Dingdong Dantes shrugs off presistent rumors about him and Marian Rivera

IMAGE 0


"Well, to begin with naman, wala naman akong gustong i-provena anything. Wala akong gustong papaniwalain na tao. If they ask me, I'll justanswer the question straight from my heart. So, we're not trying to prove anythinghere. I respect that they have speculations. At kami, we will live a lifeaccording to how it is," says Dingdong Dantes.



Umpisa pa lamang ng 2009 ay may maganda na agad na nangyarisa career ni Dingdong Dantes. Sinimulan ni Dingdong ang Year of the Ox sapamamagitan ng paglu-launch sa kanya bilang pinakabagong celebrity endorser ngGoldilocks.

Kaninang tanghali, January 9, sa Santan Room ng EdsaShangri-La Hotel ay pormal nang ipinakilala si Dingdong bilang pinakabagongendorser ng Goldilocks. Sa Linggo, January 11, sa SOP ay mapapanood naman angTVC nito na may bagong tagline na "You're The 1, Goldilocks."

Ang marketing director ng Goldilocks na si Ms. Pinky Yee angkasama ni Dingdong na humarap sa entertainment press kanina. Nagbigay rin siya ngpaliwanag kung bakit sa dinami-rami ng young actors ngayon ay si Dingdong angnapili nilang maging bagong endorser.

Ayon kay Ms. Yee, si Dingdong kasi ang nag-top at may mataasna rating sa survey na ginawa nila sa iba't ibang demographics para siyangmaging endorser ng kanilang bagong campaign.

"I am so happy to share with all of you that Dong's score isvery, very high in all market segments—civic and socio-demographic segments.From the AB crowd, all the way to the CD, moms, young children, teenager, herated very well. He is credible to the most of the age group and respondentsthat we have talked too," saad ni Ms. Yee.

Nilinaw rin ng marketing manager ng Goldilocks na hindipinalitan ni Dingdong si Kris Aquino bilang endorser ng nangungunang bake shopsa Pilipinas. Nananatili pa rin daw nilang endorser ang TV host-actress, peroibang line of products daw ang ine-endorse nito kumpara kay Dingdong. Pero hindiraw magkakaroon ng TVC ang dalawa na magkasama.

Siyempre pa, nagpasalamat si Dingdong sa mga narinig niyamula kay Ms. Yee. Ano ba ang masasabiniyang siya raw ang nanguna sa survey na ginawa ng Goldilocks?

"Hindi naman number one, hindi ko alam kung number one. Perosinabi nila that I faired well sa survey. Sa akin, that means a lot. It showsthat the people trust me. Ako naman, hindi ko naman sisirain ang tiwala nila saakin," pahayag ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PREDICTIONS. Magkaganunman, hindi maikakaila na parangsilang dalawa ng ka-love team niyang si Marian Rivera ang target ng ilan nahilahin paibaba. Nandiyang maging ang mga hula ay tila hina-highlight atginagawang isyu na kesyo this year daw ay posibleng hindi na ganoon kabonggaang magiging takbo ng career nila. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Ang hula ay hula," sabi ni Dingdong sa PEP (PhilippineEntertainment Portal). "Kahit ako, puwede akong manghula kahit ngayon. Perosiyempre, yung destinasyon, yung kapalaran mo, ikaw mismo ang gagawa nun. Atsiyempre, kasama ang Diyos diyan. So, para sa akin, I'll stick to that at yunang nagpapalakas sa akin."

Hindi siya naniniwala sa hula?

"Hindi ko naman sinasabing hindi ako naniniwala sa hula,pero hindi ako nagpapahula. Marami sigurong nanghuhula para sa amin, pero ibayung kami ang nagpahula at sila ang humula para sa amin," aniya.

Personally, nararamdaman ba niyang parang may mga taonggustong ibaba sila ni Marian?

"Ako, hindi...may mga mga nagsasabi nga. Kahit sa kanya[Marian] rin, may mga nagsasabi saaking ganoon. Pero hindi ko naman nakikita. Unless sabihin talaga sa akin."

May nagsabi na more than him, parang ang talagang target dawng detractors na ibagsak ay si Marian. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Hindi naman, pero maaaring ito ay mga nanggaling sa mgaevents dati na nakakalkal. Pero you know, at the end of the day..." bitin niyangsagot.

Ayon kay Dingdong, kung tatanungin daw siya ng isa sa mgaNew Year resolutions niya, ito ay ang mas maging malapit pa sa Panginoon.

"Isa yun sa mga gusto kong mangyari. Kasi kapag kakampi moSiya, kahit ano pa ang sabihin nila, totoo man o hindi, at the end of the day,you'll be happy with Him," aniya.

On his own, would he say that this New Year will be anothergood year for him?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, the loyal ones are always there. Maaaring may iba nanag-iba ng paniniwala, pero hindi ko sila masisi. Kumbaga, yung talagang mganagmamahal at nagtitiwala, nandiyan lang sila. I keep my communication linesopen with them para, you know, updated naman sila sa mga nangyayari."

SPECIAL OCCASION WITHOUT MARIAN. Dahil nasa Boracay siDingdong kasama ang kanyang mga kapatid at pinsan noong nakaraang holidays,ibig bang sabihin ay hindi sila nagkita ni Marian noong mga panahong yun?

"Noong buong time na nasa Boracay ako, hindi. Pero noongDecember 24, nagkasama kami sandali. Pero after that, nagpunta na rin siya ngCavite," lahad ni Dingdong.

Okey lang ba na sa special occasion ay hindi sila magkasamani Marian?

"Kasi when you say special days, masasabi kong kami, we haveour special day dahil every time na magkasama kami, special, e. We are togetherin an endorsement, kumbaga, special yun. Pero itong season of Christmas,kailangang ibigay namin yun sa aming mga kanya-kanyang pamilya. Kumbaga, buongtaon na nga magkasama kami, so yung mga ganoong special occasion, yun na yun,"paliwanag ni Dingdong.

After the holiday break, nag-first taping day na sila niMarian ng ikatlong telenovela nila together, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, noong Martes, January 6. Na-missniya ba si Marian?

"Siyempre, iba yung feeling na hindi ko siya nakikita ngganoon kahaba. Mga four or five days yata yun," sabi ng aktor. "Pero siyempre,alam ko naman na kailangan din namin ang mga panahong yun para sa aming mgapamilya, kanya-kanyang buhay. Pero kumbaga, instead of pagka-miss, mas yunglooking forward, especially pagkatapos ng holiday season, magkakatrabaho pa rinkami."

Year 2009 na, pero how does he feel na marami pa rin ang hindinaniniwala na hindi sila ni Marian o mas gustong maniwala na sila na talaga?

"Well, to begin with naman, wala naman akong gustong i-provena anything. Wala akong gustong papaniwalain na tao. If they ask me, I'll justanswer the question straight from my heart. So, we're not trying to prove anythinghere. I respect that they have speculations. At kami, we will live a lifeaccording to how it is," saad ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nahihirapan ba siyang i-explain na wala naman talagangnamamagitan sa kanila ni Marian?

"Hindi naman," sagot niya. "Kami, importante na alam namin kungokey kami or hindi. Kumbaga sa explanation sa ibang tao, okey lang yun."

"YOU'RE THE ONE." Sa estado niya ngayon at kung gagamitinang tagline ng Goldilocks, meron na rin ba siyang puwedengsabihan ng "You're the one"?

"Well, ayokong hanapin, e. Pero nararamdaman ko na nandiyanlang siya...sa planeta!" natatawa niyang sabi.

Nakita mo na ba siya?

"Oo, alam ko ang kanyang existence," sagot ni Dingdong.

Paano niya ide-describe yung posibleng "you're the one" nayun?

"A true person inside and out," tahasan niyang sabi.

But at the end, Dingdong says he enjoys being singleand happy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN