Birthday boy Jake Cuenca surprised by his online friends

IMAGE 0


"Yung iba pang regalo, padala pagaling ng U.S. bukod pa sa umuwi galing Amerika. Na-touch talaga ako sa effort.More than anything naman, hindi naman importante sa akin ang material. Angimportante sa akin yung effort. Yung ginawa nilang photo album sa akin, grabeyung effort na yun! Parang, ‘Wow! Saan n'yo nahanap ang mga ito?'" exclaims Jake Cuenca, who is celebrating his 21st birthday today, December 30.



Ngayong araw na ito, December 30, ang actual 21stbirthday ni Jake Cuenca. Pero kagabi, December 29—the eve of his birthday—aynagkaroon ng surprise birthday party para sa kanya ang online friends niJake, ang ijakes, sa Jack Loft's sa Greenhills.

Ang ijakes ay hindi raw tulad ng pangkaraniwang fans club.Ayon sa kanila, sila ang mga tinatawag na online friends ni Jake na masipagpumasok sa thread ng aktor. Hindi rin daw sila after kung sino ang ka-loveteam ng aktor kundi gusto nila si Jake, solo man ito o may kapareha.

Most of their members live abroad, mostly in the U.S. atiba't ibang parte ng Pilipinas. Wala rin daw silang presidente na karaniwan nasa isang fans club. Like last night, si Mark Morgan, na galing pa ng GeneralSantos City at pagkatapos ng asalto ay babalik din doon, ang naging punong-abalathat night.

Minsan ay nagkikita-kita rin daw sila kapag may events or saASAP. Very active din ang mga nasa ibang bansa tulad kagabi, kung saanikinuwento nilang ang layout ng mga tarpaulin ay yung member na nasa U.S. paang gumawa.

Silang lahat din ang nag-shoulder ng expenses for theirsurprise party for Jake. Kung sino lang ang nakarating sa kanila angnag-represent na sa lahat, which is less then 200 ijakes online friends. Karamihan din ng members ng ijakes ay professionals.

During the asalto, ilang ijakes members din—tulad ngmga nasa Hawaii at iba pang nasa mainland U.S.—ang tumawag kay Jake at bumatisa kanya. Bukod sa surprise party, isang makapal na photo album ang iniregalonila sa Kapamilya star, na maging si Jake ay na-surprise dahil halos kumpletoang mga pictures magmula noong nagsisismula pa lamang siya sa GMA-7.

Nasaksihan namin ang pagkasorpresa ni Jake nang dumatingsiya sa Jack's Loft, nang makita niya ang kanyang mga kaibigan sa ijakes. Hindiitinanggi ni Jake nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal)na "there's something" sa pupuntahan niya. Pero ang nasa isip daw niya, anginvolved ay ang kanyang kuya at sister-in-law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, may idea lang," sabi ni Jake. "Parang kumplikadokasi kanina. Yung sister-in-law ko, nangangarag sa bahay. Sabi ko, parang maymali, ah! Kababalik lang galing ng Hong Kong, tapos nangangarag na agad. Sabiniya, ‘Kailangan nandito ka Jake ng ganitong oras, ha!' So, ako, ‘Ah, okay, hulina ‘to!' Pero hindi ko naman alam na inimbitahan ang mga fans ko or yungsurprise will come from them.

"E, noong makita ko sila, sila kasi yung mga close ko, mgasolid Jake talaga. Masaya talaga ako na nakita ko sila kasi. Through thick orthin, palagi nila akong sinusuportahan. Yung iba sa kanila, fans ko since GMA-7hanggang sa dumami na nang dumami," lahad niya.

Tinanong din namin si Jake kung paano naman niya naipapakitaang pagpapahalaga niya sa kanyang mga fans.

"I really spend time with them naman," aniya. "Basta sa orasna puwede kong ibigay sa kanila, ibinibigay ko. Siguro, mate-test dinnatin yun sa future kapag tumagal-tagal na. Gusto ko, marami pa rin kamingpagdaanan ng mga fans ko."

First time daw niyang nabigyan ng asalto ng mga fans.Although last year, meron na rin daw pero silang dalawa raw yun ngex-girlfriend niyang si Roxanne Guinoo for their love team. Kaya sobrangna-appreciate daw niya ang naging effort ng fans, na yung iba ay nanggaling pasa malalayong lugar at may ilan din umuwi ng Pilipinas galing U.S. para langmabigyan siya ng surprise party.

"Sobra!" bulalas ni Jake. "Yung iba pang regalo, padala pagaling ng U.S. bukod pa sa umuwi galing Amerika. Na-touch talaga ako sa effort.More than anything naman, hindi naman importante sa akin ang material. Angimportante sa akin yung effort. Yung ginawa nilang photo album sa akin, grabeyung effort na yun! Parang, ‘Wow! Saan n'yo nahanap ang mga ito?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabing naging maganda ang 2008 sa career ni Jake.Ngayong taon niya ginawa ang Palos. Next year, ang Tayong Dalawa naman ang isasa mga dapat abangan sa kanya. Bukod pa rito ang balik-tambalan nila ni Roxannefor Maalalaa Mo Kaya this Saturday, January 3.

May mahihiling pa ba siya ngayong 21st birthdayniya?

"Ang birthday wish ko, sana lang tuloy-tuloy ang blessing.Sana good health for my family. Siyempre, importanteng-importante ang familyko. Good health for my supporters at saka sana, matapos na rin ang crisis sabuong mundo. Siyempre, marami na rin naman ang nahihirapan," pahayag ngbirthday celebrator.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN