Sarah Geronimo at age 20 still not ready for suitors

IMAGE 0


Whenasked if she's ready to accept suitors, Sarah Geronimo said, "Hindi pa poyata ako ready na makipagligawan... Itatanong ko po muna sa mommy ko."


Isangbonggang thanksgiving party ang ibinigay ni Sarah Geronimo at ng kanyangparents sa Villa Immaculada Restaurant sa Cabildo St., Port Area, Manila,kagabi, December 29. Pasasalamat daw iyon sa suporta kay Sarah ng dumalongmga entertainment press, kay Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment at sa ilangtaga-agency na may hawak ng endorsements ni Sarah.

Gustosana ni Sarah na magsaya na lamang ang mga bisita niya at huwag nang magtrabahoang media, pero hindi pa rin sila pumayag at ang PEP (Philippine EntertainmentPortal), na hindi makausap ang tinaguriang Pop Princess.

Kasalukuyangnagsu-shooting si Sarah ng sequel ng blockbuster movie nila ni John Lloyd Cruzna A Very Special Love. May title na raw ang part two na You Change My Lifeat si Direk Cathy Garcia-Molina muli ang kanilang direktor. Sa palagay baniya, malalampasan ng bago nilang movie ang kinita ng A Very Special Love?

"Wishko lang po na hindi man nito ma-surpass ang AVery Special Love, mapantayan man lang nito ang kinita ng una naming movieni John Lloyd," nakangiting wika ni Sarah. "Bukas nga po [today,December 30], may shooting kami ni Lloydie at sana po ay ipagdasal ninyongmatuloy na kami. May isa po kasing eksenang ilang beses nang hindi kaminatutuloy mag-shooting dahil laging kaming inuulan."

Napahagikhik si Sarah nang biruin siya ng mga kaharap na press na bakit hindi siyamag-sun dance tulad sa isang eksenang naging popular sa mga manonood ng A Very Special Love.

NEXTBOX-OFFICE QUEEN?Sa ngayon, nalalapit na naman ang taunang pagbibigay ng Box-Office King andQueen ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation. Hinihintay na nga lang angmagiging box-office returns ng mga pelikulang naglalaban-laban sa Metro ManilaFilm Festival para malaman kung mayroong pelikulang kalahok dito na puwedengmaka-surpass sa kinita ng A Very SpecialLove. Sinasabing may gross income nang P170 million, to date, ang pelikulangito nina Sarah at John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP si Sarah kung ano kaya angmagiging feeling niya kung siya na ang tatanghaling Box Office Queen?

"Kungsa akin po nila ibibigay, salamat, kung hindi po naman, okey lang sa akin,dahil hindi ko po naman iyon ini-expect," nakangiti niyang sagot.

Binirosiya ng PEP na kung mangyari iyon, ka-level na niya sina Sharon Cuneta, MaricelSoriano at Ai-Ai delas Alas na pawang naging Box-Office Queens na.

"Wishing!"bungisngis ni Sarah.

LOVELIFE. Last July 25,Sarah turned 20 years old, wala pa bang magandang balita tungkol sa kanyanglovelife? Wala na ba talagang pag-asa sa kanya si Mark Bautista na hindinaman inilihim noon na crush siya?

"Malaypo natin, baka sa 2009, may magparamdam na," sagot ni Sarah. "Si KuyaMark, alam po niya kung hanggang saan lang...pero hindi pa rin po natin masabi.

"Perokung magkakaroon man po ako ng boyfriend, sana hindi po kapwa ko artista paramalayo sa tukso."

Selosaba si Sarah Geronimo?

"Ewanko po, hindi ko pa po kasi nararanasan. Hindi ko rin po masabi kungmasarap ang feeling kapag may boyfriend na ako. Baka po kapag 21 na ako.Natuwa po ako nang for the first time, nakatanggap ako ng flowers. Galingpo iyon kay Rayver [Cruz] noong concert ko sa Araneta Coliseum, ipinadala niyabefore ng concert namin."

RAYVER'SCHANCES.Hindi ba na-link din sa kanya si Rayver? So, ano ang naramdaman niya na kayRayver galing ang flowers?

"Walanaman po, kasi noong una, akala ko po si Kuya Mark ang nagpadala. Nang malamanko na galing kay Rayver, congratulatory lang po ang message niya para nga saconcert. Two-dozen red roses po yata iyon. Kaya lang dahil sa kaguluhan,hindi ko na po nalaman kung saan napunta."

Nagti-textba sila ni Rayver after ng concert?

"Paminsan-minsanpo. Noong Christmas, nag-text siya ng ‘Merry Christmas.' Maganda lang po saamin ni Rayver, dahil lagi kaming magkasama sa ASAP, wala na po kaming ilangan. Friends na po kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paanokung manligaw na sa kanya si Rayver?

"Hindipa po yata ako ready na makipagligawan. Pero makipag-usap po sa kanya, okey langsa akin," nakangiting wika ni Sarah. "'Saka baka puwede niya akong turuangmagsayaw kasi hindi po ako marunong magsayaw."

Paanokung umakyat nga ng ligaw si Rayver, okey ba sa kanya?

"Itatanongko po muna sa mommy ko," at napahagikhik na naman si Sarah. "Nakitako po kay Rayver na mabait siyang anak, mabait na tao, pure. ‘Tsaka magka-agekami at magkapareho ang interest namin."

BUSY, BUSY,BUSY.Tumawa na lang nang tumawa si Sarah sa mga tanong sa kanya na hindi na niyasinagot.

Birong PEP kay Sarah, paano nga siya magkakaroon ng time na makipag-boyfriend kungnapaka-busy niya?

"Oonga po, pagkatapos ng shooting namin ng YouChanged My Life, magpu-promote na po kami ni John Lloyd dahilpost-Valentine presentation po ito ng Star Cinema at Viva Films sa February 25,2009.

"SaMarch and April, may U.S. concert tour po ang The Next One concert ko with Kuya Mark, Charlie Green and BillyCrawford. Fourteen shows po iyon na magsisimula kami sa Guam, Honolulu,Stockton, San Francisco, Los Angeles, San Diego, Texas, Chicago, Seattle, LasVegas, Reno, Washington, Florida and New Jersey.

"Pagbalikko po rito, may four provincial tour naman ako by May. Baka po July, gawinko na ang movie with my long-time crush. Excited na po ako, kay PioloPascual. September po naman may six shows ako sa Canada, then concert saAraneta Coliseum by October or November. May dalawa rin po akong gagawingalbums sa Viva Records, isang pop at isang Christmas album."

Anoang New Year's wish niya?

"Happiness,more blessings, hindi po lang sa akin kundi sa lahat ng mga tao,"nakangiting patapos ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN