Lian Paz ignores Lolit Solis comment that affair with Paolo will not last

IMAGE 0


"Si Nanay Lolit talaga, mahirit talaga yun, e! Kami ni Mark before, ganoon din siya. ‘Hay naku, hindi kayo magtatagal, ganyan. Kilala ko ‘yang si Mark.' Siyempre, mga alaga niya yun, di ba? Katawa nga, e. Sabi ko nga, ‘Ano ba ito? Ano na naman? Kay Nanay Lolit na naman!'" comments Lian Paz.


Nakatsikahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lian Paz nang mag-perform ang kinabibilangan niyang EB Babes sa kapistahan ng Villasis, Pangasinan noong Biyernes, January 16.

Kinumusta namin ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Paolo Contis.

"We're very committed with each other naman," sabi ni Lian. "Exclusively dating kami. Wala naman kaming dine-date, pero wala kaming formal dates na opisyal na ganoon."

Ilang months na silang magkasama?

"Magtu-two months," pag-amin niya.

Ano ang nagustuhan ni Lian kay Paolo?

"Yung pagiging protective niya. Yung pagiging maalaga niya na hindi niya ako pinapabayaan sa kahit anong bagay."

Ano ang comment niya na mukhang marami ang hindi boto sa kanya para kay Paolo?

"Masasabi ko lang, okay lang. Siyempre, hindi maiiwasan na minsan mao-offend ka. Pero talagang ganoon, e, you cannot please everybody. Hindi naman lahat ng tao ay puwedeng gustuhin ka. Kanya-kanyang perception nila yun. It's okay, I understand.

"Kahit ano naman ang maging opinion sa aming dalawa, kami pa rin naman ang magsasama in the end, di ba? Mas nagiging challenge pa nga sa amin yun. Ang tawag nga namin sa aming dalawa pag magkasama at may intriga, ‘you and me against the world na naman tayo,'" tawa ni Lian.

Mas maintriga ba ang relasyon nila ni Paolo kesa sa mga ex niya?

"Yung breakup namin ni Mark [Herras], naging sobrang intriga rin. Halos araw-araw din. Pero hinahayaan ko na lang. Nasanay na rin siguro. Kapag may naririnig ako, hayaan ko na lang. Importante naman kung ano ang alam namin sa isa't isa."

Ano ang reaksiyon niya sa sinabi ng manager ni Paolo na si Manay Lolit Solis na hindi sila magtatagal ni Paolo?

"Si Nanay Lolit talaga, mahirit talaga yun, e!" tawa ni Lian. "Kami ni Mark before, ganoon din siya. ‘Hay naku, hindi kayo magtatagal, ganyan. Kilala ko ‘yang si Mark.' Siyempre, mga alaga niya yun, di ba? Katawa nga, e. Sabi ko nga, ‘Ano ba ito? Ano na naman? Kay Nanay Lolit na naman!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi naman ako nao-offend kung yun man ang sinabi niya. Kasi knowing Nanay Lolit, mahilig talaga mag-comment sa mga intriga, di ba? Ganoon na talaga na siya, di ba? So, okey lang. Naiintindihan ko naman siya. Pero pag nagkikita kami, okay naman kaming dalawa, e. Siguro, ganoon siya talaga."

Nagkita na ba sila ni Isabel Oli, ang ex-girlfriend ni Paolo?

"Hindi pa. Not yet," sagot niya.

Ano ang una niyang reaksiyon pag nagkita sila ni Isabel?

"Babatiin ko siya kasi hindi naman kami nag-away . Hindi naman kami nagkaroon ng anumang alitan before."

Hindi naman niya inagaw o sinulot si Paolo, di ba?

"That's not true. Tsismis lang yun. Huwag namang ganun kasi hindi naman, e. Hindi ko naman masasabi na ganoon. Kasi sabi nga ni Paolo nung mag-break sila, it's a long process, pinag-isipan nilang mabuti nung maghiwalay sila. In fact, nung makilala ko siya, yung una, ayoko talaga dahil kagagaling lang niya sa breakup at kagagaling ko rin sa breakup. E, dumating," paliwanag niya.

Mahirap bang magkaroon ng boyfriend na artista?

"Opo, ang hirap talaga. Promise! Kasi sinisimulan kang husgahan ng mga tao kahit wala namang reason at all, ganoon. Kasi kanya-kanyang fans ‘yan, di ba? May gusto silang iba for Paolo, ganoon," walang patlang niyang sagot.

Hindi ba siya natatakot na walang nagtatagal na girlfriend si Paolo?

"No. Sabi ko nga sa kanya, kung ano yung meron man kami ngayon, I'll take the risk. Kasi nagmamahal ka lang naman. Masarap naman ang magmahal at saka pinapasaya naman niya ako, so why not?"

So, masaya siya ngayon?

"Very happy! So, kung saan masaya ang tao, dapat masaya rin sila. Hindi yung sisirain pa, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN