Paolo Contis says Lian Paz is the last woman in his life

IMAGE 0


Actor Paolo Contis took the hot seat in Showbiz Central's "Don't Lie To Me" segment yesterday, January 18.


Naging interesting ang Showbiz Central kahapon, January 18, dahil sumalang ang magkasintahan na sina Paolo Contis at Lian Paz sa dalawang magkahiwalay na segments ng showbiz-oriented talk show ng GMA-7; si Paolo sa "Don't Lie To Me" at si Lian naman sa "Intriga Crossfire."

Buong-ningning na inamin ni Paolo ang relasyon nila ng EB Babes member. Walang takot niyang sinabi na para sa kanya, si Lian na ang huling babae para sa buhay niya. Yun nga lang, hindi sumang-ayon sa kanya ang lie-detector machine.

Anyway, ang unang tanong ni John "Sweet" Lapus kay Paolo ay kung nakatanggap na siya ng indecent proposal, either sa bakla o matrona.

"No" ang sagot ni Paolo at sumang-ayon naman ang lie-detector machine.

Sweet asked Paolo kung hindi ba niya tinanong ang sarili kung bakit walang lumalapit sa kanya.

"Well, sabihin na lang natin siguro na yung ibang gays, nagiging kaibigan ko kaagad. Sa matrona, wala naman," sabi ng aktor.

Sinabi naman ni Sweet na isa marahil sa mga dahilan ay dahil nakita ng madla si Paolo na lumaki sa kanilang harapan.

"Oo, e, Kumbaga, sanay na sila na nakikita ko," pagsang-ayon naman ng dating child actor.

Kung may lumapit, okey lang ba sa kanya?

"Mapag-uusapan! Mapag-uusapan, o!" tawa ni Paolo.

Balitang-balita na very generous si Paolo sa mga girls na minamahal niya. For instance, niregaluhan niya raw ng LV (Louis Vuitton) bag si Lian. May bulung-bulungan din na meron daw siyang ex-girlfriend na niregaluhan naman niya ng bahay. Totoo ba na may tendency siyang mang-i-spoil ng mga girlfriend niya?

"Yes," ang sagot ni Paolo at tumugma na naman sa result ng lie-detector machine.

"Siyempre, kapag mahal mo ang isang tao, gusto mo na meron sila nung...they have the best. You give it to them," paliwanag ng aktor.

Pero if ever ba ay magbibigay talaga siya ng bahay kung talagang mahal niya ang babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo. Bakit hindi?" sagot ni Paolo.

Sa difficult level, ang manager ni Paolo na si Lolit Solis ay nagbigay raw ng mga intriguing side comments noon tungkol kay Lian. Ang impression ng iba, tila namamagitan daw sa kanilang dalawa ni Lian ang kanyang manager. Totoo ba ito?

"No," ang sagot ni Paolo. Pero this time, "Lie" ang naging resulta.

"Hindi ko alam!" natatawang reaksiyon ni Paolo.

Ipinakilala na ba ni Paolo si Lian kay Manay Lolit?

"Oo, wala naman, marami naman siyang... Kinausap pa nga niya si Lian. Kinausap niya rin kaming dalawa. At saka palagi naman niyang sinasabi na, ‘Basta masaya ka at huwag lang maano yung trabaho mo, okey lang.' Supportive naman siya," saad ni Paolo.

Nang lumabas ang isyu na may namamagitan sa kanila ni Lian, nakatanggap si Lian ng mga bonggang-bonggang negative comments and write-ups. During those moments, si Paolo ang nagsilbing protector niya. Minsan ba, naapektuhan din si Paolo sa mga negative issues na ibinato kay Lian?

Mabilis na "yes" ang sagot ni Paolo at "Truth" naman ang resulta ng lie-detector test.

"Of course, I really felt bad for her," ani Paolo. "She doesn't deserve that. No one has the right to judge her. So, siyempre, masakit din sa akin yun."

Ang alam daw ni Sweet, wala namang girlfriend si Paolo ngayon. So, bakit may mga nang-iintriga pa rin na parang ginagawang dahilan ng breakup niya kay Isabel Oli si Lian?

"Hindi natin masisisi," sabi ni Paolo. "Siyempre, may iba-ibang comments ang mga tao. Maraming ano ‘yan...galit, inggit, insecurities. At saka minsan, meron tayong mentality na kapag masaya ka, gusto mo malungkot yung iba."

Masyado raw kasing mabilis ang timeline, from the time na nag-break sila ni Isabel to the time na naging sila ni Lian.

"We never denied na mabilis," sabi naman ni Paolo. "We didn't expect na ganoon kabilis. We fell in love, period."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa harapan ni Lian, deep in his heart, masasabi ba ni Paolo na si Lian na ang huling babaeng mamahalin niya?

"Yes," ang sagot ni Paolo, pero "Lie" ang lumabas na resulta.

"Parang mag-aaway kami nito mamaya, a!" natatawang biro ni Paolo patungkol kay Lian, na natatawa naman sa result ng lie-detector machine. "Para sa akin, oo, at saka para sa akin, alam na niya yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN