Lian Paz reveals engagement with Paolo Contis

IMAGE 0


"Salamat sa lahat ng pagprotekta mo sa akin, sa pag-aalaga mo. Sa pagpaparamdam mo sa akin kung gaano ako kaimportante, sa kung anong nakikita mo na hindi nakikita ng ibang tao sa akin. Thank you, I love you," says EB Babes member Lian Paz to her fiancé, Paolo Contis.


Ang EB Babes member na si Lian Paz ang sumalang sa bagong segment ng Showbiz Central na "Intriga Crossfire" kahapon, January 18. Pinalibutan ang bagong girlfriend ni Paolo Contis ng limang hosts ng Showbiz Central na sina Pia Guanio, Raymond Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Mo Twister, at John "Sweet" Lapus. Bawat isa'y nagbato ng tanong sa kanya.

RAYMOND: Based on what you see and what you've heard, how will you describe Isabel Oli (Paolo's ex-girlfriend) in three words?

LIAN: Shocks ako run, a! Hahaha! She's pretty, tahimik siya and very mahinhin.

MO TWISTER: Ano ba ang mga trait ni Paolo na wala kay Mark (Herras, Lian's ex-boyfriend) na gusto mo?

LIAN: Trait or should I say traits? Pagiging tunay na lalaki.

RUFA MAE: Paano nagkakilala sina Lian at Paolo. Sino ang unang lumapit?

LIAN: It started noong... Actually, hindi po sinasadya. Naaksidente ako sa may Boni Serrano, then I texted kuya Gorgy Rula or called him yata. Tapos na-missent yata si Kuya Gorgy sa kanya (Paolo) na, ‘Magpadala kayo ng tao run, si Lian nabangga.' Sa News yata niya ise-sent, na-sent kay Paolo. Tapos, yun...tinulungan niya ako. Yun lang.

SWEET: Sa palagay mo ba mas magaganda ang EB Babes kesa sa mga SexBomb?

LIAN: Well, everyone has different beauties. Magkakaibang ganda naman ang mga tao. So, hindi natin dapat husgahan ang ganda ng bawat isa.

PIA: Ano ang reaction mo na may mga taong nagtuturong ikaw ang dahilan kung bakit nag-break sina Paolo at Isabel?

LIAN: I was so depressed, sad...yun ang lumalabas na isyu. Na hindi naman dapat na manghusga sila at yun agad ang ibigay nilang dahilan. Of course, that's their perception and that's their opinion and I respect that.

RAYMOND: Sa ilang weeks na ninyo ni Paolo, what has been his most treasured gift?

LIAN: (showing the ring on her finger) This ring!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RAYMOND: Is that a diamond ring?

LIAN: It is!

RUFA MAE: Nang ibigay ni Paolo ang ring, anong linya o anong dahilan ang sinabi nito?

LIAN: Honestly, ‘Marry me Babes.'

SWEET: Ano ang naging sagot niya sa tanong ni Paolo?

LIAN: Wait lang...aapela muna ako! Bago yung answer ko, kasi kaya niya ibinigay ‘to was to prove that he's really serious about the two of us. So, I said, yes.

PIA: Ano ang naging reaction mo na "lie" ang lumabas sa sagot ni Paolo sa "Don't Lie To Me" segment na ikaw na ang huling babae sa buhay niya?

LIAN: Actually, break na kami! Isosoli ko na yung singsing! Well, I'm not disappointed, he has a lifetime to prove it."

RAYMOND: Alam ng lahat na sa EB Babes, ang pangalan mo ang pinakamaingay ngayon. Would you consider going solo?

LIAN: If given the opportunity, why not? Sure, I will.

RAYMOND: You're willing to leave behind your group to have a solo career?

LIAN: We'll see... I love them but, siyempre, mas masarap na magkaroon din ng sariling trabaho, mas maraming work.

MO: Have you announced this engagement to you family and friends, or first time lang na nalaman ng lahat sa Showbiz Central?

LIAN: Yeah, it is the first time.

RUFA MAE: Pinag-usapan n'yo na ba ang kasal?

LIAN: Hindi pa.

RUFA MAE: Na-meet mo na ba ang parents ni Paolo?

LIAN: Actually, hindi pa po.

SWEET: Hindi mo pa nami-meet, pero engaged na kayo?

SWEET: Actually, na-bother ako kanina sa sagot mo kanina na comparison with Mark Herras. Alam namin na very close at magkabarkada si Mark na ex mo at si Paolo na boyfriend mo ngayon. Lumabas na ba kayo together? Ano ang pakiramdam nun?

LIAN: Hindi pa, pero sila, nag-iinuman pa sila. Magkasama pa sila. They are okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Lian sa mommy at daddy niya at pati na rin kay Paolo.

"Mommy, Daddy... Siyempre kung saan naman ako masaya, alam ko naman na masaya rin sila para sa akin, e. Pero don't worry pala, hindi pa ngayon, matagal pa.

To Paolo: "Babes, thank you for being here lagi for me. Salamat sa lahat ng pagprotekta mo sa akin, sa pag-aalaga mo. Sa pagpaparamdam mo sa akin kung gaano ako kaimportante, sa kung anong nakikita mo na hindi nakikita ng ibang tao sa akin. Thank you, I love you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN