Jericho Rosales spends Christmas at home for the first time

IMAGE 0


"I think,one of the best things that happened to me this year is that nag-start ulityung closeness ko with my family. A time for myself. And that's amazing. Angdami kong nadi-discover sa sarili ko with regards to my career," says Jericho Rosales.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si JerichoRosales ilang minuto bago ang awards night ng 2008 Metro Manila Film Festival,na ginanap sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Hotel noong December 27.

Si Jericho ang isa sa matunog na pangalan for Best Actor para sa pagganap niya sa Baler.Siya raw at si Christopher de Leon ang mahigpit na magkalaban. Ngunit sahuli, si Christopher ang nag-uwi ng tropeyo para sa pagganap niya saMagkaibigan.

Inamin ni Jericho na ipinagdasal niyang manalo siya, perohindi raw siya madi-disappoint if ever na hindi siya ang magwagi. In fact,napanood daw niya ang Magkaibigan.

"I watched Christopher de Leon's performance last night. AndI think he did a good job talaga," sabi ng aktor.

Ayon kay Echo, bago ang mismong awards night, ine-enjoy langdaw niya ang lahat.

"Hindi naman kasi ako yung nag-iisip palagi na mananalo,"aniya. "Kung kinakabahan man ako, it's because of sobrang excitement. Tonight,I'm very excited kasi after ng awards night, may Katy pa kami. May Katyperformance pa kami. I'm excited about that because I love the stage so much!

"I'm just very happy. And I'm gonna end the year with asmile on my face talaga. And everything turns out... My year, paikot-ikot, angdaming nangyari. Pagkatapos ng taong ito, 'Wow! Thank you Lord!' Yun lang angmasasabi kong talaga. I think, I wanna have a blast this new year."

WORKING WITH KC. Masaya rin daw siya na bago matapos ang2008, he got the chance to work with KC Concepcion in Katy.

"Ang galing! Very energetic! Very hyper, very cute, veryfun! She's actually nice ha, she's really down to earth. Hindi ko siya actuallykilala at nagkakilala lang kami rito. Para nga akong fan, I'm always looking ather. Of course, pinsan niya sila Paolo and Gabriel Valenciano, whoare my best friends too. So, talagang napaka-cool niya," saad ni Echo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nawala raw ang pagkailang niya kay KC, unlike the first timena magkita sila sa rehearsal.

"Nawala na nga, e. Parang kumportable na nga ako, e."

May panghihinayang ba na one-time performance lang angginawa nila?

"I just hope na sana next time, we get the chance to workagain. I think, I remember mentioning nga na mag-work kami. Of course ako, Iwanna work with her, dati pa naman. I even watched her movie with Richard. Ihope next year or next next year," nakangiti niyang sabi.

MOST MEMORABLE. Sa lahat ng mga nangyari sa kanya ng 2008,ano ang mga bagay na hindi niya malilimutan?

"Sa lahat ng nangyari sa akin? Hay naku, ano na yun...Kumbaga, kung naitaga man sa bato, ibig ko lang sabihin, charge to experiencelahat yun, di ba? Para sa akin, mapa-personal or sa career ko. I'm always working and I've been working talaga. I think,doon umiikot yung buhay ko.

"I thinkone of the best things that happened to me this year is that nag-start ulityung closeness ko with my family. A time for myself. And that's amazing. Angdami kong nadi-discover sa sarili ko with regards to my career.

"Sa work, yungKahit Isang Saglit did really well! Thank you talaga! I'm just overflowing withthankfulness. Tapos, ‘eto nga, yung Baler, I'm here now, filmfest. Thisis one of the highlights ng 2008 for me.

"Sana pala, yung mga offers sa akin ngfilmfest noong nakaraang taon, tinanggap ko kung alam ko lang na ganito palakagaganda, di ba? E, usually, umaalis ako bago mag-Pasko. E, ngayon, sige,gawin natin ang Baler. Iniisip ko, Cesar Montano sa Jose Rizal, Richard Gomezsa Eskapo. Now, I have one for the book, ang Baler, so I'm very, very happy,"sunud-sunod na sabi ni Echo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi ba na natakpan anumang hindi magandangna-experience niya sa breakup because of the good things that happened to hiscareer?

"Well, breakup is of course, a different story," sabi niya."If you're talking about ouch...ouch yun, e. Magkaiba naman yun. You learn andyou grow stronger, better, and you understand why things happened, di ba?

"Kahit na ano pang mangyari sa ‘yo, you just have to keepsmiling, keep a positive outlook. At kailangan handa mo pa rin ang puso mo,yung ganoon."

Ano naman ang mga bagay na nilu-look forward niya for 2009?

"My two soaps for me next year...Not yetMaruja, hindi pa. There's an offer, but I cannot say it yet. I cannot sayanything about the project yet. With Kristine Hermosa, it's going to be on thesecond quarter of this year."

Looking forward na ba siya to his team-up with Kristine?

"Oo, e...maganda. They presented na to me. I really like itand I got excited. Pagkatapos ng Kahit Isang Saglit, sabi ko, dapat ganito rinkaganda ‘to, di ba? Kasi ang ganda ng Kahit Isang Saglit," sabi ni Echo.

Also with Carmen Soo?

"Carmen and I will gonna do a movie with Kristine. Mid-yearyun. That's gonna be under Star Cinema. Yun ang pinag-uusapan nila. At sabinaman ni Tita Malou Santos, tuloy yun."

ECHO'S CHRISTMAS. Ayon kay Echo, may communication pa rindaw sila ni Carmen at binati niya raw ito noong Christmas.

Speaking of Christmas, paano naman niya ito ipinagdiwang?

"Sa bahay ko," sagot niya. "Tita Angeli Pangilinan [his manager] did thegrocery for me. Kasi wala talaga akong time. Nasa MMFF parade kami. Umuwi akong alas-otso ng gabi. Then, I went to my son. I spent time with him. I got homearound 10:30 with no food at home. Konti lang, chips!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, Tita Angeli, grinocery na niya ako. Pumunta ako sa bahaynila and I'm very thankful. Pagdating ko run, meron nang bibingka, castañas, putobumbong, kumpleto! May keso de bola. Kumpleto! From bopis, sa lahat! Kaya sabiko, ‘I love you so much, Tita!'

"Umuwi ako sa bahay, kasama ko ang kapatid ko, nagluto akong pasta. Tapos, dumating yung mga pamangkin ko. Konti lang kami. Very quiet.It's my first Christmas at home and it's a good one. Medyo nakabawi. Medyo maykonting lungkot sa family, kasi medyo hiwalay yung... Yung kapatid ko nasa ibangbansa. Pero somehow, natapos naman ng maganda."

KARYLLE. Sa huli, itinanggi ni Echo ang pagli-link sa kanyasa bagong Kapamilya star na si Karylle. Halatang clueless ang aktor atnagtataka kung bakit bigla siyang nili-link kay Karylle. Lalo na sa sinasabingmasayang-masaya raw ang aktor nang makuha ang cell phone number ni Karylle atkesyo palagi na raw niya itong tine-text at nag-date na raw sila.

"Of course, that's not true," tanggi ni Echo. "I mean, umpisa palang, it's not true na. I've got her number long time ago pa. We both have thesame manager before, so we're like friends na talaga. So, it's not true."

"Wala, wala talaga. Natatawa lang talaga ako. I'm justa friend to everybody. Friendly lang talaga ako ngayon at saka pagdating sarelationship, I'm resting muna. Gusto ko munang i-discover ang sarili ko assingle," pagtatapos ni Echo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN