EB Babes member Lian Paz says she did not steal Paolo Contis from Isabel Oli

IMAGE 0


""Hindi naman masasabi ng taong inagaw ko. Kasi, unang-una, kahitgusto ng isang babae ang isang lalaki, kung ayaw talaga niya, hindi talaga. Kungtalagang mahalaga sa kanya kung ano ang meron siya, siyempre mag-i-stick siyarun, di ba?" argues Lian Paz about impression that she stole Paolo Contis from Isabel Oli.



Nagkataong nasa taping din ng Bubble Gang ang EB Babesmember na si Lian Paz nang sadyain ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siPaolo Contis noong Lunes, January 12. Hindi guest si Lian that time, peronandoon siya sa GMA Network Studios dahil dinalaw nito si Paolo.

Narinig lahat ni Lian ang mga naging pahayag ni Paolo nangmakausap ng PEP about the status of their relationship at ang magagandangsalita na binitawan nito para sa bagong lady love. (CLICK HERE to read relatedarticle.)

Sa lahat ng ito, ano pa ba ang mararamdaman ni Lian kundiang ma-flatter at magpasalamat sa ipinapakitang pagmamahal sa kanya ni Paolo.

"Iba pala ang pakiramdam kapag alam mo na ang ibinigay sa‘yo ni God. Feeling mo, siya na nga ang para sa ‘yo, iba talaga sa lahat. Mararamdamanmo talaga na sa wakas, ganun," saad ni Lian.

Very much okay rin daw si Paolo sa buong pamilya niya.

"Oo... Okay, nagulat nga ako kasi noong tumuntong siya ngfirst time sa house namin, yung daddy ko kasi, masungit talaga ‘yan sa lahat nglalaking tumutuntong sa bahay namin. Kahit sa boyfriend ko na talaga, matagalbago mo mapagbigyan ng amor ang daddy ko.

"E, siya [Paolo], nagtaka talaga ako, ang bait sa kanya ngdad ko. Parang, ‘Ha? Wait lang, iba na ‘to!' Tapos yung mommy ko, sobrang baitdin sa kanya. Lalo na kapag naghihintay siya sa akin sa sala dahil ang tagalkong magbihis, silang dalawa ang nagkukuwentuhan."

THE THIRD PARTY? Alam ni Lian na kakambal ng kung anumang meron sila ni Paolongayon ay ang impression naman ng iba na tipong inagaw niya si Paolo kay IsabelOli o siya ang naging third party sa breakup ng dalawa.

Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi ko po alam...hindi naman po talaga, e," nakangitiniyang sabi. "Hindi naman masasabi ng taong inagaw ko. Kasi, unang-una, kahitgusto ng isang babae ang isang lalaki, kung ayaw talaga niya, hindi talaga. Kungtalagang mahalaga sa kanya kung ano ang meron siya, siyempre mag-i-stick siyarun, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya siguro ganoon ang nagiging impression sa akin, kasi palagiakong nali-link. Dati rin nung kay Mark [Herras, Lian's ex-boyfriend]. Pero angtotoo, ang tagal na nilang [Paolo and Isabel] hiwalay. Kasi alam ng public na matagal na sila, e. Tapos,malalaman na merong bago. So, talagang iisipin ng mga tao, ‘Ay, inagaw nga!' Perohindi naman. Talagang ganoon. Kapag dumating, dumating."

Sa tingin ni Lian, si Paolo na kaya ang lalake para sa kanya?Kung yayain siyang pakasal, pakakasalan na niya ang aktor?

"Alam niya ang sagot dun! Basta, alam na niya yun," natatatawaniyang sabi.

BEST QUALITIES OF PAOLO. Ang humor raw ni Paolo ang isa sa dahilan kung bakitana-attract si Lian kay Paolo.

"Bukod sa palagi niya akong pinapatawa, sobrang grabe siyangmaging protective sa akin sa lahat ng bagay," sabi ni Lian. "Actually, parangkapag kasama ko siya, wala akong masamang iisipin kasi nandiyan lang siya satabi ko.

"Marami kaming napag-uusapan. Wala kaming dull momentstogether. At sa family ko, gustong-gusto ko kung paano niya i-treat ang familyko, ang parents ko. Marespeto, sobra!"

Dagdag niya, "Minsan, gustung-gusto ko siya kapaghindi ko maintindihan ang ugali niya. Yung pagka-moody niya. Deep inside, hindimo alam pero sweet ang attack. Hindi mo rin ine-expect sa kanya likenapaka-down-to-earth niyang tao. Iniisip ng iba mayabang siya, pero hindi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN