Rufa Mae Quinto looks for the guy who will complete her

IMAGE 0


"Kaya nga po ako singlengayon kasi gusto kong i-ready ang sarili ko para sa magiging asawa ko. Ayokongmatakot ang mga guys. Pero kaya rin masaya ako, relax ako ngayon, kasi kung maymga past man ako, ready na ako ngayon, e. Pero hindi rin naman nga akonalulungkot. Tapos na ako sa phase na ganoon, pero reding-ready na poako. Napag-aral ko na rin naman ang mga kapatid ko. Tapos, yung mga luhoko naman, kahit papaano, na-experience ko na, says Rufa Mae Quinto.


Binigyan ng solo press conference ng Viva Films si Rufa MaeQuinto para sa pinagbibidahan nitong pre-Valentine's comedy movie na Status: Single sa isangsteak house sa Queon City noong Huwebes ng tanghali, January 8.

Dahil na rin sa title ng kanyang bagong pelikula, ang nagingsentro tuloy ng mga tanong kay Rufa Mae ay tungkol sa kanyang pagiging singleat the age of 30. Unang tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayRufa Mae, kung sa kanyang palagay, hanggang kailan kaya siya mananatilingsingle?

"Hangga't hindi ko mahanap yung guy na magpapa-feel ngcomplete sa akin," sagot niya. "Yung mapi-feel ko na nakukumpleto niya ako.Yung guy na makakasama mo, kahit mga flaws mo, nagko-compromise kayo at tanggapn'yo pa rin. "

Hindi naman kaila sa lahat na marami na ring naging relasyonsi Rufa Mae in the past and she was actually linked to different men. Sakanilang lahat, wala ba siyang nakitaan ng ganoong katangian?

"Meron siyempre," aniya. "Kaya lang nga, yun nga angsinasabi ko, sa isang relasyon, parang hindi n'yo naman kayang mag-stay lang.Yung siya na ang makakasama mo habambuhay."

At 30, happy ba siya that she's still single?

"Well, kasi na-sad na ako before...palagi naman, di ba? Kayalang siyempre, hindi ako nagwo-worry. Alam ko na meron diyan, hindi ko pa langtalaga napo-focus yung sarili ko."

RUFA MAE'S LEADING MEN. Ilan sa mga actors na kasama ni Rufa Mae sa pelikulangStatus: Single ay sina Paolo Contis, Alfred Vargas, Rafael Rosell, MarkBautista, at Jon Avila. Sa kanilang lahat, open naman ang sexy comedienne na angmadalas niyang nakakasama ngayon at malapit sa kanya ay si Jon.

Pero sa naturang pressconference, inamin din ni Rufa Mae na noon pala, naging malapit at nahulog din ang loobniya kay Alfred, na una niyang nakasama sa fantaserye na Marinara ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung nanligaw? Well, hindi naman kami nag-usap kungano ba ‘to, di ba?" sabi ni Rufa Mae.


Naging mag-M.U. sila?

"Parang iba na yata ‘to...parang ano ba, kiss and tell ha?"natatawa niyang sabi. "Basta yun, tapos na yun. Naging close kami before, kayalang, hindi pupuwede dahil may mga rason."

Committed na kasi siya before?

"Yes...meron, e," pag-amin niya. "Pero sino naman kasi anghindi mai-in love kay Alfred? Matalinong tao, guwapo, macho, mabait... So,parang ang hirap din tanggihan, ‘no!"

Nang magtawanan ang entertainment press ay sabay dugtong itong: "I mean, mahirap din hindi ma-fall!"

Kung sakali at manligaw sa kanya ang limang leading men niyasa movie, kanino kaya siya most likely magkakagusto?

"Ayoko namang maging desperada, pero sa totoo lang, sakanilang lima, wala akong puwedeng itapon! Totoo, ha! In fairness!" natatawaniyang sabi.

Pero ayon kay Rufa Mae, "Sa ngayon kasi, ang masasabi kongmasipag talaga na sama-samahan ako, si Jon Avila at saka minsan, si Mark, ‘yan...Hindi ko naman sinasabing sabay silang dalawa! Basta yun, sila ang mganakakasama ko sa ngayon."

UNWILLING TO BE FOREVER SINGLE. Once and for all, masasabi ba niya kung officially silana ni Jon or ang non-showbiz boyfriend niya na si Bobby Lopez pa rin angnagmamay-ari ng puso niya?

"Una, hindi naman sa siya [Jon] yung paborito ko,"paglilinaw ni Rufa Mae. "Ngayon kasi, lalo na at madalas kaming magkasama niJon, sa ngayon, special siya sa akin. Pero single pa rin kaming pareho.

"Si Bobby naman, well, ayoko namang sabihing hindi na. Kasinga, wala naman akong karelasyon sa ngayon, single pa rin ako. Si Bobby,nandiyan pa rin siya. Nasa stage na nga kasi ako ng life ko na ayoko nang maghanap.Kung hindi lang din, okey lang, okey lang din akong mag-isa. So, si Bobby,nandiyan lang siya. Pero siyempre, gusto ko pa rin maging single. Gusto ko parin kilalanin kung sino ba ‘ko. Kung ano talaga ang gusto ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman daw niya gugustuhin na forever siyangsingle.

"Ayokong maging single habangbuhay!" bulalas niya. "Kasi nga, I never had a family... Well, I had, pero hindiko na-experience yung kumpleto, e. Kumbaga, maagang nagkaroon ng ibang pamilyaang mother at father ko. So, hindi ko na-experience yung nagmo-malltogether, nagdi-dinner together. So, yun talaga ang gusto kong gawin."

Kung may lalaking dumating nanakita niyang gusto na niya at mag-offer sa kanya ng marriage, willingna ba siyang i-give up ang pagiging single?

"Opo, kaya nga po ako singlengayon kasi gusto kong i-ready ang sarili ko para sa magiging asawa ko. Ayokongmatakot ang mga guys. Pero kaya rin masaya ako, relax ako ngayon, kasi kung maymga past man ako, ready na ako ngayon, e.

"Pero hindi rin naman nga akonalulungkot. Tapos na ako sa phase na ganoon, pero reding-ready na poako. Napag-aral ko na rin naman ang mga kapatid ko. Tapos, yung mga luhoko naman, kahit papaano, na-experience ko na.

"At tingin ko rin naman, hindi korin naman iaasa sa magiging asawa ko kung anumang mga kaartehan ko rin, yungganoon, nahihiya naman ako. Yun din ang isang rason kung bakit nag-ipon-ipondin naman ako. Kung kaya nga rin po kung magtrabaho ako, parang wala nangbukas. Iipunin ko na po lahat, at totoo po talaga yun," pagtatapos ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN