Jake Cuenca says relationship with Roxanne Guinoo finally resolved

IMAGE 0


"Sana mas maging maganda ang lovelife ko sa coming year.Sana mas matahimik at mas mag-mature ako as a person. Kasi since I'm turning 21,I'm not a boy anymore, I'm now a man. Kailangan panindigan ko na ang pagigingaktor ko," says Jake Cuenca when asked about his birthday wish.



Naging maganda ang taong 2008 para sa showbiz career ni JakeCuenca. Sa kanyang paglipat sa ABS-CBN ay nabigyan na siya ng pagkakataon namagbida sa sarili niyang teleserye via Palos.

Pero kaakibat ng pagningning ng bituin ni Jake ay ang iba'tibang kontrobersiya, lalo na sa kanyang lovelife. Ilan sa mga kontrobersiyangito ay hindi niya nabigyang linaw dahil mas pinili nga niyang manahimik sa mgaisyung kanyang kinasasangkutan.

Sa kanyang live guesting sa The Buzz last Sunday, December28, binuksan na ni Jake ang kanyang sarili at isa-isang sinagot ang mgakontrobersiyang ito sa host na si Kris Aquino para sa "True Confessions"segment.

Sinimulan ni Kris ang pagtatanong sa madaling tanong bilangwarm-up muna. Dahil birthday nga ni Jake today, December 30, ang tanong niKris kay Jake ay kung magso-soul searching daw siya on his birthday.

"I think nakapag-soul searching na ako these holidays," sagotni Jake. "And sa birthday ko, magiging masaya ako kasi my family is coming backfrom Hong Kong, my brother. Kaya medyo malamig ang Pasko ko kasi my brother,his wife, and their kids went to Hong Kong, e. Medyo malungkot. Pero I'mthankful that we will be complete for my birthday."

ANGELICA PANGANIBAN. Enough with the easy part. Bumira na si Kris ngmga hot questions. "Sa showbiz na mga na-link sa iyo, diretsong tanong diretsongsagot ha...si Angelica Panganiban, naging kayo?"

"Hindi po naging kami ni Angelica," sagot ni Jake.

But you courted her?

"Oho, matagal akong nanligaw sa kanya."

How long?

"I think that was about two years."

Two years, hindi ka niya sinagot?

"Hindi, e. But you know, at the end of the day, we becamegood friends. So, it's something valuable... it's something that I willcherish."

ROXANNE GUINOO. Ang tiyaga mo ha, two years kang nanligaw. Okay, that wasthe first girl, second is Roxanne Guinoo. It lasted less than a year?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, a year and a half."

What happened sa Guam?

"Siyempre, yung sa Guam, we all went there to work e. Thatwas really it... Siyempre, the situation, medyo mainit. Pero at the same time,we got to talk to each other."

Mainit ang panahon o mainit ang damdamin, ano?

"That's the position I put my self into."

Because?

"Siyempre, I was being linked to Bea [Alonzo] that time.Siyempre, Roxanne was my ex-girlfriend talaga. At the end of the day, hindilang talaga maganda yung sitwasyon. But then, we talked things out there. Doonpa lang, ayos naman na, e."

Nagkasakitan ba?

"No, no... Of course not. Wala talaga."

Really? Where did the bruises (of Roxanne) came from?

"I really don't know. Yung details naman, in fairness namankay Roxanne, she said it came naman from taping. So, ayun. Basta when we werein Guam, we talk things out."

May closure ba kayo?

"You know right now, to be very honest with everyone,galing lang po akong taping ng MMK [Maalaala Mo Kaya]. You know, I'm reallythankful to Roxanne kasi grabe yung suporta niya, e."

Ano yung MMK, kayong dalawa ang magkasama?

"Yeah, yeah, yeah... kaming dalawa. So, I'm really thankfulna ginawa namin ‘yon. First of all, I was really excited to do it."

Is she in another relationship?

"No, I don't think so."

May balikan bang magaganap?

"Balik tambalan sa MMK. But dahil sa MMK, nakapag-usap kaminang matagal-tagal. At sa totoo lang, masaya ako. Right now, masaya ako kasinabalik ang tambalan namin, which I cherish so much. And without that team-up, Idon't think I will be where I am today. So, okay kami."

Is she dating anybody?

"Siyempre, yung mga ganun, yung mga detalye, hindi ko nanaitatanong ‘yan. Basta I don't think so."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEA ALONZO. You were very open in admitting na you were in a situationbeing linked to Bea, sinagot mo ako ng maayos kung nanligaw ka kay Angelica. SiBea, niligawan mo ba?

"Niligawan ko si Bea."

How long, two years si Angelica, so gaano katagal kay Bea?

"A... well, sandali lang, e. Kasi we were dating. So, weenjoy each other's company."

But?

"But, at the end of the day, we have to put our prioritiesfirst."

Was that a mutual decision o sa kanya nanggaling?

"It was mutual decision."

Oh, paano, napag-usapan yun?

"Ako, what I admire most about her is... Yung ina-admire kokay Bea Alonzo kung paano niya tinitingnan ang career niya, kung paano niyainaalagaan, kung paano niya nagagawa ng mabuti ang trabaho niya. And that'ssomething special for someone to have in this industry... you're focused...you're determined."

You are just dating or naging kayo?

"A, no, hindi kami naging kami."

So, binasted ka niya?

"A, well, you can put it that way. Pero mutual naman yungdecision, e."

Why, there's nothing wrong in being busted...

"Ang sabi ko naman, ‘Well, you can put it that way.'"

Kasi, di ba, kapag hindi ka sinagot, ano ba ang ibig sabihinnun? Pero friends naman kayo, di ba? Okay na rin as friends.

"Oo, magkaibigan kami kaya masaya rin naman."

JAKE'S CHOICE. Well, according sa blind item ni Ruffa (Gutierrez) na isangex ni Jericho Rosales ang gumawa ng paraan para mag-usap sila. Now, tatlongpangalan—Angelica, Roxanne, Bea—sino ang gusto mong gumawa ng paraan paramaging close kayo ulit and to reach out to you especially on your birthday? Isalang sa kanilang tatlo.

"Ako, siyempre, for me, as of right now, to be really honest,yung pinaka... Siguro ang dapat kong..." pautal-utal na sabi ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naku, diretso na lang, sabi tuloy ni Kris.

"Kailangan, siyempre, yung para sa akin, kailangan yung masmarami na kaming pinagdaanan. So, it has to be Roxanne," sagot ni Jake natalaga namang ikina-react ng mga audience sa studio.

Paliwanag ni Jake, "Kasi Roxanne will alwaysbe Roxanne in my life. For one, siyempre, marami kaming pinagdaanan. Maramikaming pinagdaanan na masaya... malungkot. I think at the end of the day, alamko naman may kulang din ako, e. Kaya ako masayang-masaya sa taping ng MMK kasisiguro nandun na yung closure."

Huh, balikan na ‘yan, e, reaksiyon ni Kris.

Natawa si Jake, sabay sabing, "Basta masaya ako na kahitpaano at ease na kaming dalawa."

Or maybe you can start off all over again, di ba?

"Pero sa akin naman, what's more valuable to me right now isfriendship."

You mean, Bea is not your friend?

"She's a friend."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN