JC de Vera admits Rhian Ramos is "more than a friend"

IMAGE 0


"Hayun, nag-i-smile na ako ngayon. Hindi ko masabi, hindi ko ma-explain, e. Basta ano lang, nabubuo lang ang araw ko," replies JC de Vera when asked if he is in love with Rhian Ramos.


Obvious naman that thare's really something special going on between JC de Vera and Rhian Ramos. Pero sa thanksgiving party ng Royale Era Entertainment noong Tuesday night, January 20, hindi pa rin magawang sagutin nang diretso ni JC kung ano nga ba ang tunay na relasyon nila ng kapareha niya sa Lalola.

Ano nga ba ang pumipigil sa kanila to really be open about it?

"Magiging magulo lang din. Marami, maraming bagay ang pumipigil kaya mas mabuting huwag na lang din nating pag-usapan. Kasi mas maganda kung sa aming dalawa muna yung bagay na yun. Masyado kaming protective dun sa isyung yun," sabi ni JC sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

May mga kumokontra?

"Oo," pag-amin niya.

Kasama ba rito yung mga negative issues kay Rhian?

"Hindi naman. Meron kaming mga napag-uusapan. Pero sa ngayon, ayaw na muna naming pag-usapan yun."

Isang tawa lang ang isinagot ni JC when we asked him kung gaano ba kabigat ang mga bagay na yun.

Bakit ganoon na lang ang concern niya para kay Rhian?

"E, yun na yun!" tawa ni JC.

Gaano ba niya kamahal si Rhian?

"Hindi ko alam, e. Hindi ko masabi. Kasi sa ikli pa lang ng oras, hindi ko naman masabi na mahal na mahal mo na ang isang tao. Siguro kapag nagtagal-tagal ng konti, made-develop din kung anuman ang nararamdaman namin. So, bahala na."

Ano na ang status nila ngayon?

"Friend...more than a friend. When you say more than a friend, it's friend-girl!" tawa ulit ni JC.

Gaano siya ka-in love?

"Hayun, nag-i-smile na ako ngayon. Hindi ko masabi, hindi ko ma-explain, e. Basta ano lang, nabubuo lang ang araw ko."

Malapit nang magtapos ang Lalola at kung walang pagbabago ay posibleng hanggang first week of February na lang ito. Nakakaramdam ba ng lungkot si JC, lalo pa nga't sa naturang series nabuo ang lahat ng meron sila ni Rhian ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako nalulungkot," sagot ni JC. "Masaya, e. Imbes na yung mga nakakapagod na memories ang itago mo, masasayang memories na lang tungkol sa show. So, hindi siya karapat-dapat na kalungkutan."

Ayon kay JC, sobrang espesyal daw sa kanya ang naturang show nila.

"Yung lahat kasi ng nangyari, very spontaneous. Hindi namin pinush. Lahat ng mga bagay, hinayaan na lang namin siyang mangyari. Kung talagang magiging close kami, magiging close kami. Hindi ko siya pinuwersa para magustuhan ako.

"Actually, masaya lang ako ngayon!" natatawa niyang sabi. "Hindi ako tumitingin sa kung ano ang mangyayari sa future, basta okey ako ngayon."

Dahil malapit na ang Valentine's day, may plano na ba siyang naiisip for Rhian?

"Wala pa, wala pang plano talaga," sabi niya. "Kasi ano pa, medyo busy pa kami sa work. Yung Valentine's Day na yun, sana walang trabaho."

Sa ngayon, wala pa raw ideya si JC kung ano ang next project niya after Lalola. Pero sana raw, sila pa rin ni Rhian ang magkasama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN