Pops Fernandez gives words of encouragement to BB Gandanghari

IMAGE 0


"Kung anuman ang pinaplano and dreams niya, sana ma-achieve niya at wish ko is for him or her to be happy pa rin and to pray kung anuman ang next step niya. As a friend, respeto sa desisyon niya ang maibibigay ko sa kanya," says Pops Fernandez about BB Gandanghari (inset).


Close friends sina Pops Fernandez at Rustom Padilla, na si BB Gandanghari na ngayon, kaya hindi maiwasang hingan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon ang singer-actress sa pagbabago ng katauhan ng kaibigan. Alam niyang gusto lang ng kaibigan na maging masaya at nakiusap si Pops na suportahan si BB sa halip na kutyain.

"Hindi ko pa siya nakikita at hindi ko pa siya nakakausap mula nang siya'y dumating [from New York]. Hindi ko napanood ang interview sa kanya sa TV at may nagsabi sa akin na nasa YouTube ang mga interview sa kanya. My first reaction? Naaliw at nagulat ako, but it's something he's been thinking about. Suportahan na lang natin," saad ni Pops.

Ginawang halimbawa ni Pops ang reaction ng dating asawa ni Rustom na si Carmina Villarroel sa pagbabagong-anyo ng kaibigan. Aliw si Pops sa sinabi ni Carmina na: "Ibaon na natin nang bonggang-bongga si Rustom at i-welcome natin si BB Gandanghari."

"Gaya ni Carmina," ani Pops, "naniniwala akong hindi na dapat i-question ng ibang tao ang kanyang desisyon. Ang importante, he/she is happy and at peace siya sa kanyang desisyon.

May mga nababalita, kagaya sa sitwasyon ni BB, na hindi kaya ang rejection ng tao. Hindi ba siya natatakot para sa kaibigan?

"Siyempre, takot din ako," sagot ni Pops. "Pero intindihin na lang natin na minsan sa desisyon sa buhay natin, hindi lahat mag-a-agree lalo na sa situation niya na hindi ordinary sa ating mga Pinoy. Siguro naman, ready na siya sa mga batikos sa kanya."

Dahil hindi pa nakikita at nakakausap, hindi pa alam ni Pops kung "he" or "she" ang itatawag kay BB. She's looking forward na makapag-share sila ng "girl stuff."

"Excited na akong makita si BB, hindi ko pa makita kung fashionista siya o model. Sa Urian last year, he called me at gusto niya akong mag-makeup sa kanya, pero hindi natuloy. Pinag-usapan din siya noon dahil girl ang ayos niya nang dumating," kuwento ng Concert Queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May message ba siya kay BB?

"Kung anuman ang pinaplano and dreams niya, sana ma-achieve niya at wish ko is for him or her to be happy pa rin and to pray kung anuman ang next step niya. As a friend, respeto sa desisyon niya ang maibibigay ko sa kanya."

Iimbitahan daw ni Pops si BB sa Missing You concert nila ng ex-husband niyang si Martin Nievera sa Araneta Coliseum sa February 6. Part daw si Rustom ng Pops-Martin team-up at kaibigan niya, noong time na hindi pa ito magaling kumanta, kaya hindi puwedeng mawala sa concert na inaabangan ng lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN