Former actress Klaudia Koronel and Chinese-American fiance to wed August 28

IMAGE 0


"Nung nanliligaw pa lang siya, panay na ang propose niya ng kasal. Ako daw talaga ang pakakasalan niya. Tanggap niya ang nakaraan ko. Very open minded, 100 percent single siya, very stable, masipag, at responsible siya. Mapagmahal siya sa mga magulang at kapatid niya. Nasa kanya ang lahat ng mga katangian na hinahanap ko sa isang lalaki," says Klaudia Koronel about her future husband, Andy Zhang.


Engaged to be married na ang dating sexy actress na si Klaudia Koronel sa Chinese-American boyfriend nito na nagngangalang Andy Zhang. Ikakasal ang dalawa sa August 28 sa pamamagitan ng Iglesia ni Cristo wedding ceremony. Gaganapin ang reception sa Fernwood Gardens.

Kuwento ni Klaudia sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nagkakilala sila ni Andy nang nag-post ang dating sexy actress ng kanyang business sa Internet. Nakalagay rito ang litrato at email address ni Klaudia.

"Lagi akong naka-online. Nasa U.S. siya nun, at lagi din siyang naka-online. Yung website ko, business ko yun, yung mabuhaycity.com. Ano siya, the ultimate OFW website. Para yun sa mga kababayan natin abroad na isang social networking site, para ding Facebook, pero karamihan mga OFW.

"Naging magkaibigan kami through phone. Then, after four months, pumayag na ako na makipagkita. Basta biglaan, walang plano, gusto ko lang may makausap. Hindi ko siya type sa picture kaya hindi ko pinag-aaksayahan ng panahon. Pero nang magkita kami, na-love at first sight ako. Tinamaan ako, na-in love ako sa kanya.

"Ewan ko ba, ayaw ko ng Chinese, at ayoko ng sa Net lang nakikilala. Pero ito ang ipinagkaloob sa akin. Nalibot ko ang mundo makita lang siya, hinarap ko ang lahat ng mga consuls ng iba't ibang country. Kung saan-saan kasing bansa siya nagkakaroon ng project, at pumupunta ako sa kanya. Nagkikita kami kung saan-saang bansa meron siyang project. Ewan ko lang kung hindi pa pag-ibig ang tawag dun.

"Hindi ko siya pinapansin nung una at hindi ako nakikipagkita, kasi super busy ako sa business ko. Pero sa tiyaga niya kaka-email, pumayag din ako na ibigay ang cell [phone] number ko," lahad ni Klaudia sa birthday party ng talent manager na si Cornelia "Angge" Lim.

Isang IT consultant at investor si Andy na naka-base sa U.S. Ilang beses na itong nagka-project dito sa Pilipinas bilang isang consultant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang most recent na uwi sa Pilipinas ni Andy ay noong December 12, 2008 para makapiling si Klaudia ng Pasko at Bagong Taon.

"Pero imbes na magbakasyon," sabi ni Klaudia, "may company na nabalitaan na pupunta siya dito kaya in-offer-an ng project here. Wala siyang sinasayang na oras. Kahit vacation, pipiliin pa rin niya ang work. At todo ang suporta ko sa kanya siyempre, kasi para sa amin din naman yun.

"Nasa New York siya ngayon, may project siya dun. Pero taga-Atlanta [Georgia] sila at mas madalas din siya sa Phoenix, Arizona."

Ayon kay Klaudia, 43 years old na si Andy samantalang 33 naman ang dating aktres. Pareho rin daw sila ng hilig sa pag-i-invest at pareho silang nasa field ng IT. Tapos si Klaudia ng kursong Computer Science.

Pareho na raw nakilala ang kani-kanilang mga magulang.

"Ipinakilala niya ako sa parents niya last February 2006. Ipinakilala ko siya sa parents ko nung December 2005," sabi ni Klaudia.

Dagdag niya, "Gustung-gusto ako ng mom niya at gustung-gusto siya ng mama ko. Presentable, strong daw at matapang. Tamang-tama daw para makontrol ako. Gustung-gusto naman ng mom niya ang mga mata ko. Tuwing magkikita kami, lagi akong kinukulit na bigyan agad namin siya ng apo."

Four years na raw sila sa August kaya ito ang napili nilang date para sa kanilang kasal.

"Nung nanliligaw pa lang siya, panay na ang propose niya ng kasal," sabi ni Klaudia. "Ako daw talaga ang pakakasalan niya. Tanggap niya ang nakaraan ko. Very open minded, 100 percent single siya, very stable, masipag, at responsible siya. Mapagmahal siya sa mga magulang at kapatid niya. Nasa kanya ang lahat ng mga katangian na hinahanap ko sa isang lalaki."

"After ng wedding ko, sa States na kami. Kahit saang bansa siya pumunta, kasama na niya ako. Willing ako na i-sacrifice ang lahat para makasama ko lang ang taong mahal ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lagi niyang sinasabi na he will take care of me. Bigay siya ng Diyos sa akin. Yung nabigyan ako ng kasaganaan dahil nagsumikap ako, biyaya ito sa akin ng Diyos. Lahat ng pain sa past ko, ang fiance ko ang nagbubura. Deserve ko din na naman na maging masaya," pahayag ni Klaudia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN