Status: Single leading men list down their sexiest women

Jan 25, 2009
Rufa Mae Quinto (middle) with her Status: Single leading men (from left) Mark Bautista, Rafael Rosell, Jon Avila, and Alfred Vargas.

Pagkatapos ng premiere night ng Status: Single kagabi, January 24, sa Cinema 11 ng SM North Edsa, nakatuwaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tanungin ang mga leading men ni Rufa Mae na sina Alfred Vargas, Mark Bautista, Jon Avila, at Rafael Rosell ng list nila ng sexiest women.

As expected, laging kasama si Rufa Mae sa listahan nila. But all in all, interesting ang choices ng apat na hunks.

Narito ang kanilang list of sexiest women:

RAFAEL ROSELL

Angelina Jolie, Jessica Alba, Jessica Rabbit (cartoon character), Megan Fox, Anne Curtis ("easy to get along with"), Nikki Gil, Iza Calzado ("sobrang bait at lagi akong binabati at kinukumusta"), Malaya Lewandowski (ex-girlfriend of Rafael and member of Kool Chix), and Rufa Mae ("epitome of being sexy").

JON AVILA

Iza Calzado ("mabait"), Jennylyn Mercado ("kahit may baby na, sexy pa rin"), Rufa Mae, Anne Curtis ("for her whole aura"), Maja Salvador, Princess Ryan, Saicy Aguila, Cristine Reyes, and Natalie Portman.

Continue reading below ↓

MARK BAUTISTA

Reese Whitherspoon, Megan Young, Ehra Madrigal, Angel Locsin, and Rufa Mae.

ALFRED VARGAS

Marian Rivera ("she is number one; no question about it, she's sexy"), Heart Evangelista ("for her sex appeal"), KC Concepcion ("charming ang pagiging sexy"), Scarlett Johansonn, Jessica Biel, Eula Valdes ("hot siya"), at Rufa Mae ("given na ang pagka-sexy; her sexiness comes with laughter at siya lang ang nakakagawa nun").

Sa apat na lalake, inamin ni Rufa Mae na nagka-MU sila ni Alfred nang magkasama sila sa Marinara. Pero malabo sa ngayon na maging sila na dahil may half-Italian at half-Filipino girlfriend na ang actor.

Nagulat at nag-blush si Mark nang usisain ng PEP kung totoong muntik na ring maging item sila ni Rufa Mae at naging hadlang lang na lagi siyang nag-a-abroad. Pagbalik niya, sina Rufa Mae at Erik Santos na.

Kabi-break lang nina Rafael Rosell at Malaya. Brokenhearted ang actor at kahit kasing-sexy ni Rufa mae, hindi muna mapapansin ng kanyang puso.

Continue reading below ↓

Malaki ang chance na magka-debolopan sina Rufa Mae at Jon, pero time ang kanilang problema. Dahil parehong busy, madalang na silang magkita after the shooting. 'Tsaka priority ni Jon ang kanyang career, saka na raw ang pag-ibig. Parang hindi pa rin ito handang magka-girlfriend after his last relationship two years ago sa isang Pinay na taga-Pampanga.

Showing na sa January 28 ang Status: Single.

Read Next
Read More Stories About
Rafael Rosell
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rufa Mae Quinto (middle) with her Status: Single leading men (from left) Mark Bautista, Rafael Rosell, Jon Avila, and Alfred Vargas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results