Ronnie Liang's love life takes a backseat to his career

IMAGE 0


Singer-actor Ronnie Liang will celebrate his 24th birthday on January 31 by visiting two charity institutions. "Marami pong blessings sa akin kaya ako naman angmagbibigay,"he says.



Sa unang batch ng Pinoy Dream Academy, si Ronnie Liang angpinaka-visible sa kanilang lahat.

"Siguro po kasi, may soap ako. Ang [I Love] Betty La Fea,tapos napapanood pa sa ASAP," paliwanag agad ni Ronnie sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa merienda cena na ibinigay niya kahapon, January 13, saisang restaurant sa Timog Ave., Quezon City.

Unang regular acting job ni Ronnie ang pagkakasali niya sasoap ni Bea Alonzo bilang si Enrique, ang pinakamabait na empleyado ng EcoModa.

"'God bless you' na nga ang unang sinasabi sa akin ng mga taosa daan, kasi ito ang madalas kong sinasabi sa Betty. Ako kasi palagi angtaga-awat sa gulo sa office. Palagi kong sinasabi ‘Sister, brother, God blessyou na lang," kuwento ni Ronnie.

Hanggang March pa ang itatakbo ng Betty La Fea o full threeseasons para raw masulit ang ibinayad sa rights nito, na ayon sa mga tagaABS-CBN ay ang pinakamahal na rights na binili ng Kapamilya network; mas mahalpa sa Pinoy Dream Academy, Pinoy Big Brother, at Pinoy Fear Factor.

Ayaw pang magsalita ni Ronnie kung may kasunod na siyangproject pagkatapos ng Betty La Fea, pero may isang hindi pa puwedeng sabihingproject ang kinukunsidera siya.

Dapat sana, pagkatapos ng Betty La Fea, magtutuluy-tuloy nanaman ang out of the country shows ni Ronnie ngunit kailangan nilang hintayinmuna kung papasok sila sa nasabing bagong soap. Ganunpaman, may naka-schedulena ring Bahrain (February) at Hong Kong (March).

CHARITY WORK ON HIS BIRTHDAY. Sa January 31, 24 years old na siRonnie. For the past three years, isang birthday concert palagi ang ibinibigayng kanyang manager na si George Roca, at siya na rin para sa kanyang mga fans.Ngayong taon na ito, charity work ang gagawin ni Ronnie.

"Sa birthday ko po, may bibisitahin akong dalawanginstitutions sa may Quezon City, magkatabi ito. Isa para sa mga abandonedchildren at yung isa para sa mga aged parents na iniwanan ng mga anak. Doon po ako ng tanghali, magbibigay ng show, taposmagbibigay ng gamot at donation. Mas kailangan kasi nila ang pera doon," sabini Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ito ang unang beses na nagkawanggawa si Ronnie. Dati,sa isang episode ng The Correspondents ng ABS-CBN, kung saan tinalakay rin angmga abandoned parents sa Tondo at Laguna, gumawa ng paraan si Ronnie paramakatulong sa kanila.

"Marami pong blessings sa akin kaya ako naman angmagbibigay," aniya.

Patuloy niya, "Ngayong taon dinna ito ang una kong birthday sa bahay naming ipinagawa sa Pampanga. Nakakatuwanga, noong Paskong yun din ang unang Christmas namin ng pamilya ko doon.

"Natatandaan ng kuya ko, noong 2007 New Year, nagpaputokkami sa paligid nung lote namin, pero talahib pa lang noon. Noong New Year,nagpaputok ulit kami, pero may bahay na," pag-alaala ni Ronnie.

SECOND ALBUM. Naghahanda na rin si Ronnie ng kanyang secondalbum mula sa Universal Records. Akala nila ng kanyang manager, hindi na silaire-renew ng Universal dahil nag-expire ito noong end of 2008. Dapat daw, Decemberpa lang, na-renew na ito kasi one month ang ibinibigay na notice ng recordingcompany kung ire-renew nila ang talent o hindi na.

Ngayon buwan pa lang sila nag-renew. Nag-gold ang unangalbum ni Ronnie at na-repackage ito ng kung ilang beses. Number one ngayon angkanyang huling single, "Iingatan Ka,"mula sa nasabing album, Ang Aking Awitin.

Mula ito sa album ni Kris Aquino para sa kanyang inang siformer President Cory Aquino, at idinagdag din sa album ni Ronnie noong hulingrepackage. Masayang ibinalita ng Universal sa kanila na number one ito sa ilangradio stations, kasama na ang WRR at YES FM.

Ang huling tanong namin kay Ronnie ay kung kailan namansiya magkakaroon ng love life.

"Darating po tayo diyan, career muna ngayon," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN