Coco Martin denies saying bad things about indie filmmaker Adolf Alix Jr.

IMAGE 0


"I owe it a lot sa indie films na nagawa ko. Kung noonnatutuwa na ako sa papuri sa pag-aartista ko, nakakatsambang makarating saiba't ibang film festivals abroad, ngayon ay mas marami nang opportunties. Masnae-enjoy ko na bale ang pakinabang ng pinagpaguran ko through mainstreamTV," says Coco Martin about his rising career .



Hailed as the Prince of Indie, si Coco Martin ay nakagawa ngunconventional na pamamaraan para magkapangalan. Agad-agad ay sineryoso siyabilang aktor sa pamamagitan ng indie films na may kakaiba at mas seryosongtema. Mula sa Masahista, nagpaka-daring nang may lalim si Coco sa mga indiefilms na gaya ng Serbis, Ataul 4 Rent, Daybreak, Tambolista, at iba pa.

Ngayon, nabigyan siya ng pansin ng ABS-CBN. Kasama na siya sa isang malaking primetime drama na may powerhousecast headed by Jake Cuenca, Gerald Anderson, and Kim Chi—Tayong Dalawa.

"I owe it a lot sa indie films na nagawa ko. Kung noonnatutuwa na ako sa papuri sa pag-aartista ko, nakakatsambang makarating saiba't ibang film festivals abroad, ngayon ay mas marami nang opportunties. Masnae-enjoy ko na bale ang pakinabang ng pinagpaguran ko through mainstreamTV," pahayag ni Coco sa grand press conference ng Tayong Dalawa na ginanapsa Teatrino, Greenhills, kagabi, January 7.

Ibig bang sabihin, mababawasan ang atensiyon niya saindie film projects?

"Ilang buwan na rin akong busy sa ABS-CBN," aniCoco. "Kasama ako noon sa Ligaw na Bulaklak, 'tapos na-absorb ako saTayong Dalawa, na talagang tuwang-tuwa ako. Kasi pangarap ko talaga ito, yungmapanood ako sa isang teleserye na pang-primetime, na alam kong matatandaan akong mga tao at higit pa akong makikilala.

"Walang dahilan para mabawasan ang atensiyon ko para saindie. Unang-una, wala pa namang nag-o-offer sa akin ng mainstream films namalaki-laki ang role, o ako ang bida. Pangalawa, kahit ganoon, na mabigyan paako ng bigger breaks sa movies, hindi ko kalilimutan ang roots ko. Dito akohigit na nakilala ng mga tao at marami pa rin ang nakapansin sa akin. Nagingmas busy lang ako, at naia-adjust pa rin naman ang schedule, lalo na kung maymagagandang alok na indie films."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE NEXT LEVEL. Dahil dito, iniintriga si Coco na habang umaangat ang levelniya, nagbabago na raw ang ugali niya.

"Ano raw ang eksaktong sinasabi nilang negative aboutme?" parang naguluhan pa si Coco sa nasabi namin. "Marami nga akongnababasa o nababalitaan. Na kesyo nagiging critical na raw ako sapakikipagtrabaho sa ibang indie filmmakers. That's not true.

"Kung ako naman ang direktang kakausapin nila, wala akongalam sa mga nasasabing ganyan, at ayokong magsalita laban sa kung sino. I'm notlike that. Gusto ko lang magtrabaho. Marami ang nakakakilala sa akin, na hindiako ang tipong maninira, lalo na sa ibang taong nakatulong pa sa akin,"sabi pa niya.

Nababanggit sa mga intriga na ang kaso raw nila ni DirekAdolf Alix Jr., na ayaw na siyang kunin pa diumano sa mga pelikula nito. Nag-commentdaw kasi si Coco ng negative sa Maynila, ang film project na idinidirek niAdolf at pino-produce ni Piolo Pascual.

Kesyo masama raw ang experience niya sa pagtatrabaho withDirek Adolf, na kesyo hindi siya nabayaran nang tama, at nabanggit nga raw niyana bagong biktima nga raw si Piolo, na siya ring bida sa pelikulangpino-produce nito.

"Gusto kong klaruhin uli na wala akong sinabing hindimaganda sa project na yun," diin ni Coco. "Hindi ko magagawang sabihin nakawawa naman daw si Piolo sa pagpo-produce. Basta yung mga nakararating na balitangganyan, wala akong kinalaman, at wala akong alam.

"I just want to clarify that I didn't make anycomment. For the record lang, okey kami ni DirekAdolf. Nakapag-usap na kami, at hindi na kami kailangang mag-comment pa parapalakihin ang mga isyung ganyan.

"Okey lang sa na magtrabaho uli ako with Direk Adolf,kung mayroon bang magandang offer din, di ba? O kung mag-o-offer. Ganoon nalang," medyo tikom ang bibig ni Coco sa pagpapaliwanag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatrabaho ni Coco si Direk Adolf sa mga pelikulangTambolista at Daybreak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN