Birthday boy Joross Gamboa has a new "special friend"

IMAGE 0


Young actor Joross Gamboa celebrated his 24th birthday last Saturday, November 29, at his home in B.F. Homes Parañaque. Aside from his friends and relatives, the party was made even memorable by Joross's special friend (inset).


Nagkaroon ng small birthday party si Joross Gamboa sa kanilang bahaysa B.F. Homes ParaƱaque noong Sabado, November 29, a night after his actualbirthday. Bukod kay Joross, kasama rin niyang nag-celebrate ang kanyang daddyna si Mr. Nato Gamboa, na nag-birthday naman noong November 20.

Kaswal na kaswal lang that night si Joross, na siyang aligagasa pag-iistima ng mga bisita niya, mostly his relatives and friends inside andoutside showbiz.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joross kung yearlyba talaga siyang nagpapa-party o ngayong 24th birthday niyalang.

"Hindi naman," sabi ni Joross. "Every year naman, kung hindikami magkakaroon ng small dinner for family or kagaya nito... Actually, hindi konaman matatawag na party talaga, it's more on get-together lang sa mga closefriends."

Ginanap ang birthday party ni Joross sa kanilang garden nadating bakanteng lote sa tabi ng bahay nila. Ilang buwan pa lang daw angnakakalipas nang simulan nilang ipa-develop ito.

Napag-alaman din ng PEP na yung portion na yun ng kanilangbahay ay idea ni Joross at sariling gastos niya.

"Sabihin na lang natin na matagal na kasi naming gustongmagkaroon ng parang garden, since may pool naman sa bahay, parang extension.Sinuwerte lang na bakante yung lote at nakuha namin. Tinatanong ako ng parentsko kung gusto kong magkaroon ng sariling bahay, sabi ko, bakit pa, mas masarappa rin yung kasama ko yung pamilya."

Dagdag niya, "Actually, marami pang dapat gawin dito. Peroisa-isa lang, depende sa budget."

JOROSS' S NEW INSPIRATION. Hindi rin nakaligtas sa PEP ang non-showbiz girl na madalasna kasama ni Joross sa kanyang birthday party. Kaya diretsuhan namin siyangtinanong kung ito na ba ang bago niyang girlfriend.

"Let's just say na she's my special friend. Inspiration narin," sagot ni Joross.

Sa pagtatanong ng PEP, napag-alaman namin na ang non-showbiz girl na kasa-kasama ni Joross ay isang Fil-Ammodel at nag-aaral ng Hotel & Restaurant Management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Joross, pareho raw nilang priority angkani-kanilang career at pag-aaral.

BIRTHDAY WISH. Ano naman ang birthday wish ni Joross?

"Actually, natanggap ko na!" natatawa niyang sabi. "Matagalko na talagang gustong magkaroon ng pang-professional camera. Hindi koine-expect na yun pala ang ibibigay na birthday gift sa akin ng parents ko kayaang saya!"

Bakit naman professional camera ang gusto niyang matanggap?

"Wala ako nun, e. At saka magagamit ko rin, like sa courseko [Mass Communication]. Tiyempo nga, kasi may subject din kami ngayong Basic Photography."

At present, masaya naman si Joross sa nangyayari sa kanyangcareer. Dire-diretso naman ang ginagawa niyang mga proyekto.

"Ipapalabas na yung soap opera naming Eva Fonda [with Cristine Reyes]. Then, thisDecember din ipapalabas yung indie film na ginawa ko, yung Sumpa, kasama ko siMocha. At may entry rin ako for MMFF [Metro Manila Film Festival], yung OneNight Only ng OctoArts Films.

"Mag-i-start na rin daw kami ng shooting for the sequelof A Very Special Love [with John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo] kaya masaya ako sa lahat ng nangyayari. Siguro kung maywish man ako, magtuluy-tuloy lang lahat," asam ni Joross.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN