Mike Tan dismisses rumors about his moving to another network

IMAGE 0


"Hindi totoonglilipat ako, takot ko lang! Natatawa ako kasi ang mgasupporters ko ang mismong nagtuturo sa akin ng mga site kung saan itonakasulat, tapos tinatanong nila ako kung totoo. Hindi po talaga. Angikinatutuwa ko lang, at least kahit tsismis, parang interesado sila sa akin," says Mike Tan about rumors that he will move to ABS-CBN.



Matagal nangwalang regular show si Mike Tan sa GMA-7. Busy kasi siya sa kanyang firstfull-length stage acting sa Kutsilyo, Pamaypay at Yantok na ginawa ng Tanghalang Pilipino in cooperation withGMA Artist Center. Tatlong araw ito ipinalabassimula noong January 14, at tatagal hanggang ngayong gabi, January 16. Bawa'taraw ay may dalawang shows, 3 p.m. at 8 p.m.

Silang dalawani Ryza Cenon ang tanging GMA Artist Center stars sa show at hindi silapinagsasama sa isang production. Noong nanood kami ng 3 p.m. matinee ng Huwebes, January 15, si Mikeang nasa play, sa second part ng kuwento na "Kabanata X" tungkol kina Elias atSalome. Si Ryza ang gaganap na Salome sa pang-alas otsong show.

Dapat sana'ytatlong StarStruck Ultimate Male Survivors ang lalabas sa show. Ang yumaongaktor na si Marky Cielo sana ang gaganap na Crisostomo Ibarra sa unang bahagina "Ang Balutan ng Gamot at Pagkain" at si Mark Herras naman ang gaganap naPedring, na asawa ni Sisa, sa pangatlong yugto na "Ang Nazarena."

Bagama'tnakapag-reading at blocking na rin noon sina Marky at Mark, biglaan angpagkamatay ni Marky kung kaya't pinalitan siya. Si Mark naman, nagsunud-sunodang trabaho sa GMA-7 kung kaya't si Mike na lang ang nagpatuloy.

Ikinuwento ni Mike sa amin na talagang pinag-ubusan niya ng panahonang dula dahil na-challenge siya sa stage acting.

Sa pagigingsalat ni Mike sa TV, sumabay naman ang tsismis na lilipat na rawsiya sa ABS-CBN. Sa ilan pang websites at blog sites, tahasan na ngangpinapangalanan si Mike na makakasama raw sa dalawang upcoming ABS-CBN shows; isangsoap na pagsasamahan nina Maricel Soriano at Cesar Montano at ang isa naman,wish list si Mike na mapasama sa Pinoy version ng Meteor Garden.

Ilang manunulatna rin ang nagtatanong sa amin kung totoo raw ito dahil napag-uusapan sa mgaumpukan. Kung kaya't kahit alam naming walang katotohanan ito, tinanong na rinnamin si Mike para sa kanya na manggaling ang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano ba ‘yan,bakit ang daming ganyang balita?" sabi sa amin ni Mike noong una namin siyangtinanong.

"Hindi totoonglilipat ako, takot ko lang!" sabay tawa niya. "Natatawa ako kasi ang mgasupporters ko ang mismong nagtuturo sa akin ng mga site kung saan itonakasulat, tapos tinatanong nila ako kung totoo. Hindi po talaga. Angikinatutuwa ko lang, at least kahit tsismis, parang interesado sila sa akin."

Tinanong dinnamin si Mike pagkatapos ng kanyang performance sa stage play kung may offer sakanya ang ABS-CBN or may nag-feeler na.

"Wala potalaga," sagot niya. "Walang nagtatanong sa akin, walang nagpaparamdam. Hinditalaga totoo ‘yan."

Huling tanongnamin, kung sakaling mag-offer nga, iku-consider niya ba?

"Baka hindi po. Maghihintayna lang ako ng trabaho dito [GMA-7]," sagot niya sa amin bago siya hinatak ngmga seminarista na nanoood ng play para magpa-picture taking sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN