KC Concepcion on her parents' reconciliation:"I really exerted effort para maging friends talaga sila ulit."

IMAGE 0


"Okey naman talaga sila, but I really exerted effortpara maging friends talaga sila ulit. Yung magingmaganda at maayos pa rin ang tratuhan. Kasi ako ang talagang magiging masayakung ganoon, kahit alam kong may kanya-kanya na silang buhay, at imposiblengmagkabalikan na sila," says KC Concepcion about her famous parents, Sharon Cuneta and Gabby Concepcion.



Halos wala pang isang taon ang pagitan ng una at ikalawangpagtatambal sa pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion. Ito ay maykaugnayan kasi sa deal ng bawat kampo sa Star Cinema at ABS-CBN para sa naunangpelikula na For the First Time, at ito ngang para sa Regal Entertainment at GMA Films, angmalapit nang itanghal na When I Met You.

Bihirang mangyari ang ganitong merging sa pagitan ng dalawang malaking film outfits at sa ngayon, malabo ring maulit ito, na dalawang malaking artista ng magkaribal na TV networks ay magsasama sa isang pelikula.

Sa press conference na ginanap noong January 10 saImperial Palace Suites, kapansin-pansin na both media people identified withABS-CBN and GMA-7 were gathered together in full support for the secondRichard-KC team-up, gaya rin ng nangyari noon sa Star Cinema.

"This could have not been possible without ourmanagers," sabi ni KC. "Mahirap ang kanilang ginawang pakikipag-usap.With me are Tita Shirley Kuan and Tita Sandra Chavez, and for Richard, there'sTita Annabelle [Rama, Richard's mom]. Thankful kami ni Richard sa kanila dahilhindi nila kami pinabayaan, from Star Cinema to Regal-GMA.

"It's true, matatagalan bago kami magsama uli niRichard sa pelikula. This would not be the end. But we're very sure, it willtake a year or two bago kami magsama uli. Masaya kami ni Richard dahilna-accomplish namin ang isang bagay na parang imposible, dahil may kanya-kanyakaming bahay, di ba? Kapamilya ako, Kapuso si Richard. Pero, possible pala.

"I'm very happy 'cause they welcomed me with open arms.The GMA people made me feel at home and comfortable, at wala akong masabi saspecial treatment na ibinibigay sa akin, hanggang ngayon na nagsu-shoot pa rinkami at inihahabol ang movie for a Valentine playdate," saad ni KC.

CHANGE OF DIRECTORS. Nauna nang napabalitang si Jose JavierReyes ang sumulat ng script at magdidirek sana ng pelikula. Pero nag-beg offito for some reasons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naintindihan ko naman siya," sabi ni KC."Nagkita kami sa birthday concert ng mommy ko [Sharon Cuneta] sa AranetaColiseum, at doon, nilinaw niya sa akin na labas kami nina Richard sa desisyonniyang tanggihan ang pagdidirek sa movie.

"I felt bad noong una, kasi wish namin talaga niRichard na makatrabaho si Direk Joey. Pero blessing din naman na si Direk JoelLamangan na ang nag-handle, 'cause thankful kami kay Direk Joel. Hinarap niyayung responsibilities, at matatapos naman namin ang pelikula sa target date. Sofar, maayos at tuluy-tuloy ang shooting. Hahabol kami sa playdate."

Kung anuman ang mga rason ni Direk Joey, they are allprofessional reasons between him and the GMA Films people. Ito rin naman angkinaklaro ng direktor.

Ani KC, "I'mlooking forward to that day na magkatrabaho kami ni Direk Joey, kasi isa siyasa close friends ng mommy ko. Kaibigan siya ng family namin, just like DirekJoel. Familiar na ako sa kanya, kasi lagi siyang katrabaho ng mommy ko.

"Pero kung hindi pa puwede ngayon, I'm sure sa ibangpagkakataon. So far, happy kami ni Richard sa pakikipagtrabaho kay Direk Joel.I was warned nga by Richard na very particular sa time si Direk Joel. Ayaw niyang may nale-late. Ayaw niya ng delays.

"Kabado ako noong una, pero habang tumatagal, nagingcomfortable na ako. Aside from Richard, Direk Joel makes me feel good. Hindinaman niya kailangang gawin, but he's pleasant to work with. Very particularlang talaga siya sa discipline and professionalism, which is what I like,too," patuloy ni KC.

THE NEXT 'SHARON-GABBY'? Ang feeling ni KC, swak lahat ngmagagandang nagaganap sa buhay niya ngayon. Marami na ang nag-aabang sa When I Met You, na maari raw ihanay sa tambalan ng magulang niya na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although, they are my parents, mahirap na bastai-compare yung napatunayan nila sa ginagawa namin ngayon ni Richard," sabini KC. "Noong time nila, my gosh, alam kong they were being tagged as theKing and Queen! Hanggang ngayon naman, ganoon pa rin ang treatment sa kanila ngmarami sa industry.

"Kaya ako ang medyo nahihiya kapag naku-compare pa kamidahil marami pa kaming dapat patunayan para masabing narating namin kahitkatiting man lang ng na-achieve ng love team ng parents ko. I'm very much awareof that," dugtong pa ni KC.

Masaya si KC dahil maayos na ang lahat sa pagitan ninaSharon at Gabby. Sa nakaraang birthday concert ni Mega sa Big Dome, may VTRgreeting sa kanya si Gabby. Isa itong hudyat na okey na talaga ang parents niKC.

"Okey naman talaga sila, but I really exerted effortpara maging friends talaga sila ulit," sabi ni KC. "Yung magingmaganda at maayos pa rin ang tratuhan. Kasi ako ang talagang magiging masayakung ganoon, kahit alam kong may kanya-kanya na silang buhay, at imposiblengmagkabalikan na sila.

"Alam ni Richard 'yan. Lagi kong nasasabi 'yan sa kanya,and he always tells me, maaayos din ang lahat in due time. Palagay ko, ito nanga ang pagkakataon na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN