Heart Evangelista wants to keep her new relationship "low key"

IMAGE 0


"Ito ang masasabi ko, kasi marami ang nagsasabi na parang hindiako naging totoo sa sarili ko. I have moved on definitely, pero hindi naman yungnakalimutan mo yung tao nang ganun-gano'n lang. They will always have a specialplace in your heart. I have moved on and I have no plans looking back," says Heart Evangelista about her previous relationship.



Masasabing ang taong 2008 ay naging napakakulay para kayHeart Evangelista dahil maraming pagbabagong naganap sa buhay niya—mapa-professional o personal man.

Nag-guest nang live si Heart sa Showbiz Central noong Linggo, Enero 4. Dahil tila naging roller-coasterang 2008 para kay Heart, tinanong siya ng host na si Raymond Gutierrez if 2008was a good year or a bad year for her.

"Well, of course, sasabihin ko it's a good year," sagot niHeart. "Noong umpisa, akala ko it was a bad year. I didn't really know kungpaano ko malalampasan yung mga pinagdadaanan ko nang mga times na yun. But itwas a good year, na-patch things up ko ang relationship ko with my parents atnagtuluy-tuloy yung mga suwerte ko sa buhay ko."

Kumusta na ang samahan nila ngayon ng parents niya?

"Siyempre, normal yun na nag-aaway-away kayopaminsan-minsan," sagot niya. "Siyempre, pagod ka, may schedules, normal lang yun. Pero Imean, yung pinaka-core ng relationship namin, mas solid siya kesa dati. Datikasi, hindi nila ako kinakausap ng tatlong taon. Ngayon, every day na kamingmagkasama.

"Yung daddy ko, tuwing may date kami, palagi niyangtinitingnan, ‘O, ano ang isusuot mo mamaya? So, parang barkada na rin kami.We're really, really close now," lahad ni Heart.

HEART IN LOVE. Naging controversial din ang isang picture ni Heart nalumabas na naka-bathing suit siya with a guy. So, sino ang lalaking ito at anosiya sa buhay ni Heart?

"Well, na-mention ko na rin naman siya dati and I am seeinghim officially. His name is Francisco [Delgado]. Pero siyempre, gusto ko nga namedyo mag-low key nang konti sa part na yun. Kasi dati nga, masyado akong publicsa relationship ko [with Jericho Rosales] and when it ended, it was reallymessy. So I'd like to keep it low key. But yeah, I'm not gonna lie about it.He's my boyfriend," pag-amin ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, hindi na siya single?

"Yeah, pero hindi naman ako kasal! But I really pray. Inevery relationship naman, you want it forever. But you know, I've learned mylesson. Nothing is for sure unless you really get married. So, you know, I'mstill on my toes."

Ayon kay Raymond, pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon satabloids, talk shows, but Heart remains silent about her last relationship.Bakit nga ba?

"Siguro kaya rin hindi siya nahihinto kasi hindi akonagsalita, hindi ko tinapos. I guess, it's my way kasi na... Mahirap kasi sabihinkung ano yung nararamdaman mo talaga. Minsan, yung sinasabi ng puso, ayaw mongiparating sa utak mo.

"So, I didn't want to talk about it. If I'll keep on sayingthat it's over, then mas magiging madali siya para sa akin. And of course, whatfor? It's a painful experience, I've learned a lot from it, so why do I need toprolong the agony?" paliwanag niya.

Pero naka-move on na ba siya talaga?

"Ito ang masasabi ko, kasi marami ang nagsasabi na parang hindiako naging totoo sa sarili ko. I have moved on definitely, pero hindi naman yungnakalimutan mo yung tao nang ganun-gano'n lang. They will always have a specialplace in your heart. I have moved on and I have no plans looking back," saadniya.

TOP-RATING SHOW. Luna Mystika is one of the top-rating primetime shows of theKapuso network. Raymond asked Heartkung ngayon daw ba ay nasasanay na siya sa kanyang prosthetics.

"Hindi pa rin," sagot ni Heart. "Pero, iniisip ko na kapag nakikita nila ako, kapag nagte-taping kami sa Bulacan at nakikita nilaakong nakagano'n, natutuwa sila. Parang naiisip ko na lang, it's worth it.

"At saka sa lahat ng pinagdaanan ko at nagsabing wala na akongchance... Ang daming nagsabi na wala na, wala na talaga. Tapos, heto, biglangbinigyan ako ng pagkakataon at nabigyan ako ng Luna Mystika sa Channel 7. Okeyna sa akin na mangati nang mangati ang mukha ko, okey na sa akin yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang aabangan this 2009 kay Heart?

"Marami...marami!" bulalas niya. "Umpisa pa lang ang LunaMystika, pero maraming magiging masaya riyan. Hindi naman ako magpapaseksi nangtodo, pero marami, marami ang masisiyahan diyan.

"At saka, unang-una, noong ginawa ko ang Luna Mystika,inisip ko na baka last ko na yun. Kasi hindi ko naman inisip ang kalalabasan ngshow, kung magre-rate ba or anything. Ngayong nag-number one po kami, salamatpo sa inyo. Ang puso ko, napakataba. Parang ang dami kong gustong gawin sa mganext shows ko. Nae-excite akong magtrabaho muli."

Adaptation ba ng isang Koreanovela ang next project niHeart?

"Hindi lang natin alam," nakangiting sabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN