Alessandra de Rossi spent holidays in Italy to de-stress

IMAGE 0


"Sa dami ko rinnamang pinagdaanang stress lately, nakatulong sa akin nang mahaba yung nagingbakasyon ko. Masyado lang maraming nangyari na mas masarap tumakbo minsan,tapos balik ka na lang kapag okey na!"says Alessandra de Rossi about her vacation in Italy after three years.


Kagabi, January 7, ay nagkaroon ng bonggang press conferenceang pinakabagong primetime series ng ABS-CBN, ang Tayong Dalawa. Nagsilbi naring tribute ang naturang okasyon para sa award-winning cast members ng teleserye.

Isa si Alessandra de Rossi sa mga younger stars nanabigyan ng parangal along with the senior stars na bumubuo ng TayongDalawa: Helen Gamboa, Gina Pareño, Cherry Pie Picache, Mylene Dizon, at AnitaLinda.

Ayon kay Alex, kadarating lang niya ng alas-onse ng umaga mulasa Italy, kung saan after three years ay umuwi siya at doon nag-celebrate ng Christmasat New Year, kapiling ang kanyang pamilya.

"Kaninang alas-onse lang ako umuwi from Italy! Taposdumiretso na ako ng taping ng Dragonna. Tapos dito nga sa presscon, and after this,babalik na naman ako ng taping ng Dragonna," lahad ng young actress.

More than two weeks din daw niyang nakapiling ang kanyangpamilya. Pero hindi niya raw kasama ang kapatid na si Assunta de Rossi.

Bakit nga ba niya naisipang umuwi naman ng Italy?

"Para maiba naman ang Christmas ko at saka sa dami ko rinnamang pinagdaanang stress lately, nakatulong sa akin nang mahaba yung nagingbakasyon ko. Masyado lang maraming nangyari na mas masarap tumakbo minsan,tapos balik ka na lang kapag okey na!" natatawang sabi ni Alex.

ALEX AS A KAPAMILYA. Kung titingnan, Alex got what she wanted when she transferred from GMA-7 to ABS-CBN. This time, sunud-sunod angmga projects na ginagawa niya sa Kapamilya network.

Kumusta na ba siya ngayon bilang Kapamilya?

"Okey naman," sagot ni Alex. "Tuluy-tuloy ang trabaho to thepoint na minsan, nakakapikon na dahil sa sobrang dami! Pero yun ang gusto mo,di ba? So, heto na! Masaya, masaya!"

Satisfied ba naman siya sa lahat ng nangyayari sa kanyang career?

"Oo naman!" mabilis niyang sagot. "At saka natsa-challenge din naman ako as anactress, kasi iba-ibang role ang ibinibigay sa akin. Iba-iba ring atake. So,masaya! Maganda siyang paglaruan. Nagkakaroon ka ng satisfaction as an actress."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi ba niyang mas masaya siya ngayon?

"No, hindi naman!" maingat niyang sabi. "Parehas lang namanako. Kung saan naman may work, doon naman ako. Basta tuluy-tuloy. Kailangankong kumita, e."

"RAPE SCENE" WITH JAKE. Madalas ipakita sa trailer ng Tayong Dalawa ang love scenenila ni Jake Cuenca. Pero kinontra ni Alex ang salitang love scene dahil aniya,hindi raw yun love scene dahil hindi naman siya gumagawa ng mga ganoong eksena.It's more of a "rape scene" daw dahil wala namang emosyon nang gawin nila ‘yon.Pero wala rin daw ilangan sa pagitan nila ni Jake.

"Hindi, kasi magkaibigan naman kami ni Jake. At saka isa pa,since wala namang kailangang emosyon or love involved or passion, hindi kayomagkakailangan talaga. Kasi hindi kayo nagkakatinginan, wala! GRO kasi ako rito. So at that time, nangailangan akong pera. So, all for the money talaga.

"First time kong sumayaw rito. Never mokong mapapasayaw sa mga SOP or ASAP. Pero dito, sumayaw talaga ako. Sa totoongbuhay, dyusko, hindi ako marunong sumayaw! Pero kung hindi ako marunongsumayaw, kaya ko namang umarte na marunong akong sumayaw, ‘no!" natatawang sabini Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN