Dingdong Dantes admits team-up with Marian Rivera is not pure "working relationship"

IMAGE 0


"Alam n'yo, ang importante sa ngayon ay hindi muna namininiisip yun. Kasi ayaw muna naming bigyan ng complication ang aming samahanngayon. It's hard to say mutual if I'm the one speaking alone. Basta ako, kungano yung sinabi ko tungkol sa kanya, yun ang sa akin," replies Dingdong Dantes when asked about the possibility of bringing his relationship with Marian Rivera to another level.



Last Tuesday, January 6, ay nag-first taping day na sinaDingdong Dantes at Marian Rivera para sa ikatlong pagsasama nila sa telenovela ngGMA-7, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Sa launching ni Dingdong bilang pinakabagong endorser ngGoldilocks noong Biyernes, January 9, hindi itinago ng aktor sa PEP(Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press angexcitement niya sa bagong serye na halaw sa isa sa mga obra ni Carlo J.Caparas.

"Ang character ko run, ang pangalan ko ay Homer. Isa akongmayamang businessman. Ang buhay niya ay very planned. Obsessive-compulsivesiya, organized siya. Tapos, lahat ng galaw niya, de-numero, lahatnaka-schedule. In other words, he lives a very boring life. Until dumating angisang araw, pumasok literally sa kuwarto niya ang isang babae from out ofnowhere at magmula noon, nabago ang buhay niya, nagulo," paglalarawan niDingdong sa kanyang role.

Ano ang nakikita niyang challenge sa kanyang bagong character?

"Kasi ano ko run, e, parang nerd na tahimik. Usually, gustoko yung character ko, medyo enthusiastic na ano, e... Pero parang ang hirap naparang minimal ang galaw. Kakaiba rin naman ang character ni Marian. Veryexciting, hindi yung usual na nakikita nating naaapi. Siya yung dito veryaggressive."

Kahit nagsimula sa komiks ang kuwento ng Ang Babaeng HinugotSa Aking Tadyang at naisapelikula na rin ito noon nina Vivian Velez at ngyumaong aktor na si Eddie Rodriguez, hindi raw naging ugali ni Dingdong angmanood ng orihinal na version ng mga ginagawa niyang adaptations gaya ngMarimar at Dyesebel.

"Hindi ko napanood yung movie, pero na-browse ko yung komiksat naikuwento sa akin," banggit ni Dingdong. "Ako kasi, meron akong parangpalaging ginagawa kapag gumagawa ako ng remake na show. I see to it na hindi kopinapanood yung dati. Aalamin ko lang ang kuwento, kasi ayokong gumaya sa mgadating gumanap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko rin kasi na meron akong bagong interpretation, maybagong inputs ako sa character. Mas exciting lang din para sa akin ang ganoon.Kasi kapag pinanood ko, ang tendency noon, kahit papaano, baka gayahin ko. So,yun lang din ang iniiwasan ko."

FINAL TEAM-UP? Masasabi ba niyang very interesting at worth it ang ikatlongserye na pagsasamahan nila ni Marian, lalo pa nga't sinasabing this couldprobably be their last team-up for a long time?

"Dati naman kasi, akala ko rin naman, last na yung Marimar.Tapos, dumating yung Dyesebel. Kasi kumbaga, last minute, nasabi sa akin, ‘Uy,ikaw na sa Dyesebel ha!' So, ako, 'A, okey!' Sabay after Dyesebel, alam ko, walana rin. Yun talaga, alam ko, sigurado wala na. Sabay dumating ulit yungBabae...

"So dito, wala na kong expectations. Kumbaga, kung ano na langang dumating, thank you, I'm happy for it. Pero kung anuman yung suma-tutal salahat ng pinagdaanan kong yun, e, very memorable lahat ng pinagdaanan namin athighlight lahat yun sa akin," pahayag ni Dingdong.

Gaano katindi ang pressure sa kanilang dalawa ni Marianngayon, pagkatapos maging No. 1 pareho sa ratings ang Marimar at Dyesebel?

"Siguro sa pressure and expectation, palaging nandoon...kahitna noong umpisa," sabi ng aktor. "So, ang sa amin lang, i-maintain lang naminang aming dedication dito. Huwag lang kaming masyadong maging relax saperformance. I'm pretty sure that the momentum will still maintain its cliché."

Dagdag niya, "Mas magandang may pressure, e, masnatsa-challenge, mas maganda yung ganoon."

RELATIONSHIP WITH MARIAN. Aware si Dingdong na marami anggustong maniwala na more than co-actors ang relasyon nila ng ka-love team niya na siMarian. Pero sa puntong ito, hindi naman daw talaga niya masasabing co-workerlang talaga ang relasyon nilang dalawa.

Aniya, "Siyempre, hindi naman puwedeng puro workingrelationship lang. Siyempre, merong understanding yun. Ako, throughout themonth na magkasama kami, ang understanding namin sa isa't isa, e, talagangsolid. Yung respect, concern, at trust ay palaging nandoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong understanding?

"The respect, understanding, at trust..."

Walang love?

"Siyempre, gaya ng pagmamahal sa lahat ng tao, lahat ngkaibigan at espesyal na tao."

So, walang special na love na puwedeng mauwi into something?

"Alam n'yo, ang importante sa ngayon ay hindi muna namininiisip yun. Kasi ayaw muna naming bigyan ng complication ang aming samahanngayon. It's hard to say mutual if I'm the one speaking alone. Basta ako, kungano yung sinabi ko tungkol sa kanya, yun ang sa akin."

Pero puwedeng mauwi sa ganoon?

"Of course, ako, I'm not closing my door and, of course, Iwill never close my door," tahasan niyang sabi.

NO REGRETS. Tinanong ng PEP si Dingdong kung nakakaramdam ba siya ngpagsisisi sa anumang nagiging desisyon niya, like last year.

"Wala...walang-wala...wala talaga," maagap niyang sagot."Kumbaga, buong ano yun, e, buong-puso kong ginawa ang mga dapat kong gawin. Noregrets."

Looking forward daw si Dingdong sa 2009. Bukod sa bagonilang primetime series ni Marian, may naka-lineup din daw siyang pelikulanggagawin na si Direk Joyce Bernal din ang magdidirek.

"Pero ano lang yung participation ko, e, minor lang,"banggit niya. "Pero kumbaga, excited ako kasi isa ito sa mga exciting atmalalaking project ni Joyce Bernal at nandito ako, kasama ako rito."

Bagong producer daw ang magpo-produce ng movie, pero parangmainstream din daw ang dating ng pelikula, ayon pa kay Dingdong.

"Ang alam ko, more or less, before Holy Week, dapat ay okeyna siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN