FIRST READ ON PEP: Kuya Germs finally forgives Billy Crawford

IMAGE 0


"Nasorpresa talagaako sa ginawa niyang effort na ito at dahil doon, masasabi ko mahal ko pa rin siBilly at pinapatawad ko na siya. Dasal ko na hindi ito mangyari ulit sa amingdalawa o sa sinuman na malapit sa puso ko," says German "Kuya Germs" Moreno (right) about Billy Crawford (left).



Natupad na rin angmatagal nang wish ng international singer na si Billy Crawford. Ito ay angmagkaayos at magkabati na sila ng kinikilala niyang ama sa showbiz na si German"Kuya Germs" Moreno.

Naganap ang kanilangpagbabati kagabi, January 10, sa reunion ng That's Entertainment members sashow ni Kuya Germs na Walang Tulugan With The Master Showman sa Studio 5 ng GMANetwork Center.

Sinorpresa ni Billysi Kuya Germs nang bigla itong pumasok sa studio habang nagsisimula na ang tapingpara sa second part ng naturang programa. Matagal na naghintay si Billy nabigyan siya ng cue ng staff para pumasok at sorpresahin ang kanyangtatay-tatayan, na walong buwan niyang hindi nakausap.

Ang pumunta noonggabing 'yon sa show ni Kuya Germs ay ang tanging paraan ni Billypara maganap na ang kanilang pagbabati.

"It's already 2009and I really wanted to start this year right," sabi ni Billy sa PEP (PhilippineEntertainment Portal). "Sinabi ko na I will do everything para lang mapatawadako ni Kuya Germs.

"I've tried so manytimes to call him on his phone, pero hindi niya ako sinasagot. Noong nakaraangChristmas and New Year, binati ko siya via text. Pero unfortunately hindi parin niya ako sinagot.

"Nalungkot nga akonoong nakaraang birthday niya, hindi ako nakasama. Every year kasi on hisbirthday, parati akong present. So, doon ko na-feel na I need to exert moreeffort para makita ni Kuya Germs na I want to fix things with him. Siya pa rinang itinuturing kong ama dito sa showbiz and I don't want to start this year namay taong galit sa akin," saad niya.

Nagsimula angmalaking tampo ni Kuya Germs kay Billy nang biglang tanggapin ng internatonalsinger ang offer ng ABS-CBN para maging isa sa host ng Pinoy Dream AcademySeason 2. Wala raw alam si Kuya Germs sa naging desisyon na iyon niBilly dahil in constant communication naman siya rito, dahil nga meron itonggagawin dapat na dance contest sa GMA-7 sa pagbalik nito sa Pilipinas. Sincethen, ayaw nang kausapin ni Kuya Germs si Billy kahit na ilang beses na itongnagpaabot ng kanyang sorry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi nganakatanggi pa si Kuya Germs nang sorpresahin siya ni Billy. Inawitan siya niBilly ng "How Sweet It Is (To Loved By You)" at mainit siyang niyakap nito.Nauwi sa iyakan ang naturang eksena at halos hindi nakapagsalita si Kuya Germsdahil hindi niya alam na matagal na naghintay si Billy sa labas ng studio.

Inamin ni Billy namalaki ang naging kasalanan niya sa kanyang itinuturing na ama sa showbiz atsana ay mapatawad na siya nito. Sa ginawang ‘yon ni Billy ay lumambot na rinang puso ni Kuya Germs at napatawad na niya ang anak-anakan.

"Hindi naman maaalis sa akin ang magalit kayBilly dahil talaga namang nasaktan ako sa naging desisyon niya," sabi ni KuyaGerms. "Hindi lang naman ako kundi pati na ang ibang mga taong nagtiwala sakanya dito sa GMA-7. Nakahanda na kasi lahat ng mga plano para sa pagbabalikniya. Pero ginulat niya kaming lahat and naiintindihan naman ng lahat kung saannagmula ang galit ko sa batang ‘yan.

"Pero dahil saginawa niyang ito, sino ba namang ama ang tuluyang magagalit pa sa kanyanganak? Nasabi nga ni Billy na may trabaho dapat siya sa gabing ito, pero hindiniya tinanggap dahil gusto niyang pumunta dito at makipag-ayos na sa akin.

"Nasorpresa talagaako sa ginawa niyang effort na ito at dahil doon, masasabi ko mahal ko pa rin siBilly at pinapatawad ko na siya. Dasal ko na hindi ito mangyari ulit sa amingdalawa o sa sinuman na malapit sa puso ko," saad ng veteran TV host.

Nabanggit ni Billyna na-miss niya ang pag-aalaga na ginagawa ni Kuya Germs sa kanya. Parati rawsiyang pinaghahandaan ni Kuya Germs ng paborito niyang almusal, ang danggit.

"Siguro namanmapagbibigyan na ako ni Kuya Germs sa paborito kong danggit!" sabay tawa niBilly. "Na-miss ko ‘yon at si Kuya Germs lang kasi ang may alam ng mga paboritokong pagkain. I'm so happy na okay na kami. Now I can see him every day if Iwant to. Anytime na gusto niya akong kunin na guest sa Walang Tulugan, hindiako matutulog at magge-guest talaga ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Kuya Germs,ang payo lang niya kay Billy ay ipagpatuloy nito ang pagrespeto sa mganakakatanda sa kanya at iwasan nito ang may makasamaan ng loob.

"Mabait na bataitong si Billy," sabi ni Kuya Germs. "Nabantayan ko itong lumaki. Very closeako sa pamilya niya. Pero may mga pagkakataon talaga na nakakatampuhan ngmagulang ang kanilang anak. Pero nagkakapatawaran din. I'm just glad nanangyari na ito para pareho na kami ni Billy na may peace of mind at magandaang simula ng bagong taon sa aming dalawa."

Bilang ganti samagandang gesture na ginawa ni Billy, binigyan ni Kuya Germs si Billy ng goodluck money na P500. Naging tradisyon na kasi ito ni Kuya Germs na bigyan angmga dumarating na dating members ng That's Entertainment tuwing may reunionsila. Ang nasabing amount kasi ang naging unang suweldo ng mga nagsisimula saThat's Entertainment.

"Hindi kotatanggihan ang bigay na ito ni Kuya Germs. Para sa kaalaman ng lahat, Irecently lost my wallet. Pero maganda naman ang naging kapalit, I got my fatherback, and that's Kuya Germs," nakangiting sabi ni Billy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN