Psychics predict success and more controversy for some Kapuso stars

IMAGE 0


(Top row, from left) Richard Gutierrez, Marian Rivera, Dingdong Dantes and Dennis Trillo; (second row, from left) Rhian Ramos, Mark Herras, Mark Anthony Fernandez and Regine Velasquez.



Gaya ng nakagawian na ng magazine show ng GMA-7 na Mel & Joey, hostedby Mel Tiangco and Joey de Leon, sa episode nila kagabi, December 28, aynag-imbita sila ng psychics para magbigay ng kanilang vibrations tungkol sa showbiz atpolitics.

Ang mga naimbita nilang psychics ay sina Madame Suzette, Malou, atMaricel. Bawat isa sa kanila ay may mga hawak na pictures ng mga artista at sinasabi nila kung ano ang nakikita nilapara sa mga ito in 2009, the Year of the Ox sa Chinese calendar.

May mga reaction angaudience tuwing may ipakikitang picture ang tatlong psychics, lalo na kung controversial ang mga ito.

Narito ang mgaprediction ng tatlong psychics sa ilang Kapuso stars:

JENNYLYN MERCADO -"No reconciliation" na raw sa dating boyfriend na si Patrick Garcia. Peromakikipag-reconcile daw ito sa dating boyfriend na si Mark Herras, na hindinaman nilinaw kung sa kanilang lovelife o sa kanilang love team dahilmagsisimula na silang mag-taping ng Sine Novela na Paano Ba Ang Mangarap? underDirek Joel Lamangan.

MARK HERRAS -Patuloy na magniningning ang bituin, huwag lang daw siyang lilingon sanakaraan.

RHIAN RAMOS -Masyado raw focused sa career niya, pero magiging successful ang love team nilani JC de Vera.

JC DE VERA - Lalongsisikat ang bituin, successful ang career.

MARK ANTHONYFERNANDEZ - Patuloy nang susunugin ang nakaraan at pipiliin nang maging diretsoang kanyang buhay at career.

RICHARD GUTIERREZ -Although lucky pa rin daw ito sa anumang project na gagawin, may offer dawna darating mula sa ABS-CBN. Na kay Richard na raw ‘yon kung magde-decidesiyang lumipat sa Kapamilya network.

DENNIS TRILLO -Magiging very lucky pa rin sa 2009 dahil babalik ang kasikatan na muntik nang nawalasa kanya. May new love daw itong matatagpuan, pero hindi na si Cristine Reyesdahil magsisimula sa letter "N" ang pangalan ng bago niyangmamahalin. Hindi sinabi kungtaga-showbiz ang girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OGIE ALCASID ®INE VELASQUEZ - Magkalaban daw kasi ang zodiac sign nila dahil si Ogie ayYear of the Sheep, si Regine naman Year of the Dragon. Nakikita nilang puwedengmaghiwalay ang dalawa at ang masakit ay kay Ogie raw manggagaling ang breakupnila. (Pabalik pa lamang from Australia bukas sina Ogie at Regine dahil dinalawnila ang mga anak ni Ogie kay Michelle Van Eimeren na sina Leila at Sarah.)

DINGDONG DANTES -Hindi man diretsang sinabi na sina Dingdong at Marian Rivera na talaga ngayon,pero kauumpisa pa lang daw nila. Sandali lang daw ang kanilang magigingrelasyon, pero tuluy-tuloy pa rin ang kanilang kasikatan sa mga pagtatambalannilang projects. Mas maganda raw kung hindi taga-showbiz ang magiginggirlfriend ni Dingdong, pero bahala raw ang aktor dito. Kay Dingdong daw kasi,"girls come and go" dahil hindi pa ito ready for a commitment. Wala na silangbalikan ni Karylle, pero magiging successful pa rin sila as business partners.

MARIAN RIVERA - Isinilang siMarian in the Year of the Rat at compatible daw ito sa Year of the Ox. Ituturing pa rin si Marian na sex goddess atnaka-focus pa rin ang paghanga ng mga tao sa kanya. Marami pa raw aabangangcontroversies kay Marian. Inihalintuladpa ni Maricel si Marian kay incoming US President Barrack Obama na ngayon palang ay inaabangan na kung ano ang ipakikita niya sa mundo at kung may mgakontrobersiya rin itong kasasangkutan. Pero may kapalit daw ang patuloy nakasikatan ni Marian, dahil magkakaroon siya ng problema sa kanyangrelationship, sa health, at may mga taong pipiliting ungkatin ang kanyangnakaraan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN