Jake Cuenca on second time around with Roxanne Guinoo: "Sa ngayon, we're better off as friends."

IMAGE 0


"Panahon lang kasi ang puwedeng magsabi niyan. Sa ngayon, we're better off as friends. Maayos kaming nagtatrabaho nakanya-kanya, at 'pag nagsama kami, we function well, hindi kami naiilang saisa't isa. That's good enough," says Jake Cuenca about the possibility of getting back with ex-girlfriend Roxanne Guinoo.



Lumalabas na nakipagbati na lang si Jake Cuenca sa datiniyang girlfriend na si Roxanne Guinoo dahil, sa paglaon, baka raw maging negatiboang epekto nito sa career ng aktor na sinusugalan na ng todo ng ABS-CBN. Hetoat bidang muli si Jake, more on drama, ka-triangle sina Kim Chiu at GeraldAnderson sa primetime series na Tayong Dalawa.

"Sa Guam pa lang naman, nagkausap na kami," pauna ni Jake. "Pero sabinga niya, hindi pa masyadong malinaw yun. Pareho lang kaming nag-decide namanahimik. Kung may mga lumalabas na intriga, pinalalaki na lang ng iba yun.Pero kami ni Rox, okey naman sa amin, at ang lagi lang niyang sinasabi noon,kailangan talagang mag-usap kaming mabuti.

"Yun naman ang ginawa namin. Nagkaroon lang ngpagkakataon, nang mag-taping kami for Maalaala Mo Kaya, pero doon nga, okey naagad kami. Halos hindi na namin pinag-usapan pa yung nangyari, tapos natalaga," paliwanag ni Jake nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa Teatrino, Greenhills, sa Kapamilya Tribute kagabi, January 7, parasa award-winning performers na nasa cast ng Tayong Dalawa.

Hindi masalita si Jake pagdating sa isyung nabanggit. Kayanga nakontrol yun.

"Pinaninindigan ko pa rin ang totoo, na hindi ko sinaktanphysically si Rox, at alam niya 'yan. Walang ganoong pangyayari, kaya ayoko naring mag-elaborate pa," pagdidiin ng binata.

Sa kabila ng lahat, hindi rin daw totoong iniiwasan na niyasi Roxanne. Kung may kinalaman pa sa personal, ayaw na niya diumanong magkaroonng kaugnayan dito.

"Hindi sa ganoon, pero tapos na kasi ang relasyonnamin," paglilinaw ni Jake. "Open nga lang ako sa pagsasabing kung pamimiliinako, kung may babalikan, okey lang na kami ulit ni Rox, kung maaayos pa. Kaso,mas maganda na rin yung ganito na lang kami.

"Nasabi ko yun, kasi iba ang lalim ng pinagsamahannamin ni Rox. Walang makakapantay sa tindi ng pinagsamahan namin, at mas lamangpa rin ang good memories kesa bad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nilinaw ni Jake na hindi naman pagwi-wish yun na gustoniyang makipagbalikan pa sa young actress.

"Panahon lang kasi ang puwedeng magsabi niyan," aniya."Sa ngayon, we're better off as friends. Maayos kaming nagtatarabaho nakanya-kanya, at 'pag nagsama kami, we function well, hindi kami naiilang saisa't isa. That's good enough."

WORKING WITH KIMERALD. Ngayon ay lumalabas na nakikipag-agawan pa siya kay Kim Chiudahil may love angle din sila sa Tayong Dalawa, na ikinaiirita raw ng ilangKimerald fans.

"Sumusunod lang ako sa professional ethics,"napapangiti si Jake. "Alam ko naman na kung sa personal, ganoon anggagawin ko, makikigulo ako, hindi talaga magiging maganda ang sitwasyon.

"Happy ako kina Kim at Gerald, kasi na-establish nanila yung love team nila na very successful. Yung mapasama na lang ako sakanila, alam kong matutulungan din ako. Nagsusuportahan lang kaming tatlo paramaging effective ang pagsasama namin sa teleserye.

"Alam kong sa katagalan, maiintindihan yun ng Kimeraldfans. Gusto ko rin sanang magustuhan nila ako as somebody na katrabaho ng idolsnila. I'm not in the teleserye naman to destroy anything," saad ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN