Angel Locsin: "Naging ganap na aktres po ako dahil sa ABS-CBN."

IMAGE 0


"Sobrang stubborn ko talaga. Ako yata yung pinaka-stubbornna daughter. Kasi iba yung koneksiyon namin ng daddy ko, e. Very open ako sakanya. Puwede naming pag-usapan ang kahit na ano. So, ang dami kong nasasabi sakanya, na nararamdaman ko na hindi ako takot sabihin kay Daddy dahil ganun siyakagaling at kabuting ama talaga. So, sana ano, bawasan ng konti yung pagigingstubborn ko," says Angel Locsin when asked if there's anything she would ask for forgi



Inaabangan na ng marami sa January 15 ang showing ng unangpelikula ni Angel Locsin sa Star Cinema, ang Love Me Again (Land Down Under),kung saan first time niya ring makatambal si Piolo Pascual sa big screenpagkatapos ng kanilang teleseryeng Lobo sa telebisyon.

Kaya naman sa live guesting ni Angel sa The Buzz lastSunday, January 4, ang Love Me Again muna ang unang pinag-usapan nila ng hostna si Boy Abunda bago niya matapang na hinarap ang sampung mabibigat na mgatanong sa kanya sa The Buzz "Tough Ten."

Tough Ten Question No. 10: Bakit ka nanginig nanggawin n'yo ni Piolo Pascual ang inyong love scene sa pelikulang Love Me Again?

"Tito Boy naman, paano ka naman hindi manginginig sasitwasyon na yun? Ikaw kaya ilagay mo ang sarili mo sa posisyon na yun, hindika ba manginginig nun?" sagot na patanong ni Angel.

Humirit naman si Boy ng, "Tough Ten din ang tanong na yun,hindi ako manginginig...hihimatayin ako! Pero as in natural talaga nananginginig ka?"

"Iba po siguro talaga yung pakiramdam. Ako po yata yungnakaubos ng negatibo ng Star Cinema!" biro ni Angel. "Nanginig talaga ako noonghawakan ko na yung abs ni PJ [palayaw ni Piolo]. Kasi sabi ni Direk Rory[Quintos], ‘Gel, ang tigas ng kamay mo.' Kasi nanginginig talaga ako. ‘Direk,sorry.' Winorkshop pa yung kamay ko para hindi manginig.

"Nakaka-tense talaga. Tapos nakaganun lang si PJ, angamo-amo ng mukha, nakangiti lang siyang ganyan. Ako yung ninenerbiyos. Ito poyata ang highlight ng movie. Iba talaga yung feeling. Kasi sa Lobo po, may lovescene kaming nagawa, pero iba ito, e."

Tough Ten Question No. 9: Ikaw ang isa sa hottest atsexiest stars in the country today sa iyong henerasyon... Para sa iyo, bukod kay Piolo Pascual, sinosa mga local actors natin ang pinaka-sexy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bukod kay PJ... Of course, Aga Muhlach... Luis [Manzano]...Sam [Milby]... Richard [Gutierrez]... and Jericho [Rosales]," sagot ni Angel natalaga namang ikinatili ng mga tao sa studio.

Mabilisan lamang, sa limang pangalang nabanggit mo, what'ssexy about them?

Aga Muhlach: "Aga is Aga. Wala nang explanation pa."

Richard Gutierrez: "Iba siya talaga. Kasi nakasama ko siChard simula noong umpisa talaga. Iba yung personality niya. Yung karismatalaga. So, sexy yun para sa akin."

Sam Milby: "Si Sam... Well, bukod sa maganda ang katawan niSam, gusto ko yung color niya."

Jericho Rosales: "Well, yung color na rin. And pareho silani Sam na maganda ang boses na malakas ang dating sa akin."

Luis Manzano: "Siyempre!" at ngumiti na lang nangpagkatamis-tamis ni Angel.

Tough Ten Question No. 8: Kung may isang lalaki saiyong nakaraan na sasabihan mo ng mga katagang Love Me Again, sino ito atbakit?

"Wala po...wala. Ako kasi, Tito Boy, kapag nagmahal ako,iisa lang talag siya, as in siya lang talaga. Pero pag nawala na, wala na."

Tough Ten Question No. 7: Ano ang pinakamatindingintrigang hinarap mo at paano ka naapektuhan nito?

"Alin ho sa mga intrigang yun? Medyo marami-rami na rin poyung mga..." balik-tanong ni Angel.

Agad sumingit si Boy ng, "Pero the first intrigue that comesto mind."

"Puwede po akong magbigay ng tatlo?" sabi ni Angel. "Yungsex video na hindi po totoo. Nakabastos po ‘yon sa pagkababae ko. Pangalawa,yung sabihan ang nanay ko na katulong. Foul sa akin yun. At ang pangatlo, yungmga nangyari last year sa pag-transfer ko [from GMA-7 to ABS-CBN], yun po angpinakamahirap na panahon sa buhay ko talaga."

But you survived them all...

"Yes. Utang ko ‘yon sa mga nagmamahal sa aking mga taotalaga."

Tough Ten Question No. 6: Sabi mo kanina, isa sa mgaintrigang nakasakit sa iyo ay noong sabihan na katulong ang mommy mo. Rightnow, I'll give you the chance, kung may sasabihin ka sa iyong ina, ano ‘yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kay Mommy... Ano kolang po ha, si Mommy at saka si Daddy, separated. So, medyo iba yung kung paanokami ngayon. Pero okay kami ni Mommy. Si Mommy kasi napaka-generous, napakabaitna tao na lahat ibibigay niya sa ibang tao kahit wala na siya. So, yun langsana yung... Kung puwede man akong mag-advise sa aking nanay, kung pupuwede manyun... Gusto ko sana na ano, unahin muna sana niya ang sarili niya. Dahil akonandito lang naman ako para sa kanya forever. Pero gusto ko yung pinaghirapanko sa kanya..." maluha-luhang wika ni Angel.

Tough Ten Question No. 5: Let's talk about your dad,kung mabibigyan ng pagkakataon na makakita si Daddy, ano ang gusto mong makitaniya kay Angel Locsin?

"Lahat...lahat-lahat. Yung mga billboards ko..." at hindi nanapigilang maluha ni Angel sa himig ng malungkot na background music. Kayanasabi tuloy niya na: "Ano ba namang may music pa itong ‘Tough Ten' n'yongito!'

"Kasi hindi na niya talaga ako nakita simula noongnag-artista talaga ako. Plus yung brother ko, na hindi niya nakitang lumaki.Tapos yung bagong bahay, yung ibinigay ko sa kanya. Hindi niya ma-appreciateyung hagdanan na ayaw niya. Ang daming bagay. Gusto ko siya minsang makasama saibang bansa, kaya lang, medyo hindi kasi puwede dahil mahihirapam siyang umikot[mamasyal]."

Kung may ihihingi ka ng tawad kay Daddy, ano yun?

"Sobrang stubborn ko talaga. Ako yata yung pinaka-stubbornna daughter. Kasi iba yung koneksiyon namin ng daddy ko, e. Very open ako sakanya. Puwede naming pag-usapan ang kahit na ano. So, ang dami kong nasasabi sakanya, na nararamdaman ko na hindi ako takot sabihin kay Daddy dahil ganun siyakagaling at kabuting ama talaga. So, sana ano, bawasan ng konti yung pagigingstubborn ko."

Tough Ten Question No. 4: Sa puso mo, kailan monaramdaman na tunay ka nang Kapamilya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro po, Tito Boy, noong simula po na tawagin ako ng mgatao ng Lyka [her character in Lobo), doon nag-sync in sa akin. Kasi ano, e,sobrang nagsikap ako sa sarili ko. So, yung makilala ka ng mga tao sa karakterna ginagampanan mo, malaking bagay na sa akin yun. So, sa tingin ko tanggap naako ng mga Kapamilya talaga.

"Lalo na, i-share ko lang po ha, noong nag-premiere nightkami sa States, natuwa ako. Kasi sa Pilipinas, nasanay na ako na, Lyka, Lyka...tapos si PJ, Noah, ganyan-ganyan. Tapos nagulat ako. Tinatawag nila ako saStates ng Lyka. Sabi ko, ‘Talaga, talaga, kilala mo ako as Lyka?' So, yun na,nakakatuwa lang po talaga. Nakakagaan po ng loob."

Tough Ten Question No. 3: Totoo bang dito sa ABS-CBNmo lang naramdaman ang pagiging isang tunay na aktres? Totoo, bakit? Hindi totoo,bakit?

Hindi agad nakasagot si Angel. "Kumplikado po ‘yan, a. Well,siyempre utang ko po kung sino man si Angel Locsin ngayon, siyempre sa GMANetwork. Pero masayang-masaya po ako na naging ganap na aktres po ako dahil saABS-CBN," ani Angel na umani ng malakas at masayang sigawan sa audience.

"Malaking utang na loob ko po ito sa ABS-CBN. Wow! And ibayung mabigyan ka nila ng malaking proyekto, like yung Lobo and Love Me Again.Masaya na po ako dahil... Lalo na po yung MMK [Maalaala Mo Kaya], at nabigyan ako ng chance para patunayan ang sarili ko at i-challenge pa ang sarili ko."

Tough Ten Question No. 2: Kung may isang kabanata sabuhay mo na hindi mo na gugustuhing balikan, ano ito at bakit?

"Siguro, Tito Boy, noong high school ako. Kasi ano, e,loko-loko ako, e, dahil hiwalay yung parents ko, ganyan. Parang ang dami kongpinagdadaanan, ang dami kong angst, ang dami kong kina-career na problema. So,nandiyang nag-skip ako ng classes. Nandiyang pinabayaan ko...scholar po kasiako sa swimming noon. Dahil doon nakakapag-aral ako. Pero pinabayaan ko lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ngayon, parang na-realize ko yung mga bagay naipinagpalit ko. Ngayon, sobrang gusto kong bumalik sa eskuwelahan. Kaya kayotalaga...sana i-treasure n'yo ‘yan. Ang dami talagang magagandang memories. Angdami talagang matututuhan sa school. Kaya gusto kong bumalik sa school," atumani si Angel ng palakpakan sa audience dahil sa kanyang sagot.

Tough Ten Question No. 1: In a scale of 1 to 10, 10being the highest... gaano ka kasaya sa career, pamilya, at sa pag-ibig ngayon?

Una sa career...

"Sa career ko po, masasabi ko po na 10. Kasi ‘yong 2008,napakabait po ni God sa akin. Binigyan po niya ako, of course, ng Lobo andnapansin po ako, nagkaroon po ako ng acting award [from Star Awards for TV] sa MMK. And itong Januarynaman po, para po sa akin ang ganda nga po ng pasok ng taon, dahil tiyempounang pelikula po ng Star Cinema, nagkataon na Love Me Again. So, parang angganda po ng pasok kaagad. Masayang-masaya po ako sa nangyayari po sa akinngayon. And after naman nito, gagawin naman namin ni Sam yung soap [Buhay ngBuhay Ko]."

Sa pamilya...

"Ten..."

Sa pag-ibig...

"Ten!" mabilis at malakas na sagot ni Angel, patunay lang namasaya talaga siya sa piling ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano.

"Di ba, 10, 10, 10. May mas pe-perfect pa ba roon,ano?" pagtatapos ni Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN