Rufa Mae Quinto counts blessings, leaves negative issues of 2008 behind

IMAGE 0


"Sabi nga nila, count your blessings. Yun ngaang ginawa ko kaya gumaan ang loob ko. Kaya kung anuman bad things na nangyarisa akin last year, tama na ‘yon. Bahala sila na mang-intriga. Basta ako,maganda ang nakikita kong mangyayari sa akin in 2009," says Rufa Mae Quinto.



Ngiti ang nagingsalubong ni Rufa Mae Quinto sa pagpasok ng 2009. Kesa naman daw iyakan paniya ang mga nangyari sa kanya sa huling part ng 2008, lalabanan na lang dawniya ito ng matamis na ngiti at halakhak.

Ibang-iba na angaura ni Rufa Mae dahil wala na ang bakas ng kanyang lungkot noong huli siyangnagsalita sa Showbiz Central last Sunday, December 28, tungkol sa pagkakadawit niya sa breakup nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho. Tama na raw ang lungkotat luha. Maging happy na lang daw ang lahat sa bagong taon na ito.

"Naku, ayokongsirain ang pagpasok ng taon sa mga taong hindi ko naman close, di ba?" sabi niRufa Mae kasabay ng malakas na tawa niya. "Hindi bale sana kung nakikinabang ako sa kanila, e, hindi naman.Pasasamain lang nila ang loob ko. Kaya ako, happy na lang! Laugh na lang tayonang laugh, di ba? New Year na kaya itodo na natin ang saya!"

Ayaw nang balikan pani Rufa Mae ang mga masasamang nangyari sa kanya noong 2008. Nasaktan at maramina raw siyang nailuha. Tama na raw ‘yon dahil maraming magagandang bagay namandaw ang nangyari kanya at darating pa ang maraming blessings.

"Naisip ko na masmarami akong blessings na natanggap kesa sa mga negative na mga bagay. Kumitalahat ng mga movies na ginawa ko [Manay Po 2, I.T.A.L.Y., Desperadas 2];top-rating ang mga shows na kinabilangan ko [Dyesebel, SOP, Showbiz Central, BubbleGang] at nanalo pa ako ng award [Best Comedy Actress sa Star Awards for TV].

"This year,makakasama ako sa bagong GMA primetime show na Zorro, kung saan bida si RichardGutierrez. Tapos may movie pa akong ipapalabas this January, yung Single, underViva Films. Kaya ang saya, di ba?

"Sabi nga nila, count your blessings. Yun ngaang ginawa ko kaya gumaan ang loob ko. Kaya kung anuman bad things na nangyarisa akin last year, tama na ‘yon. Bahala sila na mang-intriga. Basta ako,maganda ang nakikita kong mangyayari sa akin in 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa pangikinatutuwa ko ay magkakasama kami ngayon ng family ko sa iisang bahay. Yungbonding naming lahat, buong-buo na kasi nga sila ang naging kakampi ko sa mgapinagdaanan kong lungkot. At sa ipapatayo kong new house, magkakasama ulit kamipara solid kami as a family," mahabang pahayag ni Rufa Mae sa PEP (PhilippineEntertainment Portal).

NO COMMITMENT. Sapersonal na buhay ni Rufa Mae, tama na raw yung wala muna siyang commitment.Okey lang daw ang makipag-date siya, pero no serious relationship muna. Napagod dawkasi siya sa huling serious relationship niya sa Mexican-American na si Bobby Lopez.

"Sana mapanindiganko ang maging single hanggang sa kalagitnaan ng 2009, di ba?" tawa niya."Mahirap palang mangako! Uy, joke lang naman 'yon. Siyempre, I will try. Try daw,o!

"Ngayon kasi,talagang wala akong dyowa. As in single ako. But I'm dating somefriends. Kung sino ang mga ‘yon, huwag na lang natin i-mention. Alam naman yatanila kung sino ang mga 'yon.

"Pero nilinaw ko namanna walang commitment. Enjoy lang kami sa company ng isa't isa. Gusto ko munangmag-enjoy sa dating. Saka na ang serious-serious kapag okay na ang lahat atnakapagpahinga na ang puso ko.

"Gusto ko lang namanay maging happy at heto na nga iyon. Nagsisimula na at sana wala nang magtangkana gamitin ako, di ba? Ang lesson ay walang gamitan, di ba? Bad ‘yon‘no! Kaya let's all be happy na lang, di ba?" sabi ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN