Angel Locsin and Luis Manzano did not break up

IMAGE 0


Rumors that Angel Locsin and Luis Manzano have broken up turned out to be not true. "May mga problema lang ng kaunti na inaayos, pero okay na kami," says Angel.


Bati na ang rumored sweethearts na sina Angel Locsin at Luis Manzano, pero pareho nilang tinanggal ang status sa kanilang Facebook account.

"May mga problema lang ng kaunti na inaayos, pero okay na kami," deklara ni Angel sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ito ang nakasaad noon sa Facebook ni Luis: Lucky is saying hi to the people checking his status :) hi :).

Magulo rin daw ang utak ni Angel nang palitan niya ang status niya sa Facebook ng "not in a relationship?"

"Wala, ano lang yun, confused lang ako nung time na yun. Nakita nga rin niya [Luis], e, tinanong nga ako. Lahat kasi, tinanggal ko—yung status, yung movies, and yung iba pang nakalagay dun, tinanggal ko."

Si Luis din daw mismo ang naglagay sa Facebook ni Angel ng "wag pong patulan :) tinangal ko lang buong status :) dont worry :)" pagkatapos i-comfort si Angel sa Facebook ng mga ibang artista gaya nina Gina Alajar at Sherilyn Reyes. Mababasa kasi roon na "no longer listed as in a relationship."

Nagsimula kasi ang balita tungkol sa breakup diumano nina Angel at Luis nang umiyak ang aktres sa song number nila ni Piolo Pascual, kaugnay ng promo ng pelikula nilang Love Me Again, sa ASAP '09 noong January 11. Nag-speculate na agad ang ibang entertainment writers na may problema sa pagitan ng magkasintahan at lumabas nga na break na sila.

False alarm din daw ang balitang may third party sa pinag-awayan nila.

"Wow naman!" ang unang reaksiyon ni Angel nang makausap naman siya sa telepono ng isa sa publicist niyang si Vinia Vivar hinggil sa bagong isyu.

Bukod dito, binigyan pa umano ng negosyante ng bahay si Angel. Ayon sa tsismis, anak daw ng negosyante ang guy at usap-usapan daw sa neighborhood ng White Plains ang ibinigay na bahay kay Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, pupunta nga kami sa White Plains para hanapin ang bahay na yun!" natatawang sinabi ni Angel.

Ni wala raw siyang kilalang anak ng negosyante tulad ng itsinitsismis sa kanya. Hindi rin daw niya kilala kung sino ang tinutukoy sa mga lumalabas na balita.

Ipinagdiinan ni Angel na wala siyang nami-meet na "new friends" dahil sa sobrang busy niya.

"Sinabi ko nga agad kay Luis ‘yang bagong issue na ‘yan. Sabi ko, ‘Uy, may nagbigay daw ng bahay sa akin.' Nagtatawanan na lang kami," kuwento ni Angel.

May bulung-bulungan din na tungkol sa kasal ang pinagtatalunan daw nina Angel at Luis. Nag-o-offer na raw ng kasal si Luis, pero hindi pa raw ready si Angel.

Pero wala pang reaksiyon si Angel o maging si Luis tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN