Manny Pacquiao fight with English champ Ricky Hatton under negotiation

IMAGE 0


"Ang negosasyon is still going on, pero hindi patalaga final. Kung sakali man matuloy, e. May 2. Pero wala pang kumpirmado.Hindi pa nakumpirma. May kailangan pang pag-usapan na mga bagay-bagay," saysboxing champ Manny Pacquiao when asked for updates about his upcoming fightwith English champ Ricky Hatton.


Live over the phone ay nakausap ni Joey de Leon sa Startalk yesterday si Manny Pacquiao nakasalukuyang nasa Los Angeles. Sa L.A. isinilang ni Jinkee Pacquiaoang kanilang pang-apat na anak na si Queen Elizabeth noong Miyerkules, December31, Manila time.

Unang tanong nga ni Joey ay kung ano ang pakiramdamni Manny na daddy na naman siyang muli?

"Masaya! Mukhang feeling ko, tumatanda na ‘ko,"natatawang sabi ni Manny. Naririnig sa background ang boses naman ngdalawa niyang anak na lalaki na sina Jemuel at Michael.

Sumunod ay kinumusta naman ni Joey si Jinkee.

"Okey naman siya at nagpapahinga na."

Biro ni Joey, bigla raw binansagang "cut man" siManny dahil hindi nito iniwan si Jinkee habang nagle-labor at si Manny pa mismoang gumupit sa pusod ng anak. Cut man refers to a member of a boxer'sentourage who is in charge of treating the boxer's cuts and wounds during amatch.

May balita rin na dapat ay makakasama nila anginang si Aling Dionisia, ano't hindi raw ito natuloy sa Amerika?

"Hindi pa naaasikaso ang passport niya! Hindiniya alam ang birth certificate niya kung saan kukunin, e," natatawang sabi niManny.

Dahil sa U.S. ipinanganak, masasabing American citizenna nga ang bunsong anak ni Manny. Pero nang tanungin kung saan balak niPacman pabinyagan ang anak, "Hindi paalam, pero, baka diyan sa Pilipinas," sagot agad niya.

Tinanong na rin ni Joey ang tungkol sanapapabalitang susunod daw na laban ni Manny ay kay English champion RickyHatton. Nasulat na raw ito noong Thursday, pero mas maganda nga naman kung siManny mismo ang magko-confirm at kung totoo ngang sa Mayo na itomagaganap.

"Ang negosasyon is still going on, pero hindi patalaga final. Kung sakali man matuloy, e. May 2. Pero wala pang kumpirmado.Hindi pa nakumpirma. May kailangan pang pag-usapan na mga bagay-bagay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hatton is the current Ring Magazine JuniorWelterweight champion.

Doon daw ba sa England magaganap ang laban?

"E, ako naman kahit saan," confident na sagot ngkampeon.

Ibinalita rin ni Joey sa Startalk na si Manny ang napiling "Fighter of the Year" ng YahooSports, WBC, Ring Magazine, ESPN atiba pang sports website. Anong masasabi ni Manny sa lahat ng ito?

"Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa Mahal naPanginoon dahil sa Kanya nanggagaling ang lahat ng ito. At karangalan natinglahat, hindi lang para sa akin kundi para sa ating mga Filipino. Saan mangsulok ng mundo, meron tayong maipagmamalaking karangalan."

Joey asked the champ, kung meron ba siyang NewYear's wish.

"Alam n'yo, wish ko kay Lord, sana magmahalan anglahat at mabawasan ang mga pamilyang naghihirap sa ating bansa. At wala nangmasyadong pamilyang magugutom."

Posible raw na bago ang January 12 ay makauwi nasila sa bansa in time para naman sa pagre-resume ng klase ng kanyang mga anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN