Carmina Villarroel: "Since patay na si Rustom, e, di ibaon na natin siya nang bonggang-bongga!"

IMAGE 0


"Ang bottom line kasi dito, katulad ng sinabi ko, hindi kami magkaaway. We have moved on. Kung anuman yung nangyari sa buhay niya, as long as he is happy, then go. Wala naman siyang sinaktan na tao," says Carmina Villarroel (right) about BB Gandanghari (left), formerly known as Rustom Padilla.


Pagkatapos lumantad ni BB Gandanghari at sabihing "patay" na si Rustom Padilla, marami ang nag-abang sa reaksiyon ng dating asawa ni Rustom na si Carmina Villarroel. Pero kahit anong pilit kay Carmina ay panay ang iwas niya na magbigay ng anumang pahayag.

Pero sa morning show niya sa GMA-7 na SiS, kasama ang magkapatid na Janice at Gelli de Belen noong Miyerkules, January 21, ay napilitang magbigay ng maikling mensahe si Carmina.

Ayon sa actress-TV host, "Siya [BB] na mismo ang nagsabi na patay na yung Rustom and yung bagong siya, si BB... Hi BB! I'm CV!" bati pa niya sa dating asawa, na pinalakpakan nang husto ng mga tao sa studio.

"‘Yon, so sana, sa kanya naman mismo nanggaling, so let's just respect him. Since patay na si Rustom, e, di ibaon na natin siya nang bonggang-bongga!" sabi pa ni Carmina.

Nang hingan naman siya ng karagdagang pahayag ng GMA News reporter na si Nelson Canlas ay tumanggi na siyang magsalita. Aniya, wala na raw siyang gustong idagdag sa isyu.

"No comment. Hindi, wala na. Hindi na ako magsasalita. Kasi unfair naman ‘yon, kasi I said my piece already sa SiS," iwas ni Carmina.

Ang mahalaga raw kay Carmina ngayon ay masaya na si BB at masaya na rin siya sa piling ng kanyang pamilya—si Zoren Legaspi at ang kanilang kambal na anak.

Sa hiwalay naman na panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay sinabi ni Carmina na handa siyang makatrabaho si BB sa isang proyekto.

"Ang bottom line kasi dito, katulad ng sinabi ko, hindi kami magkaaway. We have moved on. Kung anuman yung nangyari sa buhay niya, as long as he is happy, then go. Wala naman siyang sinaktan na tao," pahayag ni Carmina sa launching ng SM Supermalls Green Bags last Saturday, January 17 (Click here to watch video).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging ang partner ni Carmina na si Zoren, na nagdididrek din, ay payag din daw gumawa ng proyekto na kasama si BB.

"Actually, may gagawin nga akong project, e. Baka tawagan ko siya. Well, wala namang masama... There's no quarrel naman with the three of us," saad ng actor-director.

Matatandaang inamin ni Rustom ang kanyang tunay na sexual preference sa episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition noong March 2, 2006. Pagkalipas ng halos tatlong taon ay nagdesisyon naman ang dating mister ni Carmina na ilibing na nang tuluyan si Rustom Padilla at ipakilala ang sarili bilang si BB Gandanghari. (Click here to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN