Sunshine Dizon staunchly defends her friend Katrina Halili

IMAGE 0


"Babae si Kat. Ang mga babae dapat nirerespeto. Sabi ko nga sa kanya,dapat iniiwasan ang mga ganoong klase ng tao. Hindi dapat maging malapit doon," says Sunshine Dizon (right) about Katrina Halili's (left) involvement in the breakup of Dra. Vicki Belo and Hayden Kho.



Nasa birthday party ni Katrina Halili si Sunshine Dizon lastSunday, January 11, sa Barrakz Bar sa Tomas Morato, Quezon City. Bigay ito ngNMI division ng iGMA.tv sa kontrobersiyal na StarStruck 1 Avenger. Proud siSunshine na ipakita ang kanyang sticker tag sa blouse niyang ‘I'm a Friend ofKat.'

Biro ni Sunshine kay Katrina, "Ako lang yata ang nag-iisangfriend niya sa showbiz kaya ako lang ang nandito!" sabay tawa.

Hindi namin matandaan kung saan nagkasama ang dalawa at siSunshine na rin ang nagpaalala sa amin.

"Sa Sundo [ng GMA Films starring Robin Padilla]," aniya. "Akalako noon sa babaeng ito, tahimik lang. Hindi pala. Kaya kami nagkasundo. Love koito. Baby sister ko nga ito mula noon."

Magkasabay na nag-guest noong hapon na yun sa ShowbizCentral, hindi nagdalawang-salita si Katrina kay Sunshine nang niyaya nito sabirthday party na ibinigay ng NMI sa kanya. Nakisaya na rin si Sunshine sa mgaactivities.

WOMAN POWER. Pumayag din siyang magpa-interview sa camera crew na nandoonat humingi ng kanyang opinyon sa pagkakasangkot ni Katrina sa issuenina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.

"I felt bad dahil sa mga taong gumawa noon sa kanya," sabini Sunshine. "Babae si Kat. Ang mga babae dapat nirerespeto. Sabi ko nga sa kanya,dapat iniiwasan ang mga ganoong klase ng tao. Hindi dapat maging malapit doon."

Habang nagbibigay siya ng kanyang pananaw, hindi niyabinabanggit ang pangalan ni Hayden.

"Pero nandoon na yun, magpakatatag na lang siya. Career nalang muna, tulad ko," pahabol ng aktres.

BACK TO WORK. Sinabay na rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angpagtanong kay Sunshine tungkol sa kanyang next project sa GMA-7, ang All AboutEve.

"Oo, kailangan ko na ring magtrabaho. May binabayaran akongbagong bahay, tapos na rin ang pahinga ko," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Wala pa raw definite schedule kung kailan silamagsisimula, pero naka-set na ang kanilang story conference. Ayon kay Sunshine,ipinapasulat na rin daw ang pilot script nito, so, malamang makakapagsimula narin sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN