], nagkita kami ni Tita Wilma.Niyakap ko siya, pero hindi niya ako pinansin. Sabi ko, ‘Sorry, tita.' Taposniyakap ko pa rin siya. Siyempre, naiintindihan ko naman yun, di ba? Basta saakin, trabaho lang naman kasi, e. It's work naman."

Nasaktan ka ba sa naging reaksiyon sa kanya ni Ms. Wilma?

"Siyempre. Pero...wala e, ganun talaga e. Naiintindihan konaman."

Bibigyan niya ba ng regalo si Ms. Wilma ngayong Pasko?


"Siguro sa akin na lang yun kasi hindi maganda na sa papers unang mabasa. Massincere pag mas private. Sa akin na lang yun."

MORE PROJECTS. Pagkatapos ng Love Me Again, may susunod na basiyang pelikulang gagawin under Star Cinema?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, with Aga [Muhlach] po. Next year na po naminmasisimulan ito," pagbabalita ni Angel.

How about a new teleserye after Lobo?

"Next year po may bago na kaming gagawin."

With Piolo ulit ba ito?

"Hindi po muna. I think it's with Sam [Milby] and Diet [DietherOcampo]."

Ano ang Christmas wish niya para sa sarili niya?

"Siyempre, more good projects at saka good health."

Ano naman ang regalong gusto niyang makuha this Christmas?

"Simple lang. Gusto ko ng E-Pass sa SLEX. Kasi kapag walakang E-Pass, pipila ka pa, di ba? So, para tuluy-tuloy na, yun ang naisip ko,E-Pass."

Ano ang New Year's resolution niya?

"Wala. Kasi siguro sa pamilya namin, hindi namin nakaugalianyung magkaroon ng New Year's resolution. Basta ang sinasabi lang ng tatay kona, ‘O, next year pagbutihan mo pa.' Kaya tumatatak sa akin na next year maspagbubutihan ko pa yung ginagawa ko," pagtatapos ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN