Artist Center talent Rich Asuncion to join Binibining Pilipinas '09

IMAGE 0


"Hinahanda ko na poang sarili ko sa anumang puwedeng mangyari. Alam ko na hindimadali ito pero panay naman ang dasal ko sa Diyos. Kung ito ang gusto Niyanggawin ko, then gagawin ko ito. Whatever happens, alam ko na nandiyan ang mgataong nagmamahal at nagtitiwala sa akin," says Rich Asuncion.



Confirmed na angplano ng GMA Artist Center na isali ang StarStruck 4 runner-up na si RichAsuncion sa Binibining Pilipinas beauty pageant ngayong taong ito.

Noon pa man aymarami na ang nagsasabi kay Rich na puwede siyang sumali sa isang beauty contest at malaki ang chance nitong manalo. Sa Bohol, kung saan nanggaling si Rich, ayitinuturing siya na isang Homecoming Queen. Ilang mga beauty contests na rin angsinalihan niya roon at madalas ay nananalo siya.

Ngayon ay mas handana siya dahil na-build up na ang confidence nito na humarap sa mas maraming tao.Nawala na raw ang hiya ni Rich nang mapasali siya sa StarStruck.

Sa huling panayam ngPEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rich tungkol sa pagsali niya sabeauty pageant, sinabi nito na kinakabahan siya dahil alam niyang mas maramingmagagandang mga babae sa kanya na sasali. Pero gagawin daw niya ang makakayaniya para maging proud sa kanya ang mga taong sumusuporta at nagbibigay ng tiwalasa kanya.

"Hinahanda ko na poang sarili ko sa anumang puwedeng mangyari," sabi ni Rich. "Alam ko na hindimadali ito pero panay naman ang dasal ko sa Diyos. Kung ito ang gusto Niyanggawin ko, then gagawin ko ito. Whatever happens, alam ko na nandiyan ang mgataong nagmamahal at nagtitiwala sa akin."

Bukod sa mala-DawnZulueta na ganda, marunong sumayaw at kumanta si Rich. Sa TV ay parati siyangnapapanood every Sunday sa SOP at napanood din siya sa Lalola bilang isa sa mganaging kaibigan ni Rhian Ramos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN