Katrina Halili: "Wala naman po talaga akong sex video!"

IMAGE 0


“Masaya po ako sa buhay ko, ‘wag na po akong idamay diyan,”said sexy actress Katrina Halili when asked about her alleged involvementin the Vicki Belo-Hayden Kho separation. The One Night Only lead star further defended her decision to keep hersilence by saying: “Hindi ba sabi nga, ‘wag ka nang magsalita, baka may masabi ka?So, magsasalita po ako pag kailangan na.”


Todo-iwas ang sexy young actress na si Katrina Halili saisyu na siya diumano ang dahilan ng hiwalayan ng cosmetic surgeon na si Dra.Vicki Belo at boyfriend nito na si Hayden Kho.

"Actually, hindi ako affected," mabilis na sagot ni Katrinanang makausap siya ng ilang entertainment press, kasama na ang PEP (PhilippineEntertainment Portal) kahapon, December 24, matapos ang annual Metro ManilaFilm Festival Parade of Stars, na nagsimula sa tapat ng Manila Hotel atnagtapos sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Subalit agad ding idiniin ni Katrina, na isa sa mga bida ngpelikulang One Night Only, na ayaw muna niyang magbigay ng komento sa nasabingusapin sa pangambang baka lalong lumaki lang daw ang isyu sa pagitan nilangtatlo.

"Pero ayoko na pomagsalita e, dedma na lang po ako," ani Katrina.

Hinamon din ni Katrina kung sinuman ang nagkakalat ng balitana meron diumano silang sex video ni Hayden na ngayon daw ay nasa pangangalagani Vicki. Ang nasabing video na ‘yon din daw ang tuluyang nagtulak kay Vickipara tuluyan nang tapusin ang relasyon nila ng batang doktor.

"E, wala naman po talaga akong sex video, e," naiinis napahayag ni Katrina. "Ayoko na po magsalita. Magsasalita po ako sa tamangpanahon."

Nang tanungin kung may communication pa ba sila niHayden ay maikli lamang ang naging sagot ni Katrina: "Hindi na po kaminag-uusap, matagal na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN