Carmina Villaroel and Zoren Legaspi willing to work with Rustom Padilla

IMAGE 0


When asked if they want to have another baby after their twins Mavyand Cassy, Zoren Legaspi and Carmina Villaroel answered "yes." Not only that, they want another pair of twins.



Humahatawang pamilya nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa mga commercialsat product endosements. Sunud-sunod nga ang dumarating na projects hindi langsa kanila bilang mag-asawa, kundi bilang isang pamilya, kasama ang kanilangkambal na sina Maverick at Cassandra.

Anglatest endorsement nga na tampok ang Villaroel-Legaspi family ay angenvironment-friendly na SM Supermalls Green Bags. Ang mga multi-purpose bags na ito ay reusableat available in four exclusive and collectible designs byrenowned visual artist Manuel Baldemor. The designs represent Graces from theAir, Graces from the Land, Graces from the Sea, and Spritual Light and SupremeEnergy. At ang piso sa bawatmababentang green bag ay mapupunta sa isang institution na advocate ng betterenvironment.

Salaunching ng Green Bags sa Atrium ng SM Mall of Asia kahapon, January 16,na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Carmina at Zoren.Hindi nila kasama ang kanilang kambal sa naturang launchdahil nasa school pa ang mga ito.

Masaya si Carmina na nabigyan ang kanyang pamilya ng pagkakataong makibahagi sa paghahatid ng mensahe sa publiko tungkol sa pangangalaga ngkalikasan.

"Kasingayon we have to save our Mother Earth. Ngayon kasi nararamdaman na natin yungepekto, kumbaga napapabayaan na natin kasi yung kalikasan, e, for the past howmany years. Kumbaga it's about time," aniCarmina.

"Ngayonkasi nararamdaman na natin yung epekto ng global warming, e," dagdag naman niZoren. "Basta we are honored to be a part of this campaign...Actually, coincidence nga kasi we are starting to teach ourkids to become nature lovers. We are about to go on camping or plant trees.Eksakto lang na dumating yung ganitong project, so thankful kami sa SM atUnilever na we are the lucky family to be chosen na mag-participate sa kanilangprograma."

Nagmistulanamang mga fan sina Carmina at Zoren nang personal silang magpa-autograph ngkanilang Green Bag sa visual artist na si Manuel Baldemor. Kitang-kita angkasiyahan nila matapos makapagpa-autograph. Kilala sa iba't ibang panig ngmundo si Manny Baldermor at hindi biro ang mga presyo ng mga gawa nito mula samga simpleng sketches hanggang malalaking murals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga,e. Meron na kaming signature ni Mr. Baldemor. Ang sarap ng feeling. Paratalagang isang fan na nagpa-autograph sa isang sikat at magaling na artist namaganda rin yung hangarin niya," excited na kuwento ni Carmina. "Ang sarap ng feeling kasi, nakatabi namin siya ‘tapos napakabaitniya. Parang nagkataon din na apat yungpaintings ni Baldemor, four yung designs sa Green Bags, tapos apat din kami,parang ang cute lang. Maganda rin kasi sa batang edad ng mga anak namin,nae-expose na sila sa kalikasan natin. Kasi sa school nila pinag-aaralan na rinyung ganyan."

Dagdag ni Zoren, "Dapatkasi as parents, nasa atin na yung responsibility, dapat they know what to do.Unlike some other guys na... di ba may kasabihan nga tayo na, the old dog can'tlearn a new trick. Minsan matitigas na yung ulo, e. Bawal umihi, dun talagaiihi, di ba? So, dapat yung mga bata ma-train na."

EDUCATING THE KIDS. Ano ang reaction nina Mavy atCassy na naging part sila ng project na ito?

"Natutuwasila," ani Carmina. "Kasi even before pa this project kami na yung nagtuturo sakanila. At saka pinag-aaralan na nga nila yung how to take care yung kalikasan,pati yung mga endangered species, yung mga ganun. So, alam na nila more or lesskung paano i-save yung environment."

Ikinuwentorin ni Carmina ang family bonding moments nila na masasabingenvironment-friendly.

"Kasikami hindi naman kami yung masyadong... halika mag-out of the countrytayo. Simple lang kami. Kahit nga lang doon sa garden namin, nandun lang kami.Yun kapag may mga butterflies. Yung may mga ganyan, may mga flowers... aboutnature."

Kuwentonaman ni Zoren, "Yung Cassy, mahirap kasing gisingin yun. So, ang gimik kokapag ginigising ko, pinapakausap ko sa kanya yung mga flowers. Sinasabi komamamatay yung flowers kapag hindi mo kinausap. ‘Tapos, tinuturuan ko silangmagdilig ng halaman. Dapat yung education din kasi must come from the parents,e. Dapat marunong ding mag-educate sa mga bata yung mga magulang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang bida naman ni Carmina tungkol sa kanyang twins, "At saka they are really interested. Hindikatulad ng iba. Minsan kinakausap nila yung plants, ‘Hoy, dapat malago ka,'ganun. Parang nakakatuwa lang. Minsan sa mga animals, alam din nila kung paanomag-alaga. Minsan kulang na lang pati mga pusa sa daan kuhanin na nila. Yung they'revery caring sila, hindi lang sa mga hala-halaman kundi pati nga sa mga animalsdin. We're so lucky, because they are smart kids. Hindi minsan may napapanoodlang tayo na may nananakit ng animals. Sasabihin nila, ‘How come they are doingthat?' Yung ganyan, they really get affected."

Talaganglumalapit ang endorsements sa pamilya nina Carmina at Zoren. Tanggap ng lahat ang magandang image nila bilang isang modelong pamilya. Paanonga ba nila pinananatili ang magandang imahe nila bilang pamilya at ang magandanilang relasyon sa isa't isa?

"Unang-unasa lahat gusto naming sabihin na wala naman kaming pretensions, e," sagot niCarmina. "'O, dapat ito ang gawin natin para magkaroon tayo ng endorsements.'Ever since naman kahit noong hiwalay pa kami [Zoren]... noong single pakami pareho, as an artista ever since naman hindi naman kami mga gimikero atgimikera. Parang what you see is what you get. Kung ganito yung nakikitan'yo sa screen sa mga commercials namin, ganun talaga kami.

"Thereare times na we can say we are not perfect. There are times na may bickeringskami... nagtatalo kami. Yung sinasabi namin na we don't fight, totoo yun na wedon't fight. We argue, yes. Of course, hindi naman parati na pareho kami ngopinyon. Magkaiba ang opinions namin minsan, but we don't fight. Parang, ‘a,bahala ka sa buhay mo!' walang ganun-ganun. Ang pinakaimportante sa akin, ofcourse, dapat merong love... from love yung respect mo for each other at sakayung trust."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOP CELEBRITY-FAMILY ENDORSERS. Ang pamilya na nga raw nila angsinasabing leading celebrity family endorser.

"Parangnakaka-tense naman," komento ni Carmina.

Paliwanagni Zoren, "Actually kung yun ang pag-uusapan, hindi mabigat sa aming dalhinyun. Kasi una talaga, we are proud to say na katulad ng sabi ni Carmina, naganun kami talaga sa nakikita n'yo. Ibig sabihin, being endorsers... kasi tawagnila sa kambal, yun ang top endorsers na bata, e. For them they don't knowthat. Hindi lang nila alam na endorsers sila. They don't know that dahil siguroang treatment namin sa kanila, hindi katulad ng ibang magulang na talagangpinipilit na, sige mag-artista ka... heto ang gawin mo."

"Anghirap din naman kasing pilitin ng mga bata, e," sabi pa ni Carmina. "Kasitayo... hindi naman kami pinilit ng mga magulang namin na mag-artista talaga.Ang iniisip nila [Mavy and Cassy] kasi nagpa-family bonding kami. Kasi wemake sure, even if they are working, nag-e-enjoy pa rin sila. Kasi sa amin yungtime spent with them really, really counts. So, ako bilang working mom, ‘pagpag-uusapan yung quantity versus quality, I make sure to give quality time forthem. So, kahit na gagawa kami ng commercial, nagba-bonding kami." (click here to watch video of this interview)

May planona bang dagdagan ang kambal?

"Dagdagan?Nagpa-practice na nga ako, e," biro ni Zoren, "Kasi gusto ko kambal ulit, e."

Singit namanni Carmina, "Ako din, ako din. Kung halimbawa magiging kambal nga... okay gawinna, now na."

"Mamaya,ha," lambing bigla ni Zoren kay Carmina na biglang naging speechless. Tawanantuloy ang kasunod. (click here to watch the video of this interview.)

WEDDING TALKS. Kailan kaya mangyayari ang big wedding, napapag-uusapanna ba?

Kunggaano kabilis sumagot si Carmina noong una, ngayon ay medyo nauutal siya,"A...a.. actually, parang hindi naman, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Singit niZoren, "Hindi, ire-reveal din namin sa inyo yung sikreto tungkol sa wedding na'yan."

"Ano daw?Parang pati ako nagulat," ani Carmina.

Possiblena this year na ba?

"Tapos nanga yata, e," makahulugang sagot ni Zoren. "Sikreto lang kasi."

"Nakakalokanaman yan," parang nagtatakang sabi ni Carmina sa tinuran ng asawa.

NO QUARREL WITH RUSTOM. Samantala, hindi rin pinaligtasng PEP si Carmina sa pagtatanong tungkol sa kanyang ex-husband na si RustomPadilla pagkatapos nitong lumantad bilang gay. Ngayon gusto naman nitongkilalanin bilang isang babae. Ang bago nga raw pangalan niya ay "BB" as in Binibini.Ano ang reaksyon ni Carmina dito?

"Wala.You know, wala akong masasabi."

Sincenagdidirek na rin si Zoren, gusto rin daw ni Rustom na maidirek siya nito. Okeylang ba kay Zoren na idirek si Rustom a.k.a. BB?

"Actually,may gagawin nga akong project, e. Baka tawagan ko siya," wika ni Zoren. "Well,wala namang masama... there's no quarrel naman with the three of us."

Pahabolpa ni Carmina, "That's why siguro I have nothing to say against him, nothingbad. Kaya nga kapag hinihingan n'yo ako ng comment. Wala talaga. Kasi nga Idon't have any ill feelings towards him."

Willing ba siyang makatrabahosi Rustom sa isang project?

"Sa isangproject... why not, di ba? Ang bottom line kasi dito katulad ng sinabi ko,hindi kami magkakaaway. We have moved on. Kung anuman yung nangyayari sa buhayniya as long as he is happy, then go. Wala naman siyang sinasaktan na tao."

Nagpaabotpa ng pagbati si Zoren kay Rustom bago tinapos ang interview, "Hi, Bebe!"

To watch the video of Zoren and Carmina's comments and greeting on Bebe, visit PEParazzi or click here .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN