Rufa Mae Quinto cries foul on being dragged into Belo-Hayden breakup

IMAGE 0


"Bilang babae po kasi, iniiyakan ko po yun gabi-gabi.Kapag nali-link po ako sa kung kani-kaninong tao. Kasi, hindi ko po talaga alamkung ano ang ginawa ko. Nagbibigay kaligayahan lang po ako sa industriya. Walapo akong tinapakang tao. Mabuti naman ang naging buhay ko sa tingin ko. Maaaringsingle ako, pero naging mabuti naman ako sa lahat ng tao," says Rufa Mae Quinto.



Kahapon, December 28, ay maghaharap sana ang Central Jury ngShowbiz Central na sina Rufa Mae Quinto at Mo Twister. Ito ay may kinalaman sapagkakadawit ni Rufa Mae sa breakup nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Sa mga unang report kasi na lumabas, kabilang na rito sa PEP(Philippine Entertainment Portal), isa raw si Rufa Mae sa mga babaeng kasama niHayden sa sinasabing sex videos na nadiskubre ni Dra. Belo sa laptop ni Hayden.Mariin itong itinanggi nina Rufa Mae at Hayden sa kanilang naunang interviews.

Lumabas din sa ibang reports na si Mo diumano ang isa sa mgataong nagdadawit ng pangalan ni Rufa Mae sa paghihiwalay nina Dra. Belo atHayden. Matalik na kaibigan ng dating magkasintahan si Mo.

Simula pa lang ng Showbiz Central ay mapapansin na ang tilapaghahamon ni Rufa Mae na magharap sila ni Mo. Although nagpasabi noong una siMo na didiretso siya sa studio pagdating na pagdating niya mula sa Hong Kong,hindi nakasipot ang DJ-TV host dahil nagkaroon ng problema sa immigration process.

Sa huli, si Rufa Mae na lang ang mag-isang humarap satelebisyon kung saan ang mga co-host niyang sina John"Sweet" Lapus at Raymond Gutierrez ang nag-interview sa kanya. Hindi pa man siya sinisimulangtanungin, halata na ang pagka-emosyunal ni Rufa Mae at umiyak na siya agad.

RUFA MAE DEFENDS HERSELF. Ayon kay Raymond, masasabing absuwelto na si Rufa Mae.Sa interview kasi ni Hayden ay itinanggi niya na nagkaroon sila ng relasyon niRufa Mae, although inamin niya ang brief affair nila ng isa pang Kapuso star—siKatrina Halili.

"Oo nga... Kasi alam n'yo, naiiyak lang naman ako kasi, alamn'yo, mga kaibigan, lahat na lang ng lalaki, kung sinu-sino na, hindi ko namankakilala. Hindi ko alam kung joke. Nagpapatawa lang naman ako sa harap ng mgatao. Pero yung personal na buhay ko, hindi naman ganoon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakahiya, kasi ang mga magulang ko, pati pamilya ko, mgakapatid ko, may mga pinag-aralan naman lahat. Nag-aaral po sa matinong school.Matanda na ang lola ko, 83 years old. Ayoko naman silang bigyan ng sama ngloob. So, doon, dun lang ako nahe-hurt," naiiyak na pahayag ni Rufa Mae.

Sa dire-diretsong pananalita ni Rufa Mae, inilabas din niyaang isinulat niyang mensahe. Aniya, "Paskong-Pasko pa naman... Isinulat ko na po‘to, kasi may tendency ako na ayaw tumigil ng bibig ko. Masyado akong, yungfeelings ko, sinasabi ko ng lahat."

Ito ang nilalaman ng mensaheng isinulat ni Rufa Mae:

"Nito pong nakaraang linggo, nadawit po ang pangalan ko sabreakup nina Vicki Belo at Hayden Kho. Nagpapasalamat na rin po ako na mismongsi Hayden na ang nagbanggit sa pangalan ng iba. Na para na rin vindication nawala po akong kinalaman sa breakup nila.

"Hindi ko po sila kasama sa pelikula. At hindi ko rin posila sponsors. So, hindi ko po kailangan ang ganitong negative publicity.

"Tungkol po sa isyung isa pa raw si Mo sa nagdidiin sa akin sa isyu, gusto ko pong isipin na may mas pagpapahalaga siya sa amingprofessional relationship. Nasasaktan ako kung totoo man na may mga nasabi siMo sa akin. Pero kung wala naman, handa naman akong makinig sa kanyangpaliwanag at saka apology.

"With that, tinatalikuran ko na po itong isyung ito. And I will look forward to a new year na intrigue-free and away-free. Sana po,happy na lang lahat. Sa totoo lang po, kahit naiiyak po ako ngayon, haping-happypo ako. Kung meron pa kayong katanungan, okey lang."

NOT AFFECTED. Tinanong ni Sweet si Rufa Mae kung tinawagan ba siya ni Mopara sabihin na, "P-Chi [palayaw ni Rufa Mae], I have a source na isa ka nga raw, other thanKatrina."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinawagan ko siya dahil una ho, hindi ho ako affected,"sabi ni Rufa Mae. "Noong umpisa, nagulat ako sa Desperadas 2 premiere night.Parang, ‘Ha?' Nagulat ako. Tapos, hanggang Pasko, pinag-uusapan pa rin, e, anglayo-layo ko naman dun talaga. Pero hindi lang ako run naiiyak. Pero sorry,nababastusan lang akong talaga. Hindi po ako conservative na tao, pero hindirin po ganoon ang pagkatao ko. Yun lang."

Follow-up question ni Sweet, may tumawag ba sa kanya isaman sa kampo nina Dra. Belo at Hayden para mag-apologize dahil nadawit angpangalan niya?

"Si Hayden...hindi ko naman close si Dra. Belo," sagot ni RufaMae. "Hindi naman kami friends, nothing. Kahit naman kami ni Hayden, hindi rinkami friends, hindi rin kami close. Although bilang Kapuso, magkakilala kamirito at dahil na rin kay DJ Mo, dahil nga palaging nagge-guest dito.

"E, ako naman, feeling close naman ako sa lahat! Hindi bapuwede yun? Masama bang makipagkaibigan sa lalaki, di ba?"

Sweet asked, ano na ang planong gawin ni Rufa Maengayong 2009 para hindi na siya nali-link ng mga reporter kung kani-kaninongboys?

"Gusto ko pong... Nirerespeto ko po naman lahat ng intrigadahil artista po ako. Pinasok ko po ito. Pero babae pa rin ako, di ba? Kunganuman ang pagkakamali ko. Dito na po ako lumaki sa industriya magmula ng 16years old ako. So, kung marami pong na-link sa akin, okey lang naman yun dahillink lang naman, hindi naman ibig sabihin na totoo ng lahat. Kung meronman akong naging totoo man o hindi, hindi ko naman ikinakahiya, inaamin konaman.

"Pero bilang babae po kasi, iniiyakan ko po yun gabi-gabi.Kapag nali-link po ako sa kung kani-kaninong tao. Kasi, hindi ko po talaga alamkung ano ang ginawa ko. Nagbibigay kaligayahan lang po ako sa industriya. Walapo akong tinapakang tao. Mabuti naman ang naging buhay ko sa tingin ko. Maaaringsingle ako, pero naging mabuti naman ako sa lahat ng tao," saad ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible kayang dahil sa image na ipinu-project niya kaya siyanali-link kung kani-kaninong lalake?

"Siguro po," ani Rufa Mae. "Yung pagiging Booba ko,tinanggap ko na nga kahit bobo na nga ang tingin sa akin. Pananamit ko sa TV,kahit ano po, okey lang. Basta sa loob ng bahay ko, alam ko na nag-alagaako ng mga magulang ko, buong pamilya ko, at saka nakisama ako sa industriya.So, nakapagbigay ako ng kaligayahan bawat pelikulang ginagawa ko, di ba, Sweet?

"At kilala n'yo ako, Raymond. Kayo nga ang kasama kopagkatapos ng show, di ba? At hindi po ako nanggaling sa kung saan-saan pamilyalang. At saka, mas bata pa sa akin ang mga kapatid ko. Siyempre, mga nag-aaralpa sila. Ayoko naman silang makipag-away sa school.

"Anyway, wala po akong sex video at wala po akong kinalamansa kanilang dalawa," giit ni Rufa Mae.

Sa huli, Sweet informed Rufa Mae na darating pa rin daw si Mosa studio at nakikiusap ito na hintayin ni Rufa Mae para makapag-usap sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN