Dingdong Dantes keeps relationship with Marian Rivera simple

IMAGE 0


"Just like what I always say naman, I'd like to keep it this way kung anuman ang aming working relationship. Mas maganda ng ganito, and ayoko siyang makumplika. Right now, importante sa akin ang aming ginagawa. Ang importante, nagkakasundo kami. That's the most important thing right now," says Dingdong Dantes about screen partner Marian Rivera.


Pagkatapos ng magkasunod na tagumpay ng Marimar at Dyesebel, inasahan na ng marami ang pangatlong pagpapareha nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. At nangyari nga ito sa upcoming primetime series nila sa GMA-7, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

Kumpara sa dalawang naunang telenovela nila, mas daring at mas mature Dingdong at Marian daw ang mapapanood sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Ani Dingdong, mas kapana-panabik at maraming mga eksena ang dapat na abangan sa pinagbibidahan nilang primetime series.

"Well, siguro masasabi ko na mas mature ang bawat characters namin, mas mysterious. This is something na hindi pa nakikita sa amin dati. Unang-una yung characters namin, kunwari si Marian, hindi siya typical na bubbly. Dito, medyo may pagka-mysterious na may pagka-action ang dating. Ako naman, nerd dito, tipong boring ang character ko na mababago pag nagka-encounter kami ni Marian," saad ng aktor sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

LAST TEAM-UP. Bagamat pareho silang excited para sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, isang top executive ng GMA-7 ang nagsabing ito na ang huling pagtatambal nina Dingdong at Marian sa mahabang panahon. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"It's possible but it's also not certain unless it's really there. Kumbaga, natapos talaga," sagot ni Dingdong. "Hangga't hindi nag-uumpisa ang isa bago matapos ito, siyempre maraming puwedeng magbago. Gaya din naman ng dati, hindi ko alam na makakasama rin ako sa Dyesebel, pero nakasama pa rin ako. So anything is possible.

"Siyempre, pag natuloy yun, malulungkot ako. Pero siyempre, mas maraming magagandang memories and it would be part of my best memories."

Balita na sa pelikula ay wala pa rin silang nakalinyang gawin uli ni Marian pagkatapos ng One True Love. Sa kaso ni Marian, may tatlo siyang nakalinyang gawin this year for Regal Entertainment, ngunit wala ni isa man dito ang magkasama sila ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, normal yun sa isang movie star na tulad niya [Marian] who is doing very well sa movies. And I'm very happy na nae-expose siya sa iba't ibang mga pelikula at kapareha," reaksiyon ng aktor.

GOOD RELATIONSHIP. Maraming mga tagahanga nina Dingdong at Marian ang umaasa pa rin hanggang ngayon na mauwi sa totohanan ang samahan ng dalawa. Pero consistent si Dingdong sa pagsasabi na ang gusto niya ay panatilihin ang magandang samahan nila sa professional o personal na level man.

"I will say it's much better dahil as time goes by, mas nagiging maganda ang samahan talaga. Just like what I always say naman, I'd like to keep it this way kung anuman ang aming working relationship. Mas maganda ng ganito, and ayoko siyang makumplika. Right now, importante sa akin ang aming ginagawa. Ang importante, nagkakasundo kami. That's the most important thing right now," saad ng binata.

Dahil ayaw ni Dingdong na lagyan ng label ang samahan nila ni Marian, okey lang ba sa kanya na makipag-date o makipag-boyfriend sa iba si Marian at siya naman ay okay lang lumabas with other girls?

"Yeah," sagot ni Dingdong. "But we don't talk about it. Kahit mga ganung aspeto, hindi namin pinag-usapan yun. Wala pa namang nangyayari na ganun. We all know how beautiful she is, hindi maiwasan na may mga manligaw sa kanya. Kumbaga, hindi natin mapipigilan yun."

ON KARYLLE. Pagkatapos lumipat ng ex-girlfriend ni Dingdong na si Karylle sa ABS-CBN, na-link agad ang singer-actress kina Jericho Rosales at Christian Bautista. Ano ang reaksiyon ni Dingdong tungkol dito?

"If it makes her happy, go ahead, I'm happy for them. Ever since, wala namang hurt feelings kasi malinis naman ang paghihiwalay namin, so natapos na yun dun."

Masasabi ba niyang naka-move on na talaga siya sa breakup nila ni Karylle?

"Kung naka-move on na ako, siyempre hindi mo masasabi agad na, ‘Oo, naka-move on na ako.' Pero tama na yun. Iniwan ko na lahat sa 2008 and I'm looking forward to 2009."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Dingdong na puwede na siyang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon, pero isa itong bagay na hindi niya minamadali ang sarili.

"Better and mas maganda ngayon na ang mga decisions ko, nababase sa sarili kong kakayahan at hindi kailangang isipin ang ibang tao. Mas magaaan, mas maganda, mas okey siya."

ON SUNSHINE DIZON. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Dingdong sa sinabi ni Sunshine Dizon na ang aktor ang pinaka-"goodlooking" sa lahat ng nakalapit o nakarelasyon niya. Ayon kay Dingdong ay na-misinterpret lang ng iba ang nasabing ito ni Sunshine dahil magkaibigan lang talaga silang dalawa.

"Whatever our relationship was before hanggang ngayon, hindi nagbabago yun," sabi ng aktor. "Because kaming dalawa, magkapatid kami niyan. Ang tawag niya nga sa akin ay 'bro'. Yun ang turing namin sa isa't isa. Higit pa sa pagkakaibigan ang turingan namin, pamilya talaga.

"Ever since, Anna Karenina pa lang, TGIS, parati kami niyang nagkukuwentuhan. We give advice to one another at hanggang sa tumanda kami, hindi nagbago yun. Ganun pa rin. Na-misinterpret lang ng ibang tao yung nasabi niya. Alam naming we're strong and solid as friends."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN