Screenwriter-novelist Ricky Lee throws thanksgiving party

IMAGE 0


The thanksgiving party of Ricky Lee (third from left) was attended by (from left, first row) actress-director Gina Alajar, actress Malou de Guzman, actress Chanda Romero, director-screenwriter Raquel Villavicencio, and director Maryo J. delos Reyes.


Hindi nagsasabi ng "Thank you" si Ricky Lee—Creative Managerng ABS-CBN, Creative Consultant ng Cinema One, sikat na screenwriter at ngayo'ynobelista na rin—malibansa mahabang listahan niya lagi pagtumatanggap ng award.

Pero bongga ang kanyang pasasalamat pag ginagawa niya ito. Hindimedia-covered fiesta sa isang five-star venue, kundi potluck party na dinadagsang kanyang mga kaibigan sa entertainment industry.

Katulad noong Lunes, December 29, sa kanyang inuupahangbahay sa Xavierville, Loyola Heights, QuezonCity. A month after the successful launching of hisfirst novel Para Kay B (O kung paano dinevastate ng pag-ibigang 4 out of 5 sa atin), he threw a thanksgiving party.

Aniya, isa pangdahilan ng party ay ang pagiging bestseller ng Para Kay B. Unang araw pa lang na naka-display sa Powerbooks, sold outna ito, hanggang buong linggo. Napakaraming tumulong—personalities and celebsin film and TV, teachers, workshoppers, at iba't iba pang kaibigan—para satagumpay ng unang nobela niya.

Mula alas siyete hanggang umalis kami, bandang midnight,sinasalubong niya ang mga bisita. Ilan sa early birds ang kanyang mgakamag-anak. "Napapa-Chinese tuloy ako," tawa niya habang nakikipagtsikahan.

On time din si DirekMaryo delos Santos,actresses Chanda Romero and Malou de Guzman, at angPhilippine-culture icons, National Artist Dr.Bienvenido Lumbera at Danton Remoto.Excited na nakipag-photo op si Chanda kay Doc Bien.

Sabi ni Doc Bien kay Ricky, "Mag-text daw ako sa anak kokapag dumating si ___ (hot matinee idol)."

Ricky (nakatawa): "Mga pinaka-close lang talaga sa akin anginimbita ko, e."

Pero hindi nakarating sina Mel Chionglo, Direk Joel Lamanganna nagti-taping, Gil Portes na nasa N.Y., kapwa screenwriter Pete Lacaba nanilalagnat noon, at YES!-PEPeditor-in-chief Jo-Ann Maglipon at Karina Bolasco, publisher ng Para Kay B, na parehong may iba pangcommitment.

Uminit ang party bandang alas nuwebe. Napuno ang bakurankung saan naroon ang main buffet table ng mechado, breaded fish, chickendishes, kanin siyempre, pancit Malabon, buko at fruit salads, at sangkatutak nadesserts. Lahat ay potluck na karaniwan kapag nagpa-party si Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siksikan din ang loob ng bahay at nakita namin si Direk Joyce Bernal na tumambay roon, kasamaang UP barkada nila ni Ricky, tulad nina RaymondLee, indie producer at co-writer ng AngPagdadalaga ni Maximo Oliveros at Endo,at Direk Cathy Garcia-Molina.

Sa labas ay ‘andoon na rin si Gina Alajar (kaibigan ni Ricky mula pa noong ‘80s nang gumanap siyasa Moral, Brutal, at Salome nasinulat ni Ricky); director-screenwriter RaquelVillavicencio, camera pro RomyVitug, Boy Villasanta, Armando "Bing" Lao, ABS-CBN teleserye director Jerome Pobocan, Ryan Carlos, at Cinema1 head Ronald Arguelles.

Galing si Direk Gina Alajar sa story conference ng bagongteleserye ni Judy Ann Santos. Excited si Gina dahil may Kapamilya show na rinsiya; mas madalas siyang nagdidirek sa GMA-7 at nagbibigay rin ng actingworkshops.

Si Direk Jerome Pobocan ang co-director with MarilouDiaz-Abaya ng book launching program ng ParaKay B noong November 30.

Si Ryan Carlos na dating scriptwriting student ni Ricky saUP ang director ng Florinda, ang upcomingteleserye ni Maricel Soriano.

Malakas ang presence ng mga indie-film directors—Sig Sanchez, Dante Mendoza, John Torres, Ato Bautista, Nilo Paz, Bong Ramos, at Cris Pablo, "Amateur Porn Director"(nakasulat in yellow sa suot niyang black t-shirt).

Karamihan sa mga guests ay mga workshoppers at ang mga loyalfans ni Ricky mula sa 16 batches of free workshops na personal project niyamula noong 1982. Sina Bing Lao at LindaCasimiro ay first-batch workshoppers ni Ricky. Naroon din ang latest batchng 2005-2006 ABS-CBN at Channel 5 workshoppers, pati yung mga lumipat na sa GMA-7.

Nakatutuwang incident noong nasa table namin si Ricky angpaglapit ng dalawang Noranians: Teo Antazo (15 times niyang pinanood ang Himala) at Marites Rivera. Miyembro silang International Circleof Online Noranians (ICON). Excited na pagbabalita ni Teo: Sold out na ang $100at $250 tickets ng U.S.concert ni Ate Guy, Sa ‘Yong sa ‘Yo PaRin. Balik-bayan si Nora next year dahil may offer sa kanya ang indiedirector na si Lav Diaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang nagtsisibugan-tsikahan ang lahat, tumutugtog ang CDng mga paboritong ‘70s music ni Ricky, TheFree Design (the complete discography) ParaKay R (O kung paamo dinevastate ng sounds ang 4 out of 5 a atin). Regaloito ng makatang si Lourd de Veyra nalead singer din ng Radioactive Project Sago at DJ sa NURock.

At walang pagod na nag-table-hopping ang celebrator, nakipag-photoop sa mga sunud-sunod na humingi ng pose, pinagbigyan ang ilang interviewers, atdéjà vu, muling nag-autograph ngsantambak na librong Para Kay B.

Hindi pa siya kumakain sa sariling party. Nahuli naminsiyang nagsasandok ng buko salad sa buffet nang magpaalam kami,maghahating-gabi na. Latecomers sina RickyDavao at indie film director DadoLumibao, head writer ng Maalaala MoKaya.

Sa darating na taon, tututukan ni Ricky at mga kaibigan angWriters Foundation, ang proyektong tutulong sa mga struggling writers, lalo nasa mga may pangangailangan sa kalusugan at kabuhayan.

Blocked off na rin sa 2009 calendar ni Ricky ang kanyang unangdigital film directed by Joel Lamangan, Fuchsia,tungkol sa pagkamulat ng isang 83-year old (played by Ms. Gloria Romero).Kasama sa cast sina Armida Siguion-Reyna, Eddie Garcia, Robert Arevalo at CeliaRodriguez.

Magiging busy rin si Ricky Lee sa mga upcoming teleserye ngABS-CBN: Piolo Pascual-KC Concepcion's Loversin Paris, Jericho Rosales-Kristine Hermosa comeback project, AngelLocsin-Diether Ocampo-Sam Milby teleserye, at ang soap ni Lorna Tolentino nawala ring final title pa.

For Ricky Lee, the directors and scriptwriters who "graduated"from his workshops, and his countless friends and fans—the party is far fromover.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN