PEP EXCLUSIVE: Janina San Miguel changes her mind, joins showbiz

IMAGE 0


"Sorry po, pero nagbago na po ang pananaw ko kasi mahirap ang buhay ngayon. Katunayan nga po, nagtatrabaho pa rin po ako ngayon, suma-sideline," says Janina San Miguel about her decision to join showbiz.


Sa huling panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dating beauty queen na si Janina San Miguel noong November 21, 2008 ay sinabi niya na hindi siya interesadong pumasok sa showbiz.

"Huwag na po sila umasa na mag-aartista ako kasi last option ko na po ‘yon. Kahit ang daming nag-offer, ayoko po, ayoko talaga. Ngayon, mag-i-international model na lang po ako, ‘tsaka mga commercials, okay po ako dun. Pero sa showbiz, ayoko po talaga, kasi alam ko na po ‘yong kalakaran. Alam n'yo naman po ang showbiz, maraming plastik," ang eksaktong salita ni Janina noon. (Click here to read related story.)

Pero dalawang buwan lang ang nakalilipas ay tila kinain na ni Janina ang kanyang mga salita. Kagabi, January 21, ay pumirma na siya ng exclusive five-year contract sa talent management ni Manny Valera.

Sa ginanap na contract signing ay kasama raw ni Janina ang kanyang ama na si Mr. Raul San Miguel at ang kanyang tiyahin na si Ms. Juvy Paylan.

Kaninang hapon, January 22, ay nagpadala ng text message ang PEP kay Janina upang kumpirmahin kung totoo ngang nag-audition siya para sa role ng isa sa mga leading lady ni Richard Gutierrez sa upcoming GMA-7 primetime series na Zorro. (Click here to read related story.)

Imbes na sumagot sa aming text message ay pinatawag na lang niya kami sa landline na ibinigay nito.

Tanong namin agad kay Janina ay kung totoo bang nag-audition siya sa Zorro.

"Opo," sagot naman ng dating Bb. Pilipinas-World.

Dito na rin namin nalaman ang pagpirma niya ng kontrata kay Manny Valera.

"Siya na po kasi ang manager ko ngayon," banggit ng dalaga. Kasama raw sa pinirmahan niyang kontrata ang movies, TV, modeling, commercials, billboards, at iba pa.

Ayon kay Janina, tinawagan daw siya ng assistant ni Direk Manny na si Chino at ito ang nagpakilala sa kanya sa talent manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sabi po nila, nakuha raw po nila yung number ko sa Showbiz Central. Tapos po, ayun, tinawagan na nila ako," ani Janina.

Kuwento pa niya, "Nasa Cuyapo, Nueva Ecija po ako nun. Tapos po kinabukasan, nagkita po kami sa bahay ni Sir Manny; kasama ko po si Papa at si Tita. Marami po silang pinag-usapan para makumbinsi.

"Sinabi rin nila na hindi naman daw makakasira sa pag-aaral ko. Kasi po mag-aaral na po ako sa darating na June ng kursong B.A. Majoring in Marketing, bale tri-sem po. Nag-shift po kasi ako ng kurso, dati po Broadcast Communication po ang kurso ko."

Ano naman ang nakapagkumbinsi sa kanya na pasukin ang showbiz? Sa unang interview kasi ng PEP sa kanya ay sinabi niyang hinding-hindi siya mag-aartista.

"Oo nga po, e... Sorry po, pero nagbago na po ang pananaw ko kasi mahirap ang buhay ngayon. Katunayan nga po, nagtatrabaho pa rin po ako ngayon, suma-sideline. May business po kami na Tribani, yun pong product namin ay facial wash, soap, shampoo, at marami pa," saad ni Janina.

Kailan naman ang effectivity ng kontrata niya kay Direk Manny?

"Starting po kahapon din nung pumirma ako ng kontrata. Kaya lang po, may mga commitments pa po ako na tinatapos. Kasi may mga natanguan na po ako hanggang February, kaya sa February umpisa na po ng trabaho sa kanya," sabi ni Janina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN