Assunta de Rossi refutes blind item that she is a battered wife

IMAGE 0


"Ako kasi, very quiet ako, pasensiyosa, matiisin... Not naman martir, pero ang ibig kong sabihin, mas mabuti pang makipag-away ka sa mataray. At least yun pag nagalit, tahimik, pero kami hindi. Katulad ko, hindi ninyo ako gugustuhing awayin kasi kaya naming manakit... They know, yung mga taong kilala ako, mga takot yun sa akin because they don't know kung kailan ako magagalit, and masama akong magalit," says Assunta de Rossi.



Bago pa man pumutok ang balitang pakikipaghiwalay diumano ni Beth Tamayo sa mister nitong si Johnny Wong, usap-usapan nang hiwalay na rin daw si Assunta de Rossi sa asawa nitong si Congressman Jules Ledesma.

Laman ng mga blind items noon pa na matagal na raw tinitiis ng aktres ang verbal abuse sa kanya ng asawa; madalas daw ay ipinapahiya at sinisigawan ito sa harap ng mga kaibigan nila. Marami ang naniniwala na ang tinutukoy sa naturang blind item ay sina Assunta at Jules.

Pero agad naman itong pinabulaanan ni Assunta nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment) sa thanksgiving party ng Royal Era Entertainment para sa entertainment press kagabi, January 20, sa Imperial Palace Suites.

"Sabi ko nga, huwag na lang patulan kasi paulit-ulit na lang," sabi ni Assunta. "Maiinis lang kayo sa akin. So, bago tayo magkainisan, i-consider na lang natin ito as a non-issue because hindi naman kami yung artistang tinutukoy nila."

Sa mga blind item na lumabas, may insidente rin daw na binato si Assunta ng baso ni Jules habang umiinom ito at nagkaroon sila ng argumento. Siniguro ni Assunta na hinding-hindi ito mangyayari o gagawin sa kanya ng asawa o kahit na sinuman.

"Walang puwedeng mangpahiya sa akin," diin ni Assunta. "The people who are very close to me, including my husband, my kids, my family and friends, they know na ako yung tipo ng tao na you wouldn't want to mess with.

"Ako kasi, very quiet ako, pasensiyosa, matiisin... Not naman martir, pero ang ibig kong sabihin, mas mabuti pang makipag-away ka sa mataray. At least yun pag nagalit, tahimik, pero kami hindi. Katulad ko, hindi ninyo ako gugustuhing awayin kasi kaya naming manakit. Ibig sabihin, hindi ako puwedeng ganunin.Unang-una, I don't deserve it. Hindi ako ganung klase ng tao dahil hindi ko yun ginagawa sa ibang tao. They know, yung mga taong kilala ako, mga takot yun sa akin because they don't know kung kailan ako magagalit, and masama akong magalit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka si Jules," patuloy niya, "he'll be the first one to admit his fault, yung mga pagkakamali niya, yung mga pagkukulang. He has temper. Siya yun, e, but he wouldn't hurt anyone, lalo na pagdating sa akin, he cannot."

STILL WITHOUT CHILD. May bali-balita na ang kawalan daw ng anak, na sana ay higit na magbibigkis sa pagsasama nila ng mag-asawa, ang isang dahilan kung bakit madalas daw mag-away sina Assunta at Jules. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng dalawang anak ni Jules sa una niyang asawa na namatay na.

Ayon kay Assunta, "Napag-usapan na namin na huwag kaming magpa-pressure kasi nakakainit ng ulo yun, saka sobra ang dami ng kanyang ginagawa. Marami siyang obligations na tinutupad, wala namang gumagawa nun kundi siya. Hindi nga siya nakakapagpahinga o nakakatulog since Pasko pa, kahit holiday, nagtatrabaho siya.

"I must admit na nag-lie low ako nun dahil gusto kong magka-baby. Pero hindi nga nangyari, na okey na rin naman kasi wala pa kaming bahay. Saka kahit magtanong pa kayo, ang anak, di ‘yan sagot sa problema ng mag-asawa. They could either break or make a relationship.

"In the first place, nagkasama naman kayo because you are meant to be together, priority ninyo dapat ang isa't isa, not the kids. Ang dami diyang couples na ang dami-daming anak, pero naghihiwalay pa rin, ano ang ibig sabihin nun? Saka kahit gaano pa kayo ka-healthy, pero kung palagi kayong stressed at sobra-sobrang workaholic, wala rin, e."

Nang tanungin namin kung may ideya ba siya kung kanino nanggaling o kung sino ang nagpakalat ng issue tungkol sa kanila ni Jules, ayon kay Assunta ay wala siyang idea. Pero alam niyang may mga tao na hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ang pagsasama nila.

"Aware naman kami na maraming tao ang may ayaw sa amin, pero okey lang yun. Kalmado naman ako, hindi ako nagagalit or what, tanggap ko yun. Ako, I've been quiet for the longest time. May mga ayaw sa amin siguro as mag-asawa, wala naman kaming kaaway," pagwawakas ni Assunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN