Aubrey Miles says being a mom completes her day

IMAGE 0


"Kung dati, 50 percent family, ngayon, 80 percent talaga sa family. Pati nga pagdyi-gym, ang nasa isip ko, baby. Paggising ko pa lang, pagtulog, ang nasa isip ko, baby na kaagad," says Aubrey Miles about being mother to her son Hunter Cody.


First kiddie party na pinuntahan ng anak nina Aubrey Miles at Troy Montero na si Hunter Cody Sandel Miller ang third birthday party ng anak nina Gladys Reyes at Christopher Roxas na si Christophe, sa Fun Ranch sa Westgate, Alabang noong Linggo ng hapon, January 25.

Proud parents naman sina Aubrey at Troy, na all throughout the party ay halinhinan sa pagkarga sa kanilang anak kahit may kasamang yaya. Three months and two weeks na raw si Hunter.

"First party niya at first birthday rin namin together," masayang sabi ni Aubrey sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hindi naman kasi kami uma-attend ng mga children's party. Pero ngayon, iba na. At the same time, para ma-feel na rin namin. Kasi, we're planning na magpabinyag na. So, we want to feel yung mga ganito, kung ano ang feeling."

Sa Greenhills, San Juan nakatira sina Aubrey at Troy, pero dinayo raw talaga nila ang party ni Christophe sa Alabang.

MOMMY AUBREY. How does it feel being a mom?

"It completes your day," nakangiting sabi ni Aubrey. "Parang every day, sobrang busy, hectic, pero in a good way. For me, I like it na ganoon. It helps me physically and...we communicate better with the baby. Siyempre, emotionally, nag-uusap kami kung ano ang feelings niya."

Hands-on parents sila ni Troy.

"We have a day-time yaya. Kapag kunwari magdyi-gym kami, ganoon lang. I'm proud to say na meron kaming... Every night, kahit 2 a.m. kaming umuwi ng madaling-araw, kahit duling-duling na kami, kukunin pa rin namin ang baby," kuwento ng aktres.

Marami rin daw siyang nakitang pagbabago sa kanila ni Troy.

"Ang dami! Especially parang dati, sobrang family-oriented ako. Kung dati, 50 percent family, ngayon, 80 percent talaga sa family. Pati nga pagdyi-gym, ang nasa isip ko, baby. Paggising ko pa lang, pagtulog, ang nasa isip ko, baby na kaagad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga na-discover ni Aubrey kay Troy nang maging daddy na ito?

"Magaling pala siyang magpalit ng diaper! At saka magaling siya kapag magwi-weewee na, siya, alam na niya!" natatawang sabi ni Aubrey.

THE BAPTISM. Plano na raw nilang pabinyagan ang anak next month.

"Gusto ko kasi kapag binyag na, yung puwede na siyang medyo hi and hello. Kasi two months, kain, tulog, iyak. Ayoko naman kasing dalhin siya sa simbahan, then sa reception na ngawa lang nang ngawa. At least, next month, four months na siya."

May mga napili na ba silang ninong at ninang for Hunter?

"Meron na. I'm planning to send yung parang formal asking na, 'Can you be a ninong or ninang?' If not, they can text me. Parang paalam lang."

Ang ilan sa mga celebrity na napili nila ni Troy na tumayong ninong at ninang for Hunter ay sina Boy Abunda, Mickey Ferriols, Tim Yap, Mico Palanca, at Jojo Manlongat.

Pero ayon kay Aubrey, "Actually, hindi pa masyadong complete yung list. More on mga friends namin talaga at ilang relatives."

BACK TO WORK. Slowly, bumabalik na rin daw si Aubrey sa trabaho.

"Kailangan ko pang magpapayat ng konti. Siyempre, we'll see rin kung ano ang meron din. Kung ano ang opportunity. Pero I won't gonna go like yung work talaga, everyday! Parang kailangang-kailangan ko. Ngayon, more on relax. Kung ano lang ang meron."

Tuloy pa rin ba ang pagpapa-sexy niya?

"Sexy na hindi na masyadong sexy-sexy," sagot ni Aubrey. "Pero mas gusto ko na yung sexy sporty mom. So, I'm starting to do sports now. So, kung may mga sports magazine, I like those."

Goodbye FHM na ba siya?

"Actually, kinukuha nila ako," aniya. "Pero sabi ko, wait lang, magpapa-abs muna ako. Gusto ko ibang katawan, yung sporty, healthy and fit. At para maging inspiration din sa mga mom na after you give birth, the more you have to keep yourself healthy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

When PEP asked Aubrey kung si Dondon Monteverde pa rin ba ang manager, naging open siya sa pagsasabing hindi na raw sila nag-uusap.

"Actually, meron pa ‘kong mga mag-o-almost two years [na kontrata]. But we don't talk anymore. No communication. Hindi na lang kami nag-uusap," sabi niya.

May away ba sila o galit sa isa't isa?

"Walang galit, pero gusto ko lang na mag-freelance na. Magpapa-release na ako, pero ayaw yata. Pero ang sa akin, aayusin."

What was her last project?

"Yung Rounin... Actually yun, dahil sa Rounin kung kaya't hindi ko siya kinakausap. Hindi ako nabayaran. Sabi nila, hindi sila bayad ng ABS-CBN. Pero sabi naman ng ABS-CBN, dapat manager ko, kasi co-produce sila. Actually, alam naman nila yun, e," napapailing na sabi ni Aubrey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN