JC de Vera wants to keep his relationship with Rhian Ramos private

IMAGE 0


"Kung ano po ang napi-feel ko kay Rhian, totoo po ‘yon. Ang mahalaga po sa akin, nagkakaintindihan kaming dalawa. Ayoko pong ma-disappoint ulit, ayokong maging hindrance sa kanya, ayokong masabing bad influence ako sa kanya. Basta kung ano po ang nakikita n'yo sa amin, ‘yon na po ‘yon," says JC de Vera about Rhian Ramos.


May bahid ng dugo ang white long sleeves na suot ni JC de Vera nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Lalola sa Funeraria Paz sa loob ng Manila Memorial Park sa Parañaque City noong Lunes, January 19.

Nang datnan namin si JC ay naglalaro siya ng portable PlayStation (PSP) sa upuan habang umiidlip naman ang katambal niya na si Rhian Ramos. Pero nang makita kami ni JC ay nagpaunlak siya agad ng interview.

JC, THE STUDENT. Ang unang tinanong namin kay JC ay kung tuloy pa rin ang pag-aaral niya niya sa UP Open University, where he's taking up Associate in Arts.

"Tuloy pa rin po, pero isang subject na lang ang kinukuha ko," banggit ng young actor. "I had to drop my three subjects kasi mahirap pala talagang pagsabayin ang work and studies. Inabot po ako ng mental stress. Sa una lang pala madali, pero kapag sunud-sunod na ang research, you need time talaga.

"Kapag may taping po ako at early morning na ako nakatapos, then papasok pa ako, napipilitan na akong hindi pumasok. Kaya nag-decide po akong i-sacrifice na muna ang studies, ito na munang dumarating na opportunities ang pagtuunan ko ng panahon. Hirap din kasing mag-aral sa set, hindi ako maka-concentrate kasi kailangan mo ring basahin ang script, tapos hindi ka rin makatiis na hindi makitsika sa mga kasama mo, o di kaya matulog kahit sandali, lalo na kung magdamag ang taping or shooting. Pero itutuloy ko pa rin ang studies ko kapag maluwag-luwag na talaga ang oras ko," saad ni JC.

PARTING WAYS? Matatapos na ang taping ng Lalola, na ang final episode ay mapapanood sa February 6. Ready na ba si JC na paghiwalayin ang love team nila ni Rhian ngayong tanggap na tanggap sila ng fans at followers ng Lalola?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No problem po sa akin kung paghiwalayin muna ang love team namin at itambal kami sa iba, kung ‘yon po ang desisyon ng network. I believe po namang nakuha na namin ang tiwala ng mga fans namin.

"Pero kung ako ang personal na tatanungin, sana huwag muna. Parang sayang po na nasa kainitan pa naman kami ay paghihiwalayin na. Ang feeling ko po kasi, parang nagkaroon ng magic ang love team namin dahil fresh ito, at sana nakatulong din ako kay Rhian na nang kami na ang pagtambalin, nawala na po ang negative issue sa kanya, na tinanggap nga nila ang love team namin.

"Nagpapasalamat po kami sa lahat ng suporta, hindi lang ng mga fans and televiewers, kundi kayo rin sa entertainment media," pahayag ni JC.

May kasunod na ba siyang project after Lalola?

"Wala pa pong sinasabi ang manager ko, si Tita Annabelle [Rama]. Pero kung meron, gusto ko po sana drama na ulit, nami-miss ko na pong mag-drama. Itong soap namin ni Rhian, nagda-drama po rin ako, pero mas comedy ito, na parang reliever lang sa akin. Very light nito at ini-enjoy ko naman."

FOOD LOVERS. Ang maganda sa kanila ni Rhian, hindi nila itinatago ang kung anuman mayroon sila. Kahit nakikita silang dalawa na lumalabas, hindi nila ito idinedenay. Ano meron si Rhian na minahal ni JC?

"Nakita ko ang pagiging seryoso at professional niya sa trabaho. May talent siya at madali siyang maka-adjust sa lahat ng mga tao. She's very approachable at nakikipagkuwentuhan siya sa lahat, willing siyang ipakilala ang sarili sa mga tao. Nang ipakilala ko siya sa family ko, nandun yung puwede mo siyang iwanan na hindi ka mag-aalala na baka mailang siya.

"Magkasundo rin kami sa pagkain, iyon ang bonding namin!" natatawang wika ni JC. "She's very appreciative kahit ano'ng ibigay mo sa kanya, lalo na ang paborito niyang dimsum—kahit anong dimsum. Pareho kaming mahilig kumain at hindi siya tulad ng ibang girl na pihikan. Hindi rin kami mahilig sa mamahaling restaurant, kahit saan kami abutan, kakain kami, huwag lang lason at panis ang ipakakain sa amin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero aware din kami na hindi dapat sobra ang kinakain namin para hindi kami tumaba. Lalo na siya na, di ba, ang sexy-sexy niya sa Lalola? Kahit ako ang dapat na magbabayad tuwing kakain kami, may mga times na nakikipag-agawan din siya ng bill ng kinain namin, pareho raw namang kaming nagtatrabaho at pareho din kaming nabusog sa kinain namin," masayang kuwento niya.

THE REAL SCORE. So, ano na ba talaga ang relasyon nila ngayon ni Rhian since hindi naman itinatago ni JC na very special sa kanya ngayon ang ka-love team?

"Hindi po ako confident sumagot para sa kanya," seryosong sagot ni JC. "Very careful ako pagdating sa amin. Kung maaari lang po ay maging private na lang ang tungkol sa aming dalawa. Ayoko po kasing may manira sa kanya o may masabi sila sa akin. Ayokong sabihin nilang nagsasalita ako dahil promo ng aming teledrama, na nanggagamit lang ako para kami panoorin.

"Kung ano po ang napi-feel ko kay Rhian, totoo po ‘yon. Ang mahalaga po sa akin, nagkakaintindihan kaming dalawa. Ayoko pong ma-disappoint ulit, ayokong maging hindrance sa kanya, ayokong masabing bad influence ako sa kanya. Basta kung ano po ang nakikita n'yo sa amin, ‘yon na po ‘yon."

Since alam na namin ang gusto niyang sabihin tungkol sa relasyon nila ni Rhian, siya ba ang tipong may ipinagbabawal sa babaeng mahal niya?

"May bawal din, pero yung nag-e-enjoy pa rin kami," sagot ni JC. "Pero hindi ko na po kailangang magbawal, kasi siya na ang nakakaalam kung ano ang bagay na tiyak na ayaw ko kaya hindi na niya ginagawa. Alam ko po ‘yon dahil halos araw-araw nga kaming magkasama. Kung minsan, a few hours lang kami naghiwalay after ng taping, hindi matatapos ang araw, magkasama na naman kami."

Noong debut ni Rhian, kinausap ba siya ng daddy nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-introduce lang po ako ni Rhian sa daddy niya, pero hindi po kami nagkausap. At saka that time, hindi pa naman kami ganoon ka-close ni Rhian na tulad ngayon," saad ni JC.

Nangingiti raw si JC kapag nakikita niyang ginagamit ni Rhian ang Christmas gift niya ritong Louis Vitton wallet. Kapag wala raw silang taping o lakad, magdamag halos silang nag-uusap sa Bayantel landline na Christmas gift naman sa kanya ni Rhian. Parang bata raw sila kung minsan dahil hindi sila nauubusan ng pinag-uusapan. Ang dami raw kasing kuwento ni Rhian, na tamang-tama dahil unlimited calls ang landline.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN