Jolina Magdangal confirms breakup with Bebong Muñoz but keeps mum on the reason

IMAGE 0


Jolina Magdangal did not deny that her split with Bebong Muñoz (right) is a difficult phase in her life. She told Raymond Gutierrez in a Showbiz Central exclusive: "Hindi talaga [madali]." But the 30-year-old host-singer-actress just wants to stay positive and move on.


Unang lumabas dito sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) ang kumpirmasyon, sa pamamagitan ng ama ni Jolina Magdangal na si Mr. JunMagdangal, na break na nga ang anak niya at ng boyfriend nito of eight years na si Bebong Muñoz. (Click here to read related story.)

Kahapon naman, ika-4 ng Enero, sa ShowbizCentral ay ekslusibong nakapanayam ni Raymond Gutierrez si Jolina, na sinegundahan ang sinabi ng kanyang ama.

Aniya, "Totoo po...totoo yun na wala na kami. At saka, yungpagkakakuwento ni Daddy, hindi naman siya nagkuwento ng agad-agad. Tinanongmuna ako ni Daddy kung dapat ko ngang sabihin. So, sabi ko, sige na nga, parana lang matapos na yung... Kasi, yun naman talaga ang pinakatanong nila, e, 'Totoobang break o hindi?' So, ako na po angnagsasabi, totoo po."

Gayunpaman, tila hindi naman iniinda nghost-singer-actress ang mga problema nito sa love life. Sa Kapuso musical-variety show na SOP, hindi nakitaan ng anumang problema si Jolens sa kanyang performance.

"Siguro para naman sa akin, yung pagiging extrovert ko," angpanimula ng 30-year-old star, "doon nakikita ng mga tao na kapag maramiakong kasama, parang bigla na lang na, kung nalulungkot ako, bakit ko silaihahawa? Bakit ko sila isasama pati salungkot ko? Kapag kasama ko yung mga tao, kapag nasa work, work.

"Kahit mga ganyang kuwentuhan lang, kung hindiko talaga kaya na mabigat na mabigat talaga ang loob ko, aalis ako. Hindi ako yung,'Guys, malungkot ako!' Gusto ko pa rin na kung masaya sa paligid ko, masayakami. So, noong time na yun na may mgapinagdadaanan ako, kapag hindi ko na lang kaya, nasa bahay ako, nagpi-pray ako."

Maging ang mga kasamahan daw nito sa trabaho ay nagulat sa balita.Ang kuwento pa ni Jolina, "Yung mga friends ko sa Unang Hirit, talagang nagulat nga sila kasi, hindi talaga nila konakitaan ni katiting..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isinalaysay rin ni Jolina kung paano niya sinabi ang kinahinatnan ng relasyon nila ni Bebong sa kanyang pamilya. Nagulat nga raw sila, pero hindi nangulit.

Ang mahabang kuwento niya: "Yung parents ko naman kasi,hindi naman kasi sila yung mga typical na... Kumbaga, hindi sila nakikialam. Kahitsino sa aming magkakapatid, kapag may mga personal kaming mga bagay na alamnila or pakiramdam nila kaya naming i-handle, hindi sila nakikialam. Unless, dumiretso kami at nagsabing, ‘Mom,Dad, please help me.' Pero hangga't tahimik kami, hindi sila yungmausisa.

"Kaya nagulat din sila, kasi noong magpunta sila ngTagaytay—December 26 nang umakyat sila hanggang 2—‘tapos ako, 28 lang akoumakyat. Kasi, ang ginawa ko, naglinis ako ng kuwarto. Never, never akongnaglinis ng kuwartong mag-isa. Never akong nagbungkal at nag-polish, lahatginawa ko. Kahit naiisip ko pa lang ang alikabok, e, sinisipon na ako. Peronaisip ko, kailangan kong maglinis ng kuwarto, yun lang. Kailangan kong ayusinang mga gamit, lahat! ‘Tapos noon, [December] 28, umakyat na ko ng Tagaytay at saka kolang sinabi."

Gaya ng naunang pahayag ni Daddy Jun, hindi palakuwento si Jolens tungkol sa kanyang love life, at ito'y inayunan naman ng Dear Friend host.

"Kasi nga, hindi akonagkukuwento. Kapag humaharap ako sa kanila, okey lang. Sabay kaming kumakain. Nagulatsila, pero hindi sila yung ‘O bakit, ba't ganito? Ba't ganyan?' Tinanong langnila, 'Kailan nag-start, kailan nag-end?' So, hindi na sila nagtanong. Parangalam na nila na, ah, okey, yung pagitan na yun, nakapag-usap na sila ngmaayos."

At malaking pasasalamat ni Jolina na binigyan siya ng space noong kailanganin niya ito.

Ang sabi niya, "Yun ang maganda run na ginawa nila atng mga kaibigan ko... na gusto ko talagang mag-thank you sa respect na ibinigaynila, sa time and space na kinailangan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi sila nangulit... Sa totoo lang, parang ako pa nga yung... Sigurotumatakbo sa utak nila, 'Ano'ng nangyari? Ano?' Pero hindi mo sila makikitaan napursigidong mag-usisa. Kaya yun."

Malungkot man ang naging ending ng kanyang 2008, positibo pa rin ang pananaw ng dalaga sa taong darating.

Ayon kay Jolina, "Yung new year, inisip ko na lang,magtu-2009. Yung 2008 medyo difficult din para sa akin. Lalo na itong pa-end, di ba? So, para rin kay Bebong yun....difficult din for both of us individually and as a couple. Pero ayokong dalhin yun [sa] 2009 kaya inilalagay ko sa Facebook [status], 'I'm excited sa 2009.'

"Siyempre,kahit ba masakit sa loob ko, kailangan kong maging positive, e. Para dalhin ko na lang din sarili ko. Tutal wala namanakong ibang kinuwentuhan. Kailangan kong matutong dalhin ang sarili ko dahilsiyempre, ayokong magpaka... Down ka na nga, tapos aanuhin mo pa sarili mo.

"Makikinig ka ng music, ang lamig-lamig. Kulang na lang, gumagano'n ka sa wall... Sa akin, ang 2009, bagong buhay.Kumbaga, masarap gumising sa umaga. Yun na lang ang iniisip ko para namangumaan ang loob ko."

Hindi na tinanong ni Raymond ang dahilan ng breakup. At hindi rin daw papaapekto si Jolina sa sasabihin ng mga tao. Ang gusto lang ng aktres ay "think and stay positive."

Aniya, "Siguro naman, kahit sinong nagkaroon ngganoong klase ng paghihiwalay at ganoon kahaba ang pinanggalingan. Kahit sinoay gusto lang maging positive. It's either move on or work it out. Basta gustoko lang, maging positive. Ayoko nang makinig pa sa sasabihin na mga tao na, 'Sigurokaya nag-break kasi ganyan-ganyan or chuva-chuva.' Ayoko na. Tama na.

"Sa akin,itinago ko ‘to sa sarili ko kasi para sa akin, hindi siya biro na mangyari. At sakasiyempre, respeto rin sa ibang tao. Sa family ko, sa family ni Bebong, yun nalang. Yun lang po. Totoo po at yun lang po ang maisasagot ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang panghuling mensahe, heto ang tinuran ni Jolina:

"Sa lahat ng mga nag-text at nagbibigay ngsupport at saka ano... Sa totoo lang, sa ngayon, medyo ano pa po ako... Gusto kongmag-thank you sa lahat. Pero hindi ko pa po siguro mae-express masyado kunggaano ako ka-thankful sa support n'yo, pero, medyo ano pa ko, manhid. Minsannga kapag napag-uusapan, parang nahihilo pa ko. Parang nagdidilim pa angpaningin ko. Pero yun, thank you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN