Kim Chiu says kissing scene with Jake Cuenca is no big deal

IMAGE 0


"Siyempre, aabot kayGerald yung sinasabi ng fans, but I don't think kailangang maapektuhan siya. Ofcourse, yung fans namin, hindi nila gusto yun, and I don't need to explain.Eventually, kapag napanood nila, maiintindihan nila kung bakit kailangang gawinnamin ni Jake yun. Walang personalan yun," says Kim Chiu about her kissing scenes with Jake Cuenca in Tayong Dalawa.



Isang tipikal na estudyante at bagets lang si Kim Chiu fromCebu bago siya nakapasok sa unang batch ng Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006.Pero ilang taon lang ang nakalipas, napakalaki na ng isinulong ng buhay niya.Wala ring hinto ang suportang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN, kasama angka-love team niyang si Gerald Anderson.

Sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Tayong Dalawa, hindi langyung pagkakaroon uli ng chance na magka-exposure ang hangad ng Kapamilyanetwork sa kanya. Hudyat na ito na iangat ang level niya sa iba pangkapanabayan niyang artista.

"Malaki ang pasasalamat namin nina Jake [Cuenca] atGerald na ganito ang suporta ng ABS-CBN sa amin, na talagang mahuhusay ataward-winning performers ang mga kasama namin. Araw-araw sa set, maynatututunan kami sa kanila. Lagi kong kaeksena sina Spanky Manikan, MyleneDizon, at Anita Linda. Kabado talaga ako, pero habang tumatagal, kung may gustoakong malaman, gina-guide naman nila ako. Tinuturuan nila ako," kuwento ngyoung actress sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

WORKING WITH ACTING GREATS. Para kay Kim, napakagandangregalo ito ng ABS-CBN sa kanya. Hindi pa man niya nakakaeksena yung ibangmahuhusay rin sa cast, the fact remains na nagdudulot ng prestige ang presenceng mga ito sa bagong teleserye.

"Dati-rati, napapanood ko lang ang iba sa kanila sa oldmovies sa TV," banggit ni Kim. "Alam ko nang magagaling silang artista, kayahindi puwedeng kapag nakikita ko sila noon, kahit hindi ko pa nakakatrabaho,dinadaan-daanan ko lang sila. Lumalapit talaga ako, nagpapakilala.

"Ngayon, nakakatrabaho ko na sila. All the more na nalalamanko kung ano ang ginagawa nila sa set, at kung bakit ganoon kataas ang respetosa kanila ng industriya."

Maski ang premyadong si Cherry Pie Picache ay puring-purisila ni Gerald dahil alam daw ng mga ito ang pinasok nila. Si Anita Linda nga,nailang pang saktan-saktan si Kim sa mga eksena nila together dahilnararamdaman nito ang pagiging real nice ng bagets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, okey lang sa akin na saktan ako," sabi niKim. "Naroroong sampalin ako, tadyakan, pero kailangan kasi talaga yun. Sabinga ni Tita Anita, gawin na namin nang tama para hindi ako paulit-ulit nanasasaktan. At saka kung minsan, hindi ako palakibo, hindi dahil nang-iisnabako o nagsusuplada. Nahihiya lang talaga ako. Ipinapaliwanag ko naman sa kanilayun."

THE REAL SCORE. Siyempre, hindi mawawala ang pagdalirot sa mga isyu sakanila ni Gerald. Naroroong nagpapaiba-iba raw ng statements si Kim tungkol saMU (mutual understanding) status nila ni Gerald.

"Wala naman akong idine-deny. Talagang may MU kami,pero hindi ko alam kung six or eight months na ngang may MU sa amin. Yun langnaman yun, pero hindi ko idine-deny," saad ni Kim.

PAULEEN-GERALD ISSUE. Hanggang ngayon ay umeeksena pa rindaw si Pauleen Luna at nagsasabing sinungaling si Gerald dahil sa pagde-denynito na nagdala siya ng pagkain para sa dalaga sa set ng Eat Bulaga! Ano angmasasabi rito ni Kim?

"Hay naku, lumang isyu na kasi 'yan!"buntung-hininga ng young actress. "Last year pa 'yan, hindi pa banatatapos? Ewan ko sa kanila ni Gerald, pero siyempre, naniniwala naman ako kayGerald.

"Sana lang, maayos na 'yan. Nagkita naman kami niPauleen noon sa parada ng Metro Manila Film Festival, okey naman kami. Hindikami nagkausap pero nagngitian at nagbatian kami. I don't think na may problemapa rin pagdating sa bagay na 'yan."

KISSING SCENE WITH JAKE. Mukhang pinagmumulan din daw ngtampuhan sa kanila ni Gerald ngayon ang pagpayag ni Kim na pakikipag-kissingkay Jake Cuenca sa ilang eksena sa Tayong Dalawa.

"Wala kasi si Gerald sa set nang kunan yun!"natatawang sabi ni Kim. "Wala naman yun, trabaho yun. At saka bakit akomagpapaalam? The same way na kung kailangan niyang makipaghalikan sa ibangkaeksena niya, wala akong karapatang kuwestyunin yun o pigilan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang nasa set, yung Kimerald fans. Siyempre, aabot kayGerald yung sinasabi ng fans, but I don't think kailangang maapektuhan siya. Ofcourse, yung fans namin, hindi nila gusto yun, and I don't need to explain.Eventually, kapag napanood nila, maiintindihan nila kung bakit kailangang gawinnamin ni Jake yun. Walang personalan yun.

"Noong una, parang nakakailang, kasi hindi pa kamiganoon ka-close ni Jake para mag-kiss. Pero talagang ganoon ang pag-aartista.It's not really a big deal," kibit-balikat na sabi ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN