Former employee of Belo Clinic is the "missing piece" in Hayden-Vicki breakup

IMAGE 0


"Hindi naman po yun dahil sa isang problema lang. Angdami na rin problema. May showbiz. May family. Problema namin ni Vicki.Problema namin ng mga kaibigan ko. Ang nangyari po kasi, may pumasok ngcondo ko at kinuha na yung mga gamit. Kinuha yung hard drives ko, kinuha yungmga journals ko," says Hayden Kho in his interview in Startalk when asked about his breakup with Dra. Vicki Belo.



"She's no longer connected," ang sabi ng sumagot satelepono nang tumawag kaninang hapon, January 5, ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Belo Medical Office sa MedicalPlaza Building, Makati City, para hanapin si Princess Velasco.

Si Princess Velasco ang "missing piece" sa puzzling breakupnina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Si Princess ay dating manager sa Belo Medical Clinic at girlfriend siya ng best friend nadoktor ni Hayden.

Lumitaw ang pangalan ni Princess dahil sa mga impormasyon nanatanggap ng PEP matapos ipalabas ng Startalknoong Sabado, January 3, ang kanilang exclusive interview kay Hayden. Nadamayang pangalan ni Princess dahil na rin sa mga pahayag ni Hayden at sa rebelasyonni Butch Francisco sa Startalk na sangkot din sa breakup nina Dra.Belo at Hayden ang girlfriend ng isang doktor.

Ito ang pahayag ni Hayden sa Startalk na nagingdahilan upang mabuo ang misteryo ng pagkakatuklas ni Dra. Belo sa pagigingunfaithful niya at sa discovery ng mga video sa kanyang computer laptop:

"Hindi naman po yun dahil sa isang problema lang. Angdami na rin problema. May showbiz. May family. Problema namin ni Vicki.Problema namin ng mga kaibigan ko. Ang nangyari po kasi, may pumasok ngcondo ko at kinuha na yung mga gamit. Kinuha yung hard drives ko, kinuha yungmga journals ko."

Before or after the incident?

"During...basta, pinagkaisahan na nila ako. Yung mgabarkada ko, supposedly. Parang conspiracy. May ginawa akong mali sa kanya,ngayon, bumawi siya sa akin."

Paano raw nakuha ang susi?

"Binigay po ni Vicki... Kaaway ko po dahil kasalananko..."

Anong kasalanan yun?

"Hindi ko po puwedeng sabihin, secret po..."

Ayon sa mga impormasyon na nakalap ng PEP, niligawan atnakarelasyon diumano ni Hayden si Princess kahit alam niya na girlfriend ito ngkanyang best friend na doktor. Nalaman daw ng naturang doktor ang ginawa niHayden at nagkumpisal din daw si Princess kaya ipinagtapat nila kay Dra. Beloang mga kasalanan ni Hayden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kaibigan daw ni Hayden ang nagsabi kay Dra. Belo naebidensiya ang mga video sa laptop ni Hayden.

Sa kuwento ni Hayden sa Startalk, ipinagtapat niya naibinigay ni Dra. Belo sa kanyang mga kabarkada ang susi ng condo, kinuhaang mga hard drive at journals niya. Ang mga video at journals angnagsilbing ebidensiya kaya tinapos ni Dra. Belo ang kanilang relasyon at nagingugat ng suicide attempt ni Hayden.

"My Princess" ang tawag ni Hayden kay Dra. Belo. Dahil samga bagong impormasyon na natanggap ng PEP, lumabas na isang Princess din angugat ng kanilang paghihiwalay at naging susi upang malantad angmga sikreto ni Hayden.

Hindi na secret ang kanyang mga secret.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN