Gab Valenciano declares his love for Rachelle Ann Go

IMAGE 0


"What we have not just conquers distance, it surpasses time, wealth, sickness and yes, even death. Mahal ko siya and if anyone has a problem with that, oh, well..." says Gab Valenciano about his relationship with girlfriend Rachelle Ann Go.


Wala pa mang diretsahang pag-amin mula kina Gab Valenciano at Rachelle Ann Go, very obvious naman sa binitawang salita ng female singer na si Gab ang nagpapasaya sa mundo niya ngayon.

A relationship that started from friendship, then blossomed into something deeper and more special—sa itinatakbo ng lahat ay mukhang patag ang daang tinatahak ng relasyong Gab-Rachelle.

Kaya nagulat ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nang sabihin ni Gab na may mga tao pala sa kanilang paligid na ayaw sa relasyon nila.

"It's very obvious that majority of the Filipino people are against the idea of the pair up between me and Rachelle Ann. But to be honest, that's what makes what we have exciting. It is unpredicatable. It's a you-and-me-against-the-world kind of situation and I love it.

"Think about it, kung lahat boto, you tend to lose the essence and value of taking an extra step or even a leap to be better, not for the people, not at all, but for each other. No matter what anyone says, or tries to do, the bond between Rachelle and I will never be shaken.

"Thousands of miles away may sound heavy. But then again, they're just miles, a mere unit of distance. What we have not just conquers distance, it surpasses time, wealth, sickness and yes, even death. Mahal ko siya and if anyone has a problem with that, oh, well..." deklara ni Gab nang makausap siya ng PEP sa ASAP '09 last Sunday, January 18.

Paano niya nalaman na may hindi pabor sa kanilang relasyon?

"I know a lot of people are against the idea of us being together...maybe fans," sabi ni Gab. "A lot of people tell me, ‘Gab, people don't like you for her.' Maybe they're not used to the idea na kami, kasi yung ex [Christian Bautista] niya is also a friend and matagal din sila. For me, as long as she's happy, happy na rin ako. No matter what anybody says, as long as Rachelle Ann Go is happy, Gab Valenciano will be happy as well."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAMILY'S APPROVAL. Kinumpirma rin ni Gab na boto talaga ang pamilya niya—lalo ang mga magulang niya—kay Rachelle.

"For Rachelle kasi, for some reasons, my family, parang hindi sila kumontra. Kasi before sa mga past relationships ko, parang ayaw na ayaw, they will be tipong bibigyan muna nila ng four months na makilala. But this time, it's different.

"My dad [Gary Valenciano] has high respect for Rachelle as an artist and as a person. Before, pag nanonood kami ng dad ko ng TV, sinasabi ko sa kanya na favorite ko si Rachelle. And that time, wala pa, crush ko pa lang siya. Actually, crush na crush dati pa, even if I had a girlfriend.

"With my mom [Angeli Pangilinan] kasi, a lot of people misunderstood her because she is a [talent] manager. She's headstrong, straightforward, but she's a very sweet woman. Siyempre, as a mom, nagseselos siya every time I start dating somebody, nawawala ako sa bahay.

"My mom loves Rachelle! Akala ko hindi niya ito magugustuahn kasi showbiz. Sabi niya pag showbiz daw, mahirap. Pero na-surprise ako na nagustuhan niya," lahad ni Gab.

THE REAL SCORE. Nilagyan na rin ni Gab ng label ang totoong estado ng relasyon nila ni Rachelle.

"We're committed and kahit na sino pang babae ang pumunta sa akin, I don't care kung Miss Universe pa siya. Siguro even when I'm in the States, yung kuwarto ko puro pictures niya, may wallpaper sa studio.

"I've been in love before, I'll be honest. But now, I just can say that I'm sure about something. This is the first time that I realized na parang, ‘Now, I really grew up.' Yung dati, tipong girlfriend ko na siya, ‘What's next?' Now, it's more of what I have to do now for our future together.

"Pag nag-aaway kami, I wanna make sure na hindi ko naa-aggravate yung situation, gusto ko ayusin namin ngayon. We have arguments, magkaiba kami, di ba? Hindi kami nagkikita eye to eye, but pag naayos namin yung gulo, nawawala na yung object of arguments. In a way, we learned. But it's exciting kasi magkaiba nga kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LONG-DISTANCE AFFAIR. Na-move nang na-move ang pag-alis sana ni Gab papuntang Orlando, Florida to take up recording arts. Pero tiniyak ni Gab sa amin na bago siya mag-birthday this coming June ay tuloy na talaga ang alis niya.

"Actually, tuloy na talaga," sabi niya. "Yung school kasi na papasukan ko, every month puwede kang pumasok. That's how open it is na kung kailan mo gustong mag-aral, puwede. Right now, I'm not really worried when I'm really gonna enter. But for sure, before my birthday, which is on June. Two years ako dun, but depending on what's gonna happen to me there. If ever mabigyan ako ng break, siyempre I'll probably stay na."

Paano na sila ni Rachelle?

"Ako kasi, I believe in what we have. If it doesn't work, it doesn't work. But what I'm thinking now is the fact that we care about each other, so I know we can make it. If we decide to stop now dahil takot kami, I don't want to come to the point na nasa Amerika ako, I realize na we should do this, dapat hindi kami natakot. We care about each other, we've been there for each other. I believe we can do it," pagtatapos ni Gab.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN